Thursday, August 23, 2007

Panget ka na, hinayaan mo pa

"If you were born na panget, it's not your fault. Pero kung namatay kang panget, kasalanan mo na yun."

--Dra. Vicky Belo during the Grand Opening of Trinoma


Nareceive ko itong message ne 'to from a friend. Twice ko na cia narereceive, actually. Totoong sinabi nia man to, o hindi, wala na tayong pakialam dun. Ang akin lng, eh ung message na sinabi nia.

Natawag ka na bang panget? Ako, Oo. Anung ginawa mo?

Kung tutuusin, masakit man aminin, totoo ang sinabi nia. Our responsibility is to ourselves. Hindi natin dapat iasa sa iba ang ikasasaya, ika-gaganda o ika-ggwapo natin.

Nandyan ang make up, ang salon/parlor, at ang siyensya, ika nga nila, para sa atin. Do we choose the temporary remedies over the risks of having implants and whatchamacallits of surgery? It's up to us. Pero hindi natin dapat ito ginagawang dahilan para magustuhan tayo ng iba.

Inner Beauty sabi ng iba. I remember someone telling me na ito daw ang sagot ng mga panget in defense of their lack of physical beauty, as we should call it. True, pero not entirely. Let's not debate on this one na lng. matagalan pa tayo. But the point is, no matter how kind or beautiful you are, you will always be judged, initially, by your looks. Impression ba.

I have met lots of people na sana naging magnda o gwapo na lng dahil kapag nakilala mo, sing baho ng Payatas ang ugali. Would you allow that to happen to you? Papayag ka bang matawag na 'panget' knowing mas madami pang 'panget' kesa sayo?

Gumawa ka ng paraan.

Papayag ka bang mamatay kang panget?

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;