Saturday, September 8, 2007 1 comments

Hayy... ulan nga naman

Ang lakas nanamn ng ulan. Kung kelan nga naman hindi na ako nagdala ng payong para maiwasang mabasa.

Eto, cia namang lakas ng buhos na parang sinasabing, "Akala mo nakalusot ka na, no?"

Kung kelan nga naman ako nakalimot na, cia namang babalik ang bagay na ayaw ko ng balikan pa.

Kung kelan nasanay ka nang maaliwalas ang panahon, saka naman biglang darating ang panahon na magpapa alala sayo ng lahat.

"Musta ka na?" tanong nia.

"Eto, ok naman."

Magpapa alalang hindi ka pa pala nakalimot. Hindi ka pa pala tuluyang natuyo.

"Sana naging tayo, no?" sinabi nia.

Bigyan naman sana ako ng panahon para magpatuyo. Ayoko na ng ulan.

"Panu un, nagtalo na tayo nung huli? Sabi mo ayaw mo na." sagot ko..

"Wag na nating pag usapan un. Kalimutan na natin ung dati."

Maghihintay na lang cguro ako ng dadaan na may dalang payong.

Baka sakaling kahit malakas ang bagyo, mtulungan niya ako hanggang sa umaliwalas uli ang panahon.
0 comments

Iwas sa bato, p're

Envy: (ěn'vē)

* A feeling of discontent and resentment aroused by and in conjunction with desire for the possessions or qualities of another.

* A feeling of discontent or covetousness with regard to another's advantages, success, possessions, etc.

* is an emotion that "occurs when a person lacks another’s superior quality, achievement, or possession and desires it."[1] They also feel that it is not possible (or not easy) for them to have what they want. Otherwise they would simply go get what the other person had, and they would be satisfied.

Envy is one of the seven deadly sins.

In Tagalog: Inggit. Pangingimbulo.

Synonyms: backbiting, bad sportsmanship, coveting, covetousness, enviousness, evil eye*, green-eyed monster*, grudge, grudging, grudgingness, hatred, heartburn, ill will, invidiousness, jaundiced eye*, lusting, malevolence, malice, maliciousness, malignity, opposition, prejudice, resentfulness, resentment, rivalry, spite
Sources: Dictionary.com / Wikipedia.org


Bakit nga ba sadyang madaming tao imbes na suportahan ka na lng sa mga gingawa mo sa buhay, sila pa mismo ang hihila sa'yo pababa?

Inggit nga lang ba dahil hindi nila magawa ang mga nagagawa mo o sadyang hindi mo lang dapat marating kung anu man ang gusto mong abutin?

Hindi na lang dapat pinapansin ang mga taong ganito. Aksaya lang ng oras.

"An aspiring model walks into an ad agency and tries his luck in the modelling industry when suddenly an ugly old hag without a shred of a sense of fashion says to a friend, 'What's that person doing here?' "

Bato-bato sa langit.
2 comments

Lamig, no?

"Bili tayo food," bigla niang sinabi nung nakarating kmi ng cinema.

"Ha? Eh kakakain mo lng dba?"

"Wag ka na magreak jan. Bsta bili tayo ng makakain."

"Fine. Anu bang tiyan meron ka?" pabiro kong tanong.

"Nag iimbak nga ako ng lakas dba?"

Sabay tingala ko, "Lord, anung kasalanan ang ginawa ko?"

"Corny na. Bili nako?"

"Go." sabay ngiti ko.

"Fine. Anu bang gusto ng baby ko? Hihi kinikilig ako. Uyy, ikaw din noh? Pustahan? As in? haha"

At nagbalik ang mahiwagang hihi.

hihi tlga?

"Ito, gusto mo?" tanong niya sabay pakita ng junk food.

"D nga ako kakain dba?"

"Wushu," sabay kurot nia sakin. "D daw pero, mamaya magpapakapatay gutom ka nanaman. haha uyy, aminin mo. Minsan sa sarap ng pagkain, nakakalimot kang tao ka pla. hehe"

"Adik."

"Adik sa'yo." biglang bawi nia. "Uyyy!! Kinikilig ka na!! ahahah konting smile pa para mas pakilig pa ako.. hahaha gusto mo pa isang banat?"

Nabigla ako dun. Marunong bumanat.

"Haha yan naman ang gusto ko sayo. Marunong mambola." un na lng nasagot ko.

Kinilig naman tlga ako kahit na alam kong banat lng un.

"Eehh un ang totoo. Wag ka ng kumontra, mahal."

Mental head slap. Anu daw? Kanina baby, ngaun mahal? Mamaya anu na?

"Mahal tlga?" tanong ko.

"Oo. sige para walang away, pakiss na lng. hihi kinikilig tlga ako. Isang smack lng. Dali. ito naman, smack lng. Andamot oh." sabay tawag sa guard. "Guard? Ayaw nia magpakiss. Ipakulong mo nga."

"Haha nakakahiya ka. Dali malelate na tayo sa screening." sabi ko.

"Apurado. Excited ka lng mahipuan ako eh. Aminin mo. Uyy," sabay bulong nia saken. "Hindi tlga ako nagsuot ng underwear para sa moment na 'to. uyy, nag iisip na ng malaswa. hahaha"

Lord, nakakahawa ba ang sakit nia?

"'Lika na nga. Alam ko namang excited ka na... sa movie. Ikaw, defensive ka! hahaha" biro nia nung magrereak pa lng ako.

"San ba tayo nakaupo? Ang dilim. bakit ba andilim sa sinehan?"

Cute nga, shunga naman. Anu ba, Lord?

"Painom naman." sabi ko sa knya habang nanunuod na kami.

"Ubos na."

"Ha? Kabubukas ko lng nian kanina ah? May butas? Haha"

"Nauhaw ako. Wag ka na mag inarte. Laway mo na lng inumin mo. Hahaha" biro nia.

Napatawa ung katabi ko sa biro nia.

"Kulang eh. Tsaka gusto ko may lasa. Kahit tubig, wala ka jan?"

"Wala eh. Laway ko u want? hehe"

"Nawala na pla uhaw ko. SIge, salamat."

Natawa lng cia.

"Lamig, no?" tanong nia.

"Sobra. Nakajacket ka na, pero giniginaw ka pa din?"

"Oo, hawakan mo kamay ko."

Hinawakan ko.

"Parang sa bangkay lang. haha" biro ko.

"Loko ka ah. Manuod ka na nga lang jan. Hmph."

Bawat letra ng 'hmph' narinig ko sa pagkasabi nia.

D ko napansin, mula nung hinawakan ko kamay nia, d na nia binitiwan.

Yun pala ang teknik. Kunwari malamig.

"Haha giniginaw ka na din," nung naramdaman niang nangangatog din ako sa lamig. "Eto, jacket ko."

"Ginawin ka dba? Sige, ok lng. Sayo na lng muna." dahil mas ngangatog cia saken.

"Sige, share tayo. Tutal mabait ako. Ikaw, umm.. bsta share tayo.. hahaha"

"Ok na sana, biglang may panlalait sa dulo. ahaha"

Hindi pa din nia binitiwan ung kamay ko. Effort dahil isang kamay lng ang ginamit nia para makpagjacket kaming dalawa.

"Anu ba yan, ang likot mo!" sabi nia nung nahulog ung jacket sa side ko.

Inangat nia. Nahulog uli after a few minutes.

"Anu ba? Ang likot ah? Wala pang hipuang nagagnap ang likot na. hahaha"

Inangat nia uli.

"Haha parang inutil naman ako dito. Pwedeng ako na lng ang mag angat dba?" sabi ko.

"Eh bakit ba? Gusto ko ako nag aayos eh. Nuod ka na lng." sagot nia.

Nahulog uli. Pagod na atang magcomment kaya inangat nia na lng habang nakatingin sa movie screen.

Nung nahulog uli, binalik na ulit nia na hindi nia ata nappansin na ginagawa nia pa un.

Tumingin ako sa kanya, nakita ko na nga ang hinahanap ko. Security.

Sa sandaling yon, nakita kong sabay na nakangiti ang puso at utak ko. Handa na akong humarap sa problema.

Kasama ko ang adik na 'to, ok na ako. Ok na tlga.
Related Posts with Thumbnails
 
;