Thursday, August 23, 2007

Manong, sandali

Pauwi na. Naghihintay ng masasakyan pauwe.
Dumating ang isang jeep.

"Dalawa na lang ang kulang, siksik ka na lang" sabi ng barker.

Sinong niloloko mo? Ilang beses na akong nauto nito.
Apat pa daw kulang, ibig sabihin, 4 na daliri ng paa ang kasya.
Umalis ka na sa harap ko. Harurot si Manong.

Dumaan ang tricycle. Good luck naman kung kasya ang dalahin ko.

"Sakay na. Kasya pa." sabi ni Manong tricycle.

Sa isip ko, Manong? Nakikita mo ba kung gaano kalaki ang bagahe ko?
Gusto mong ipalulon ko sayo 'to para makasakay ako jan?
Umalis ka na sa harap ko. Harurot si Manong.

Dumating c Padyak boy. Huminto sa harap kong humihingal.

"Ikaw na lng ang hinihintay ko. Ikaw lng mag-isa. Kasya ka na." sabi nia.

Kasya nga ako. Ang tanong, kaya mo ba ako?
Umalis ka na sa harap ko. Padyak c Manong.

Pagdating ng taxi driver sa harap ko, nakangiti.

"O ayan, maluwang para sayo at para sa dala mo. Malamig. Kaya kang dalhin ng walang hirap." pagmamalaki nia.

Ang yabang, pero may ipagyayabang naman kasi. Anu pa bang hahanapin ko? Kumpleto na cia. Umalis ka na sa harap ko. Harurot c Manong.

Bakit ba ako namili pa? Sila na ang huminto sa harap ko.

Napaisip ako.

Nag iisip lang ba ako ng dahilan para d ako lapitan o naghahanap ng paraan para mapansin?

Maglalakad na sana ako nung naisip kong mas masaya ang may kasama kahit may problema.

"Manong, sandali lang." tawag ko.

Hindi ko napansin sa paghihintay ko, lahat sila'y may sakay na.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;