Wednesday, August 29, 2007

hihi tlga?

"Panget ba ako?" tanong nia.

"Huh? Adik ka ba? Fishing ka eh."

"Hindi no. Gusto ko lang malaman." sabay lamukos nia sa mukha nia.

Napangiti na lng ako.

"Uy, crush mo 'ko no?" sabay tawa niya.

"Hayupp. Ang tigas nga naman ng mukha mo," sabay ngiti.

"Uy, crush nia nga ako. haha. Wag kang mag alala, d ko ipagkakalat. Kunwari d ko alam crush mo din ako. Dali, bulong mo saken na crush mo 'ko. haha "

"Pwede ba? haha. Anung nakain mo at ang saya mo?" tanong ko.

"Wala. Kasama kita eh.... uyy, kinikilig!! hahaha" pang aasar niya.

"Walangyang 'to. Ako nnman pinagtripan mo."

"Ayan, galit na. waahh... sorry na.. sorry na..." habng pabirong nakasimangot.

"Bahala ka. Kakain na lng ako." sagot ko sabay dampot ng kutsara't tinidor sa mesa.

"Ang ingay naman dito. D tuloy kta marinig ng maayos. Ganda pa naman ng boses mo."

Mabubulunan ata ako.

"Subuan kita. Akin na yan." sabay agaw ng kutsara ko.

"Haha may lagnat ka? Pasweet ka maciado. D bagay." sagot ko.

"Eehhh gusto ko eh. Bakit ka ba nangingialam?"

"Akin na yan. D ka marunong. Kumain ka na nga lang jan." sagot ko

"May dumi ba ngipin ko?" sabay ngiti. Ngiting aso, actually.

Tao ba 'to? Ang saya saya nia.

"Wala. Pero konti na lng, ung bituka mo lalabas na. haha"

"Inggit ka no? Ganda ng ipin ko. Don't worry, ganda naman smile mo.... uyyy, kinikilig ka na tlga!! hahaha" pang aasar nia.

Hayy, sabog nga 'to.

"Di nga, panget ba ako? Nakakadiri ba ako? Nakakasuka? Nakakagimbal?"

"Hehe Nilahat mo na. Bakit mo natanong?" sagot ko.

"Kasi, kung panget ako, d na ako magppakita sayo. Ang cute mo eh. Uyyyy, ngiting aso cia!! Hahaha Ayan oh, ngiting ngiti ka! Kinikilig! haha"

Lord, bakit ganito 'to? Kelangan tlgang ganito cia? Cute nga kaso parang laging nakainom ng pampagana. Napakasaya lage.

"Serious mode ba tayo ngaun?" nung nakita niang nakatingin lng ako sa kanya. "Sige, serious din ako." sabay pagseseryoso nia na alam mong pabiro lng.

Anytime, tatawa na to.

"hahah d ko kaya. Buti ka pa kaya mo. Ngiti naman jan.. Ayan, ngingiti na... uyy.. konti na lng... hihi"

Dun ako natawa. hi-hi tlga ang nasabi nia. Pwede namang haha dba? Hihi tlga?

"Ayoko na. Busog na ako."

"Sa dami ba naman ng kinain mo, sinung d mabubusog nian?" sagot ko.

"Kasi alam kong mapapalaban ako mamaya... hahahah"

"Bastos. hahaha"

"Uyy, kunwari virgin..." sabay kindat.

Adik tlga 'to. Mas adik pa saken.

"'Alika na nga. Nuod na tayo sine." sagot ko.

"Ay oo nga pala.. Cge. Hawakan ko kamay mo ah?"

"Bakit nagpapaalam? haha" nakangiti kong tanong.

"Malay ko ba kung bigla mong isigaw sa mga nanunuod na hinihipuan kita. Aba, ako ang hinihipuan." sabay tawa.

Ang kulit tlga. Konti na lng papatirin ko na 'to. Hehe

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;