Tuesday, December 16, 2008 9 comments

Wumiwishlist sa Pasko

Dahil magpapasko, I'll join the bandwagon. (Plus, makikisali na sa promo ni Melo Villareal) I'll definitely buy one of these before the year ends. Regalo ko sa sarili ko for being a good boy. :)

1. 250GB External Hard Disk. (Kahit na kaya ko tong bilhin, pwedeng ipagpaliban dahil hindi pa naman kailangan sa ngayon.)

2. John Legend's CDs. I just love his music. Nakakarelax. (Isang octave lang ang difference ng boses namin.)

3. Jason Mraz's We ing, We Dance, We Steal Things CD. Ansarap pakinggan ng music niya while on the road. (May konting bop pa ng head habang nakikisabay sa kanya.)

4. Floating Weiner Dog. Nakapanood ako ng movie ng may ganitong hawak ung bida. It certainly puts a twist on the line 'walking a dog.' Nakakatuwa kasi tingnan. :)

5. Twilight Novel Set. My sister fell in love with the book. Magandang panregalo sana sa kanya. Kaso inunahan na ako ng parents ko.

6. Tales of Beedle the Bard. Pangcomplement sa Harry Potter series ko.

7. Janet Evanovich's Stephanie Plum novels. I have her first 10 novels, yung 11 to 14 na lang. :)

8. A Laptop. Siyempre impossibleng mabili ko 'to kaya magsisimula na akong mamalimos para makabili ako next year.

Wednesday, December 10, 2008 8 comments

sex on the plane

Sa Eroplano

'Baby, dun tayo sa CR. Gusto ko maexperience yung sex on the plane," biro ko kay M. "Fantasy ko un eh hehe."

Tumingin lang siya sa akin na parang nagmura ako ng unang beses.

Sinuklian ko lang ng (read: makamundong) ngiti yung tingin niya sa akin sabay tawa.

"Baby!" natawa na din si M.

Pero bigla akong naging serious. "'Di nga? Gusto ko."

At si M naman ang natawa sa sinabi ko.

"Sige na. Wala namang makakakita sa atin na sabay papasok ng CR." biro ko uli.

Habang nasa unahan ng eroplano ang CR kaya kitang kita ng lahat.

Tumawa na lang siya at sabay nilabas ang digicam at nagpicture na lang kami buong flight. Pati yung mga nasa labas ng eroplano nasama sa picture.

Birthday ko na kasi kaya nagdecide kami mag out of town. Parang honeymoon at birthday celebration-in-one.

Destination: BORACAY


To be continued. :)
Thursday, December 4, 2008 1 comments

Gimme a Lenovo

Lenovo IdeaPad S10 Skin Design Competition


Hmm.. I decided to try my luck at this promo. Wala din naman ako magawa sa break ko.

I made 2 entries. This is the first one.
Serial No. 1228201829



Here's the second one.
Serial No. 1228370399



Vote for me! :)
I want a Lenovo. Sayang din yun!
Here's the link: click here
Thursday, November 27, 2008 11 comments

Isa pa, gaganti na ako

Eto ang hinaharap ko araw-araw sa MRT kapag papasok ako sa work.




Kaya hindi maiiwasan na maranasan ko na ang karamihan sa reklamo ng maaarte. Mula sa over-protective na boyfriends (na akala mamanyakin ko girlfriends nila) hanggang sa mga nakalimot maligo sa umaga. Mula sa madadaldal na tsimosa hanggang sa mga malilikot na grupo ng mga estudyante. Kaya naman nakasanayan ko na ding palipasin ang mga maliliit na bagay na pwedeng ikasira ng araw ko.

Kaso kakaiba ngayong umaga, hindi ko napigilan.

Nasa gitna na halos ako ng kalsada sa entrance ng North Avenue Station nakatayo at naghihintay makapasok ng biglang my tumapak sa sapatos ko. Dahil hindi naman gaanong masakit, hindi ko na lang pinansin pero nung makita ng lalaking nakatapak ung reaction ko, hindi man lang siya nagsorry sa nangyari.

OK, expected na pwedeng matapakan ako sa dami ng tao kaya hindi ko na pinalaki pa.

Pinapasok na uli ang mga tao sa labas kaya nagsimula na uling sumikip ang lugar kung saan ako nakatayo.

Pagkapasok namin sa may inspection ng bags sa ground floor, may tumulak sa likod ko na muntik ko ng ikatumba . Yung lalaking nakatapak ng sapatos ko.

"Ambagal naman!" sabi niya na parang hindi ako tinamaan.

"Pasensya na ho. Madami kasing tao sa taas kaya pinahihinto namin dito sa baba." pagsusngit ng security guard sa harap ko.

Isa pa, gaganti na ako, isip ko.

Pagkapasok namin sa loob, lalong nagdagsaan ang mga tao para mauna sa escalator na hindi naman umaandar.

Hinayaan ko na lang na itulak ako ng mga tao dahil sa sobrang sikip ng lugar hanggang sa may isang taong nagtulak sa akin na muntik ng ikahulog ng bag ko.

Si Kuyang mananapak.

Namumuro ka na ah! sabi ko.

Sinubukan ko siyang ipitin sa pagpasok para makaakyat ng escalator hanggang sa naapakan ko na siya. Ang maputi niyang sapatos nagkaroon ng putik dahil sa ginawa ko pero hindi niya napansin.

Sinubukan ko namang itulak siya hanggang sa mabangga siya sa gilid ng escalator at ng humarap siya sa akin, tinuro ko lang ang mga tao sa likod.

Naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya kahit halata sa kanya ang inis, wala siyang magawa.

Hindi pa ako nakuntento kaya habang umaakyat kami sa escalator, naitulak ko siya paakyat dahil bigla siyang huminto sa harap ko.

Ipinakita ko ang pagkairita sa kabagalan niya kaya bigla siyang nagmadali paakyat hanggang sa hindi ko na siya nakita sa station.

Minsan talaga, hindi pwedeng manahimik ka na lang lage kapag sumosobra na.
Friday, November 14, 2008 9 comments

"Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Magwithdraw muna ikaw para may pamasahe ka sa work." sabi ni M sa akin.

Sinamahan niya ako sa sakayan ng FX papuntang office dahil dadaan di pala siya ng office nila para tapusin ang mga natitirang trabaho niya.

"O sige." sagot ko at pumunta na sa ATM ng BPI.

Pagkatapos magwithdraw, pumunta na kami sa sakayan ng FX. Nahalata niya ata na naiinitan ako kaya nilabas niya ang dalang payong.

"Ang lapit na lang natin. Bakit nilabas mo pa yan?" tanong ko.

"Siyempre para hindi tayo mainitan." sagot niya habang nakangiti. "Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Hala! Talagang nagbigay ng dahilan para magblog? Hehe. Buti naman pala binabasa mo blog ko." sabi ko sa kanya.

"Oo naman."

"Hmm.. eh di tuwang tuwa ka dahil kinikilig sila sa ginagawa mo?" nakangiti kong sagot.

"Hindi naman yung reaksyon nila ung kinakatuwaan ko. Natutuwa ako kasi yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko, napapansin mo. Naappreciate mo yung mga un kaya kinikilig ako tuwing binabasa ko blog mo." sabi niya na parang nahihiya pa.

Napangiti naman ako dun. Hindi ko na alam paano sumagot dun.

"Eh siyempre kasi natutuwa ako sa mga ginagawa mo kaya nasheshare ko din sa blog ko." sabi ko na lang.

Dumating kami sa sakayan at hindi siya umalis ng pila hanggat hindi ako nakakasakay. May 'I Love You' pang pabulong mula sa kanya nung nasa loob na ako ng FX at paalis na siya.

Parang nairita pa ung lalaking nasa tapat ko nung nabasa niya sa labi ko ang "I love you, too.'

Inggit ka lang, gusto kong sabihin sa kanya, sabay ngiti.


11.14.08.
Happy Monthsary, M!
Thank you for all the reasons why I love you.

Wednesday, November 12, 2008 7 comments

Paikut-ikot

"Eastwood, ho?" tanong ko sa driver ng taxi pagdating ko sa dulo ng pila.

Hindi ko agad naintindihan ang sagot nia dahil parang umiling na tumango. Pero tumingin uli siya sa akin at parang naghihintay na sumakay ako.

Sumakay ako. Kinabit ang seatbelt at nagpaubaya sa taong nasa likod ng manibela.

"Saan ang daan natin?" tanong niya.

Mukhang nasa 30 pataas na siya. Hindi pa gaanong halata ang edad kung hindi mo makikita ang ilan-ilang puting buhok sa ulo niya.

"Kayo ho ang bahala. Kung saan mas mabilis." sagot ko dahil hindi ko kabisado ang pasikut-sikot. Mukha namang mabait si Kuya kaya pinagkatiwalaan ko na.

"Pa-garahe na sana ako eh. Kaya nagulat ako nung sinabi mong dun tayo pupunta. Nahirapan ka maghanap ng sasakyan no?" tanong nia habang nas biyahe kami.

"Oo nga ho, eh. Medyo mahirap din kasi talaga kapag ganitong oras. Iilan na lang naaabutan ko." sagot ko habang tumitingin tingin sa dinadaanan namin.

Hindi na ako pamilyar sa dinadaanan namin kaya kinakabahan na ako. Kapag nasanay ka kasi, mahirap ng magbago ng paraan. Pero hindi ako nagsalita dahil mahahalata yun ni Kuya kung sakaling may balak man siyang mangholdup o gusto niya lang ubusin ang laman ng wallet ko.

Nagtuloy-tuloy pa din kami sa pag-uusap. Umabot sa pamilya niya at napagkamalan pa akong estudyante. Nagtuloy-tuloy pa din ako sa pag-aalala dahil lumalayo na yata kami.

Hanggang sa umabot kami sa isang pamilyar na lugar. Dun na ako nagreact at nagpadaan kay Kuya bago pa man makaisip na kung saan saan niya ako paikut-ikutin.

"Dyan na ho tayo sa kaliwa." pilit kong sinabi para isipin niyang alam ko ang daan.

Sinunod naman niya hanggang sa nakarating ako sa pupuntahan ko.

P250 ang nakuha niya sa akin na kadalasan P150 lang.

Nadaya ako. Nautakan.

Pero anong pang magagawa ko, tapos na.

Bakit nga ganoon, nagbigay ka ng tiwala na hindi ka ipapahamak pero darating ang araw na marerealize mong pinaikut-ikot ka lang pala hanggang sa mapagod ka at magdesisyon na para sa sarili?
Thursday, November 6, 2008 9 comments

Lokohan

"D nko makakapunta. Late na kasi eh." txt ko sa kanya habang nanunuod ako ng sine kasama ni Ate.

"Ha? Cge na. Kahit saglit lang. Gusto ko lang lumabas ngayon. Ala ako kasama e." reply nia.

Ilang buwan na din mula nung naghiwalay kami ng ex ko. Ilang araw na din akong umiiyak dahil sa mga kalokohang ginawa niya.

Dahil sa kati, pumayag akong makipagkita pagkatapos naming maglakwatsa ni Ate.

"Alam mo na yang ginagawa mo. Matanda ka na." sabi ni Ate ng may pag-aalala dahil alam niya ang pinagdadaanan ko.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. Oo, alam ko, naisip ko. Pero hindi ako sigurado.

Siguro naghahanap lang ako ng pang-divert ng attention ko dahil sa mga nangyari sa buhay ko noon kaya pumayag ako.

Nagkita kami.

Nangyari na ang dapat mangyari. Wala din akong napala. Ex ko din ang hinahanap ko noon kahit na masakit ang paghihiwalay namin.

Habang nagpapahinga, napagkwentuhan namin ang buhay ng isa't isa; ang pamilya at ang trabaho. Hanggang sa umabot kami sa relasyon.

"Atleast single tayo pareho. Walang problema." nasagot ko sa isa niyang nakwento.

"Hindi ako single. Nasa States siya hanggang next month. Work-related daw." sagot nia na parang walang nangyari sa amin.

Natulala ako sa sinabi niya.

Nakwento ko ng pahapyaw ang katatapos ko lang na relasyon.

Natahimik kami pareho.

Nagdecide ng umuwe para matapos na ang lokohan. Pero hindi ako makauwe sa bahay. Nung napadaan ang sinasakyan kong bus sa Jollibee, nagdecide akong magpalipas ng oras.

3AM. Nasa Jollibee ako mag-isang umiiyak. Pinipilit na hindi makita ng mga crew ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakalungkot na somewhere sa States, may isang walang kamuang-muang na lalaki ang niloloko na pala. At ang mas nakakalungkot, wala akong kaalam-alam na kasabwat pala ako sa panloloko.

Ang niloko, hindi alam na nanloloko din pala.
Tuesday, November 4, 2008 0 comments

Halloween Costume

"Sayang ung prize. Sige na, karirin na natin!" sabi ng officemate kong si MJ noong nagpplano kami ng susuoting costume para sa Halloween Party namin.

"Sige! Kaninong mukha naman ang bababuyin natin?" sagot ko.

"Oo nga. Kanino?" sagot ni S.

"Yung sa'yo na lang kaya?" biro ko kay S sabay tawa. "Tapos gagawin ka naming Anne Curtis sa Dyosa..."

"Hahaha wag ganun!"

"Sige na. Ayaw mo nun? Sige ikaw ung sa lupa. Kalahating kabayo, kalahating tao. Kaso ung ulo mo ung kabayo." tuloy ko habang pinipigilan kong tumawa.

"Hahaha ampanget naman nun!" sagot ni S habang tawa lang ng tawa si MJ.

"O sige. Ung sa tubig na lang. Kalahating tao, kalahating isda. Pero isda ung ulo mo tapos may paa ka!" sabay tawa ko uli.

Wala kaming magawa ng hapong iyon dahil galing kami ng bangko pagkatapos maglunch sa KFC.

Ang ending, nagmaskara na lang kami dahil wala ng time mangarir pa ng costume bukod kay MJ na nagsuot ng garbage bag, at ginawa naming babaeng multo na may malaking boobs.






Friday, October 24, 2008 7 comments

visually, irritating din siya

Nasa jeep ako kahapon papunta ng gym when suddenly a group of girls came. Sobrang maiingay that you can't help but look at them and listen to what they're saying.


"Ang panget tlga nun! Ewan ko ba sa'yo, Kate, bakit mo pinatulan un!" said one girl who looked irritated (visually, irritating din siya).

"Anu ka ba? Mabait yun. Tsaka ok kausap. Lage nga ako natatawa kapag magkasama kami." said Kate.

"Hay nako, kay James ka na lang kasi. Cute na, mayaman pa! Ung isang un, mukhang ewan. Ang itim pa!" the other replied who apparently was Jenny based from the other girls' comments.

"Ang sama mo, Jen. Haha" said another girl.

Hindi natapos ang panlalait ni Jen sa kawawang guy hanggang sa bumaba na ako ng jeep.

And then I remembered a friend's observation. Same scenario but with guys. Yung mga may hitsura, tahimik lang na nakikitawa, pero may isang makapal ang mukha na magkakalat ng masama about a certain girl.


Bakit kaya ganun, kung sino pa yung panget, yun pa yung mayabang at mahilig manlait ng iba?
Monday, October 20, 2008 2 comments

Pinoy Top 40


hmm... Kailan kya ako mapupunta kahit sa pang41 lang?

BusinessWorld, Oct 17, 2008.

Wednesday, October 8, 2008 1 comments

BBC: Not really funny

This is (a portion of) the controversial skit of popular show Harry and Paul that got BBC in trouble.






It's not even funny.
Tuesday, September 30, 2008 11 comments

Sabihin mo nga sa kanya

Inaantok pa ako nuon kaso wala ng magagawa dahil mukhang malelate na ako sa trabaho.

"May pamasahe ka pa?" tanong ni M pagbaba namin sa tricycle galing sa kanila.

"Oo. Ikaw?" tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin pero malungkot ako ng araw na yun. Minsan na kaming nagtalo ni M dahil sa ganitong feeling ko.

Nagtaka ako dahil yung hiniram kong bag niya eh walang zipper kaya bukas na bukas ung bag ko. Natakot ako na baka may mahulog akong gamit kaya inisa-isa ko lahat ng laman.

"Oh, bakit may ganito?" tinanong ko si M nung nakita kong may 3 pirasong Inipit sa bag ko.

Wala akong ganang kumain ng agahan madalas kaya natuwa ako dahil siya ang nag ayos ng gamit ko bago pumasok kaya alam kong nag-alala siya sa akin kung makakakain ba ako ng agahan.

"Eh kasi baka hindi ka kumain kaya naglagay na ako nian." nakangiti niyang sagot. "Sana pala nilagay ko talaga sa ilalim yan para sa office mo na talaga makita."

Malapit na din kami sa sakayan noon.

"'Wag ka na malungkot ah? Mahal naman kita eh."

Naikwento ko sa kanya yung nararamdaman ko at nakita ko ang pag aalala sa kanya.

"Sige nga, sabihin mo sa kanya." dinaan ko na lang sa biro para hindi na lang siya lalong mag alala.

"Kanino?" tanong niya.

"Kay Ate. Ayan siya o." turo ko sa naglalakad naming katabi.

Bigla siya lumingon at sinabing, "Ate, mahal ko 'to."

Hindi ata narinig ni Ate pero yung isang lalaki sa harap namin ang napalingon.

Natawa na lang ako sa kanya at nagpasalamat dahil sinamahan niya ako.

Minsan talaga, kahit gaano ka kalungkot, may isang tao na magpapangiti sa'yo.
0 comments

"Is it all worth it?"

Pagkatapos ng lahat ng tawanan at kwentuhan,

Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan,

bigla mong maiisip,

"Is it all worth it?"

Ayoko ng ganitong feeling.

Nakakapagod mag-isip.


Nakakalungkot.

*sigh*

crashing. ^#%$^&#!
Wednesday, September 24, 2008 6 comments

Best Weekend part II: (masarap na) Champorado ni M

Naalimpungatan ako ng Sabado ng umaga. Hinahanap ko yung phone ko ng biglang magising na din si M.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya yung phone niya.

"11:30."

May bisita kami ng araw na yun kaya nag-alala ako dahil late na kami nagising at hindi pa nakakapag-ayos ng bahay.

"Asan na sila?" tanong ko kay M.

"Nasa kanto na daw."

@#@$#%^$!

Dumirecho na ako ng banyo para maghilamos at mag-ayos. Ganun din si M na biglang nagligpit ng gamit sa bahay.

Hanggang sa narinig ko na nga ang ingay sa labas ng banyo. Kinabahan ako bigla. First time ko 'to, naisip ko. Bahala na.

Lumabas ako ng banyo at sinalubong ang mga bisita.

'Sana mukha akong tao,' naisip ko.

"Ma, si JM," pakilala sakin ni M. "JM, si Mama at si Abet, kapatid ko."

Dinaan ko na lang sa ngiti dahil baka mahalata nila ang kaba ko kapag nagsalita pa ako.

Lalo akong kinabahan ng si M naman ang pumasok ng banyo at nagpalit at naiwan akong kasama ng Mom at kapatid niya.

"'Wag kang papayag na paglinisin ka niya ng bahay ah?" sagot ng Mama ni M.

"Oo, pabayaan mo yun. 'Wag ka talagang pumayag." dugtong ni Abet.

"Ah, hehe sige." lang ang nasagot ko.

"Nagdala kami ng lunch niyo dahil alam namin walang pagkain si M dito," sagot uli ng Mama ni M. "Kunin mo nga Abet ung lalagyan niya ng pagkain."

At dahil ako ang malapit dun, ako na din ang kumuha at nag-abot.

"Ah, madami na palang laman 'to."

"Ah, oho, naggrocery kami kahapon. Kasama ni Chooki." sagot ko. "Nagluto kasi si M ng hapunan kagabi kaya bumili na din kami."

"Oo, iuwi nio na lang pala ung natira kagabi. Andaming sobra." sagot ni M pagkabalik niya. "Masarap ung pagkagawa ko. Napadami nga ng kain si JM."

At saka niya kinwento ang nangyari kagabi mula sa adobong usok hanggang sa oily na sahig pagkataops magluto.

Nagulat yung mga bisita namin dahil nakapagluto pa daw si M sa bahay.

Inimbita na din namin si Chooki para sumabay maglunch dahil madami silang nabiling pagkain. Perky pa siya nung nakausap ko sa phone para papuntahin sa bahay. Parang ramdam kong bagong ligo at nakatapis pa habang kumakanta ng 'Loving You' (yung part na tumitili na).

Pagdating ni Chooki, nagsimula na ang kwentuhan. Nakakatuwa dahil parang mga kasing edad ko lang ang dumating dahil puro biruan lang nangyari. Madami ding mga global issues ang napag-usapan.

*Narealize na gumanda na daw si Yeng mula noong nanalo siya. Hindi na mukhang ****long, sabi ni M.
*Binibiro nila ang Mama ni M dahil mula ng pumasok ng bahay, wala ng ginawa kundi maglinis. Idagdag pa ang pagreremind kay M na matutong mag-ayos ng bahay.
*Matangkad si Mark Bautista in person.
*Maganda si Anne Curtis, walang biro.
*Nagpaayos ng ilong si Rachelle Anne Go. Pati pala si Sarah Geronimo, pero biglang kabig dahil total performer naman daw. (Pero mas magaling daw si M dahil marunong daw siya sa Excel, d ako kokontra dito. Bawal.)
*Magaling ang performances sa ASAP.
*Unang game ng Ateneo-Lasalle sa UAAP Finals.
*Inaasar pa nila si M dahil ngayon pa lang daw nagmukhang bahay ang bahay niya dahil may TV na at may sofa.
*Atbp. na baka magbago ang pananaw mo sa buhay kung sakaling malaman mo pa ang mga un.

Natuwa ako sa kwentuhan habang kumakain. Bihira kasi ang ganung eksena sa bahay. Ako, si Mama at si Sandy lang kasi madalas ang magbonding.

Nakakatuwa din na close si M sa kapatid niya. Kabaligtaran ng sa amin sa bahay na irap ang batian at barahan ang bonding.

Nagdecide na lumabas at magpaikot ikot sa Libis ang pamilya, sabit kami ni Chooki na dala ang laptop para mag-internet daw kaso may pagstopover sa bahay nila para masabing nangangamusta lang daw.

4 kami sa Starbucks na nagkukwentuhan tungkol sa pamilya ng isa't isa.

"Nagyoyosi ka ba?" tanong ng Mama ni M nung nakita siya naglabas ng lighter.

"Hindi, ho." sagot ko.

"Mabuti yan. Para mabawasan 'tong kayoyosi niya."

"Oo nga. Buti na lang hindi ka nagyoyosi." sagot din ni Abet.

Tiningnan ko na lang si M at nginitian. Alam na niya ang ibig kong sabihin dahil napag-usapan na namin ang pagyoyosi niya.

Gusto kong sabihin sa pamilya ni M na mahirap pigilan yan kung yung buong grupo na sinasamahan namin ni M ay nagyoyosi lahat bukod sa akin.

Dumating ang Chooki (na napag-alaman kong marunong mag-Mani&Pedi) ng dala ang notebook niya na hindi na niya magagamit dahil pupunta kami ng Megamall para magdinner. At para na din bumili ng tickets para sa Sabado.

Buti na lang nagkasya kaming lahat sa taxi, nasiyang ikinagulat ni Manong Driver.

"Slim ako." ang tanging sinabi ni Chooki.

Hindi na lang kami kumontra. Hindi na namin kaya dahil naipit na kami.

(Peace tayo, Chooki!)

Pagdating ng Megamall, nag-ikot ikot kami saglit at bumili na kami ng tickets for Saturday . Saka nagdecide kumain sa El Pollo Loco na nakakaloko sa sarap ang manok. (The best pa din siyempre ang Inasal!)

Napuno ng tawanan at kwentuhan ung mesa kaya sobrang nag-enjoy ako. Hanggang as nagdesisyong umuwe na dahil may pasok pa kami ni Abet kinabukasan ng umaga.

Ako, si M at si Chooki eh dumaan muna ng Podium para tumingin ng damit na isusuot sa Sabado. Tumingin tingin hanggang sa napagod at umuwe na lang ng bahay at natulog.

Bago matapos ang gabi, nakareceive ako ng text mula kay Abet.

Approve sa akin ang kapatid. Si Mama na lang niya ang kailangang pagpacute-an. :)

Sobrang saya ng Linggo ko. Hindi ko lang alam, may mas hihigit pa pala paggising ko kinabukasan.

6:30AM ako nagising ng Lunes. Maaga pa para magmadali dahil 9Am pa naman ang pasok ko.

Akala ko nagkakape si M dahil mas nauna siyang bumangon kesa sa akin. Kaso iba ang amoy ng kape niya ngayon.

Pagtingin ko, nagluluto pala siya ng champorado (na alam niyang madalas kong kainin noon sa bahay).

Nakakatuwa dahil magbbreakfast ako uli bago pumasok na huli kong naranasan noong nag-aaral pa ako 2 years ago.

"Matamis ba masyado?" tanong niya nung nagsisimula na kaming kumain.

"Hindi naman." sagot ko. Natabunan siguro ng emosyon ang dila ko dahil hindi ko nalasahan ang tamis na tinutukoy niya. Narealize ko lang na medyo matamis nga nung nangalahati na ung pagkain ko.

"Ayaw mo na sa champorado ko. Sinasabi mo lang na hindi matamis." kunwaring pagtatampo ni M.

"Hala. Ano ka ba? Medyo matamis nga pero masarap naman. Bakit ba nag-aalala ka dyan?" tanong ko.

"Eh kasi baka ayaw mo na sa'kin dahil hindi masarap ang champorado ko."

Nagpacute pa daw ba? Nagmamatamis si M!

Tinawanan ko na lang at dinaan sa kiss para matigil na ang bolahan.

"Late na."

"Ayoko pang umalis. Kasi pag-alis natin, 4 na araw nanaman kitang hindi makakasama."

Na-late ako noong Lunes. Pero parang ako ang pinakamaagang dumating. (Alam mo na kung bakit.)

Napakasaya ng Lunes ko, dinaig ang mga nakaraang araw.
Duon natapos ang weekend ko na naging dahilan para abangan ko ang susunod na weekend.


Salamat, M.
I love you.
Monday, September 22, 2008 6 comments

Best Weekend part I: Adobo aka Liempo

Akala ko masayang weekend lang ang magaganap last weekend. Mali ako.

It was one of the best weekends I've ever had.

So much to tell, so much hard to put into words.

Nagsimula ng Friday night nung nakita ko ang mukha ni M nung nakita niya ako. Hindi ko talaga iningayan ung pag-bukas ng door para hindi ko siya magising. Kiss sana ang panggising ko kaso nagising agad at biglang siyang yumakap. It all started because of that smile. Parang batang binigyan ng regalo sa Pasko.

Then we decided to have dinner at Shakey's kasama ang close friend niyang si Chooki at dumating pa ung ibang friends niya. At dahil wala ng plan after, we decided to go to Wensha. Gusto daw kasi ni Chooki magpamasahe. Um-oo na lang ako dahil gusto ko din maexperience magpamasahe. Virgin pa kasi ang katawan ko pagdating sa ganun.

At nangyari na nga ang inaasahan ko pagdating dun, kailangang maghubad infront of all the people habang nasa loob kami ng locker. Good thing may tuwalya naman. Bad thing, kakakain ko lang at singlaki ng Astrodome ang tiyan ko.

At dahil wala ng magagawa, pinanindigan ko na lang. Mas madami pa naman mas malaki tiyan kesa saken.

My buffet na hindi ko naranasan. May body massage na hindi ko masyadong naenjoy dahil ung nagmamasahe saken eh mahilig makipagkwentuhan.

(Sa'yo na nagmasahe saken, Oo, kahit walang naririnig na salita, alam kong nakikipagkwentuhan ka dahil putol-putol masahe mo. Distracted. Next time, idedestruct ko katawan mo kapag naulit un.)

Mas nag-enjoy pa ako sa foot massage dahil hindi lang feet ang namassage saken. Pati braso at leeg ko. (Some foot massage, huh?)

Nag-enjoy ako dun. I left there feeling relaxed and recharged. Ngayon, alam ko na ang feeling ng rejuvenated. Kala ko inimbento lang nila para may masabi lang ng kakaibang word after magpa-spa.

5am na kami nakauwe at dahil balak daw ni M na ipagluto kami ni Chooki ng lunch, maggrocery kami sa mall malapit sa kanila.

Ang kaso, sumobra ata ang rejuvenation process namin kaya pagdating sa bahay, natulog na lang kami.

Masaya ang Friday ko. Kala ko tapos na ang kasiyahan, hindi pa pala.

Ang 7am grocery for lunch ay naging grocery for dinner na. We woke up early lunch time at pinuntahan si Chooki para sa bagong bagong bonggang bonggang SM Marikina na kami magpaikut-ikot at maggrocery na din.

Amoy bagong mall ung SM Marikina kaya enjoy maglibut-libot kahit na hindi masyadong malaki. Naglunch kami sa foodcourt at nagpunta na ng hypermarket para sa dinner later.

"Feeling ko may pamilya na ako. Kasama kita tapos nandito tayo naggrocery." sabi ni M habang rumolyo na lang mata ni Chooki dahil nahuhulas na siya sa amin ni M.

"Sa December, kapag wala pa din akong boyfriend, sa babae na lang ako!" biro ni Chooki habang nakikita niya kaming magkaakbay ni M. "Parang nakikita ko na kayo in a few years. Ikaw buntis tapos siya inaalalayan ka tapos magkikita tayo sa grocery at magbabatian."

Dinaan na lang namin sa tawa ung mga biro ni Chooki. Nakakatuwa dahil first time kong maexperience ung ganung eksena.

Pagdating ng bahay, inuwi na muna ni Chooki ung mga pinamili niya habang ganun din ginawa namin ni M. Nagmarinate na siya para daw pagbalik namin galing ng Libis, pwede ng lutuin. Dadaan pa kasi kami sa kaibigan niya para ibigay ung kailangan sa birthday party.

Tumambay kami sa Starbucks at nagdownload ng mga kanta. Then we went to the party para ibigay ung kailangan ng friend niya before going home for dinner.

Dinaanan namin ang Chooking nagmamatamis sa kanyang bahay para sabihan na siya na bumili ng rice kaso masama ang gising kaya sabi niya, "Gisingin niyo na lang ako kapag luto na dinner." at saka natulog.

Kaya umuwe na kami sa bahay para simulan na ang pagluluto (actually si M lang dahil wala akong alam pagdating sa kusina).

Adobo at Lumpiang Shanghai ang goal.

Tinulungan ko na lang gumawa ng shanghai si M dahil hanggang dun lang ang kaya ko. Maghiwalay ng wrapper at magrolyo ng may laman na.

Akala ko bumaba ang fog noon dahil habang nagluluto si M, buong bahay natakpan ng usok.

Amoy adobong usok.

Bukas agad kami ng pinto para lumabas ung usok. Wala ding silbi dahil buong bahay punum-puno ng usok. May utak yata ung usok dahil walang epekto ung pagbukas ng pinto.

The show must go on, ika nga kaya kahit amoy adobo na kaming pareho, tuloy pa din sa pagluluto. Hanggang sa malapit ng matapos.

Tinext ko na ang Chooki para magpabili ng kanin. Kaso nasa kung saang panaginip pa siya kaya ako na ang bumili at dinaanan ko na lang siya para papuntahin na sa bahay ni M.

"Infairness, masarap ang adobo mo kahit walang sarsa. Parang liempo." sabay tawa ni Chooki.

At walang halong biro, masarap nga. Napadami ako ng kain ng gabing yun. Buti na lang itim ang suot ko kaya hindi halata yung aftereffects ng dinner.

"Totoo ba ito? Kakain ako ng lutong bahay sa bahay mo? Antagal ko ng hindi nararanasan to ah?" biro ni Chooki kay M. Matagal na kasing hindi nagluluto si M.

After namin kumain, biglang sumakit ang tiyan ni Chooki kaya dali-daling umuwe.

(Totoo nga bang sumakit ang tiyan o ayaw lang maghugas ng pinagkainan? Haha)

Balak pa namin gumimik after kaya niremind kami ni Chooki na wag na matulog dahil baka Linggo na ang gising namin.

Nagpasalamat sa dinner at saka umalis (o tumakas?) ang Chooki.

Ang ending, ako ang naghugas ng ibang pinagkainan. Pagod na din ako kaya hindi ko natapos lahat at umidlip na lang sa tabi ni M.

Mas masaya pala ang Sabado ko. Akala ko duon na natapos ang kasiyahan, hindi pa pala...



Next post na ang Sunday at Monday.
Masyadong mahaba kapag tinuloy ko pa dito.
Pics will come soon. :)

Thanks, M.
I love you.

Wednesday, September 17, 2008 9 comments

Salamat sa'yo.

Kalalabas lang ng araw noon. Malamig na hangin at nakaupo kami sa may terrace ng bahay.

Nagkukwentuhan habang may tumutugtog sa kabilang kwarto.

Biglang niyang tinanong ang bagay na alam kong parating na pero hindi ko inaasahang ngayon na.

"Gusto mo ba tayo na?" nakangiti niyang pagtanong sa akin.

Bigla ata akong nahilo sa sinabi niya. Epekto ng puyat.

"Ha?" tanong ko uli.

Napangiti uli siya. Natawa siguro sa reaksyon ng mukha ko. "Gusto mo ba tayo na?"


oOo

A few hours earlier.

"Kmusta naman ikaw?" tanong ng kaibigan ko.

"Ayos naman. Alam mo naman ang lagay ko. hehe steady lang," sagot ko. "Natatakot pa din pero mas ok na ngayon."

"Well, it's a risk. Alam mo yan." sagot niya.

"Yeah, alam ko naman yun. Mahirap lang sigurong masaktan uli. Pero kung sakaling tanungin niya akong maging kami na, sa tingin ko papayag na rin ako."

"Yeah, ramdam ko din na papayag ka na din." sagot ng kaibigan ko. "Mahal mo na?" sabay ngiti niya.

Napangiti na lang din ako at naintindihan na ng kaibigan ko. Hindi na natuloy ang kwentuhan dahil dumating na siya.

oOo

Two days earlier.

"Ang gulo mo kausap. Minsan kinikilig ka, minsan bangag ka sa kakaworry." sabi ng bestfriend ko.

"Eh ganun tlga! Kasalanan ko ba un?" sabat ko.

"Oo, no. Kaya mo yan. It's a risk na kailangan mong i-take kung gusto mo talaga siya." sagot niya.

Idinaan ko na lang sa ngiti at naintindihan na niya ang gusto kong sabihin.

"I'm glad you get the point. Kaya mo yan." pangiti niyang sinabi sa akin.

oOo

"Gusto mo ba tayo na?"

"Sigurado ka ba na gusto mo na din?" sagot ko habang nararamdaman ang lamig ng hangin sa umaga.

"Oo naman. Pinag isipan ko na din kung may nararamdaman na ako sa'yo. At last week, naramdaman ko na yun at sinabi ko pa sa'yo, diba?" sagot niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako makatingin.

"Oo. Feeling ko kasi nag-eenjoy ka pa sa sitwasyon natin. Walang pressure, walang hassle." sagot ko.

"Gusto ko na. Ikaw ba?"

Gusto kong sabihing Oo, pero naunahan ako ng ngiti dahil sa saya ng naramamdaman ko ng oras na yun.

Naintindihan niya ang sagot ko at bigla niya akong niyakap.

"I love you."

"I love you, too."

September 14. Nagsimula uling ngumiti ang pagkakataon sa akin.

Salamat sa'yo.


Saturday, September 6, 2008 11 comments

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Katulad ng karamihan, nainlove din ako sa gaya niya: Mabait, maalalahanin, seryoso sa buhay at higit sa lahat, tanggap ako kung ano man ako.

Kaso, hindi katulad ng pagtingin ko sa kanya ang pagtingin niya sa akin.

"Uy, may bago akong nakilala. Ang cute! hehe.." banat niya sa akin isang araw.

"Talaga? (Sino nanaman kaya ito ngayon?) Saan mo nakilala?" pagtatanong ko. Ilang beses ko na ba yun narinig sa kanya, naisip ko.

"Pinakilala ng isang kaibigan ko. Mukhang may gusto din saken." sagot niya ng may halong kilig.

"Naks naman! Ayan, sana naman siya na talaga this time, diba?" nakangiti kong sinabi sa kanya. Ngiti na ilang beses ko ng ipinakita sa kanya. Ngiti na ilang beses ko na ding ikinamatay.

"Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala," bigla siyang ngumisi. "Oo ngayon, bukas hindi na. Or pwede din the day after. Para maiba naman hehe."

Yun na.

Ilang beses ko na din yang narinig sa kanya. Malakas na inaamin ang exploits pero sa dulo, kapag nagkakagusto na at biglang iniwan, iiyak na lang hanggang sa makalimot.

Kilala ko na din kasi siya. Limang taon na kaming magkakilala. Magkakuntsaba sa kalokohan. Kunwaring magkalaban sa mga gusto pero aminadong sumusuporta sa isa't isa at handang magbigay daan para sa ikaliligaya ng isa.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Naalala ko ang unang beses nakita ko kung gaano siya nasaktan.

"Umasa akong hindi niya ako lolokohin." tahimik niyang sinabi sakin.

Hindi man umiiyak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Hiniling ko din sa itaas na sana nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita siyang umiiyak.

Tama nga sila, mas masakit ang iyak na walang luha. Lalo pa't kaharap mo ang taong nagpapasaya sa'yo.

"Wala naman tayong magagawa kasi umaasa tayong seryoso ang mga katulad niya. Hindi natin alam hanggang sa umabot tayo sa ganito." sagot ko na lang habang hawak ang kamay niya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Buwan ang itinatagal bago siya maging ayos uli.

Ilan uli ang dadaan sa buhay niya, at mauuwe sa iyakan.

Naging manhid na din siguro ako dahil natutunan ko ng gawing bato ang puso ko habang nagkukuwento siya ng bago sa buhay niya. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kayang gawing bato ang puso ko tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

"Eh kung kayo na lang kaya? Haha" pabiro ng isa naming kaibigan.

"Timang! Kami? haha impossible yan!" bigla niya isasagot.

Dinaan ko na lang sa ngiti ang sakit. Bakit kasi ikaw pa? naisip ko ng napatingin sa kanya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko ginustong malaman mula sa kanya.

"Bespren! Iblanko mo na ang Dec. 7 sa kalendaryo mo! Ikakasal na ang bespren mo! hehe" masaya niyang bati saken sa telepono.

Kaya pala medyo tumahimik na din siya nitong mga huling buwan. Nakahanap na ng katapat.

At katulad ng nakasanayan, ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

***

Ngayon, habang inaayos ko ang gamit ko papunta ng simbahan, naalala ko ang lahat ng pinagdaanan natin.

Yung ngiti mo kapag kinikilig ka. Yung pagsasalita mo habang tulog ka. Yung mga nakaaway natin sa tindahan dahil chinismis na buntis ka at imbes na itanggi mo, sinabi mo pang 8 months ka kahit na flat na flat ang tiyan mo.

Napapangiti na lang ako. Masakit pero masaya dahil alam kong masaya ka na at mapapaligaya ka niya.

Naalala ko yung araw na tinulak mo ako sa crush ko kahit na mukhang tuhod lang siya dahil sinabi ko lang na crush ko siya para matigil ka ng kakakulit sakin kung sino yung gusto ko.

Naalala ko yung gabi na may report ako at nagcrash yung computer ko. Kinulit pa nating mag-extend until 3am ung bantay ng computer shop para lang matapos yung report. Tapos absent pala yung boss ko kinabukasan.

Napapangiti na lang talaga ako.

Ang lapit-lapit mo na sa akin nun, pero milya ang layo ko sa'yo.

I'm happy for you, bespren! Sobra, dahil alam ko ang pinagdaanan mo.

This time, ngiti na talaga ang isasalubong ko sa'yo pagnagkita tayo mamaya.

Ngiti dahil sa wakas alam kong masaya ka na at magiging masaya pa ... kasama niya.
Friday, September 5, 2008 3 comments

Thank God I have hair

Me and my friends have always wondered how would I look like I if shaved off all my hair.


Hmm.. not really visually appealing, no?


- thanks to Matt for the image. :)
Tuesday, September 2, 2008 8 comments

I Want One: Swarovski in my eyes





Out of 4074 entries in 92 countries, this entry won second place in the 'Crystal Vision' Competition co-organized by DesignBoom and Swarovski.

The designer, Anthony Mallier, from India literally took the theme into a reality when he designed this magnificent piece.

'Sparkle' contact lenses, called by Mallier, are fused with tiny Swarovski crystals around the edges of the lenses.


Hmm.. Can I have one for my teeth, too? :)

- source: click here
Monday, September 1, 2008 6 comments

Chicane for me!

After my 1st time in Ministry of Sound last June,


and the unforgettable GODSKITCHEN last 08.08.08,

I now look forward to attending the much anticipated Chicane this month!


See you guys there! :)


Wednesday, August 27, 2008 4 comments

Just a thought


"Bakit ang love walang ipinapangakong expiration date,
pero alam mong may katapusan?"


Tuesday, August 26, 2008 8 comments

Lagot ka saken kapag nagkita tayo.

"Pwedeng humingi ng favor? Small lang naman." sabi ni eM.

Bigla akong kinabahan. Ano kaya? Nasa office ako at nagsisimula pa lang magwork.

"Anu un?" sagot ko.

"Kasi ung kapatid ko nandyan sa building nyo. Gusto kang makausap kasi interested sa services ng company nio. Naalala mo naman hitsura niya sa pic dba?"

HANUDAW?!

Lalo akong kinabahan. Kakasimula pa lang namin lumabas labas tapos makikilala ko na kapatid niya agad.

"Alam na ba niya?" tanong ko.

"Oo. Tsaka ni Mama." sagot niya.

Biglang natunaw ung paa ko.

"Sige na. Kasi may party daw sila. Eh gusto nila ung ginagawa ng company nio." pamimilit niya.

"Ha? (insert unrecognizable sounds of panic)... Kasi hindi ko pa din alam pasikut-sikot sa mga ganito kapag ganyan. Kasama ko usually boss ko kapag lumalabas. (at kung anu ano pang mga dahilan)"

"Sige na. Nasabi ko na kasi na kikitain mo na siya. Don't worry, mabait naman un." pamimilit pa.

May konting pagkainis na ako dahil hindi ko gusto ang ganung setup.

Tama bang mang-ambush?

*sigh*

"Fine. Baba na ako. Lagot ka saken kapag nagkita tayo." pinahalata ko talaga ang pagkainis ko.

"Salamat! Sandali lang naman. 15 minutes lang tlga." sagot niya.

Nagjacket ako at dumirecho na pababa ng office para pumunta ng food court ng building namin.

Lagot talaga saken un kapag nakita ko, naisip ko. Hindi mawala sa isip ko na baka siya lang un at gusto niya lang ako sorpresahin.

Kaso, bigla siyang nagtext nung nasa ground floor na ako..

"Am home na. Gudlak sa inyo ah? 15minutes lng un. Andun lang daw siya sa may dunkin donut." text niya.

Yun na. Kapatid niya nga ang kikitain ko.

*sighs*

Humanda talaga un kapag nagkita kami.

Pagdating ko ng food court, hinanap ko agad ang familiar face na nakita ko lang sa pictures.

Wala.

Inikot ko na ang buong area, wala tlga.

"Wala. San na?" txt ko kay eM.

"Dun na lang kayo magkita sa binibilhan mo ng breakfast dati." sagot niya.

Pagkarating ko dun, naghanap ako agad ng upuan at naghintay sa bisita ko.

Ilang minuto pa, nakita ko ang mukhang kasama ko lang kahapon at ng buong weekend.

Si eM.

Nakangisi at nagmamadaling pumunta kung nasaan ako.

May halong inis at pagtataka ako nung nakita ko siya.
(sabayan mo pa ng konting kilig dahil galing pa siya ng work sa QC at hindi pa natutulog)

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Namiss kita eh." sabay abot niya ng brownies saken (salamat sa Starbucks). "Parang hindi lang tayo magkasama kahapon diba? hehe" ngisi niya.

(insert kulitan at bolahan moments)

Hanggang sa nagpaalam na siya dahil kailangan niya pang magpahinga dahil may pasok pa siya maya-maya.

"U just made my day..."

Pagdating ko ng office, napansin nalang ng officemates ko na nakangiti ako.

At hanggang ngayon, naalala ko pa din ung nangyari kanina habang inuubos ko ang bigay niyang brownies.

Thanks, eM. :)
Wednesday, August 20, 2008 6 comments

Naaalala mo pa ba yung first time mo?

Naalala mo pa ba yung first time mo?

Yung saya ng unang pakiramdam at sakit ng pagpapaalam?

Yung panghihinayang sa nakalipas na hinayaan na lang?

Yung walang hanggang pagbali-baligtad ng iisip mo sa "Ano kaya ang nangyari kung..."?

Yung sakit ng pagsisisi ng bawat naging desisyon mo?

Oo, naaalala ko pa yung first time ko.

Naaalala ko yung takot ko na gawin lahat, ang tuwa ng makita ko ang ngiti at ang lungkot ng makita ko ang luha.

Masaya na nakakapanghinayang; masaya dahil nasimulan pero nakapanghihinayang dahil natapos.

Ilang araw ang ibinuhos para sa iisang araw, ilang oras ang pinaghandaan para sa iisang segundo.

Pinagsisihan mo ba ang desisyong ginusto mong mangyari ngunit natatakot gawin o pinasasalamatan ang hindi panghihinayang dahil ginawa mo ang ikinatakot mo kahit na lungkot ang kapalit?
2 comments

I Want One: Adidas Fieldwork Bag

I wanted to make another portion in my sidebars, unfortunately, my blogger knowledge is limited to posting and moving things around the template. So instead, I'll do it the old-fashioned way: Posting it as a blog.

I was browsing through sites when I landed on one where one of my favorite brands was featured. (Click here for the article)


I'd love to get my hands on one o' them Adidas Fieldwork Bags. The one I'm using now needs to take a rest from carrying all my garbage.

"Most of their pieces don't even reach the official website, so it's hard to find a bag like this," says Jason Dike, Brandish.com
Monday, August 18, 2008 8 comments

wall-e loves eva


I just saw Wall-e and was so impressed that a simple robot could give so much life without using any words other than 'Eve' (his leading robot-lady).

This movie is a masterpiece and it proves that action really speaks louder than words. It provides us with so much but delivers it in a simple way.

A sweet and simple lovestory about a robot named Wall-e (Waste Allocation Load Lifter -- Earth Class), left alone in Earth to work and surprisingly develops a personality, living with a cockroach in a place where he keeps his treasures (Zippos, Rubbik's Cube, nuts and bolts, etc.) and to protect themselves from dust storms. The first 30 minutes are just music and actions. No words are spoken and yet we understand how lonely Wall-e feels and how much he wants to hold another being's hands as what he sees in the "Hello, Dolly!' video.



When a research probe named Eve (Extra-terrestrial Vegetation Evaluator) lands into Earth to look for signs of life, she meets Wall-e and wins his heart. They communicate in beeps and chirps which everyone can almost translate into words. The movie delivers without insulting viewer's intelligence. The middle part of the movie is the most memorable in the film as it shows how Wall-e develops a deeper connection with Eve without using any words.


"This segment, a kind of song without words, is a world-creating work of pure imagination that has been thought out to the nth degree." Kenneth Turan, Times Movie Critic on Wall-e

Second half of the film revolves around the overweight humans in space headed by a captain who is eager to get back home after hundreds of years living in Axiom, the spaceship. When Eve is taken back to Axiom to deliver a proof that life is again possible in Earth, Wall-e tries everything to save Eve even if it costs him his life (so to speak).



Watch this film. You'll never see an animated movie as good as this. It made me want to find the one who'll truly want to hold my hand.
Friday, August 8, 2008 9 comments

Upong piso

"Manong, para ho." 'Di ko na matandaan kung ilang beses ko ng sinabi yan mula nung natuto akong mamasahe mag-isa noong Grade 4.

Ilang jeep na din ang nasakyan ko; Iba't -ibang ruta, iba't ibang destinasyon. Minsan kung anu pa ang maganda sa paningin, un pa ang bulok sa serbisyo.

Natuto na akong magtiis sa sikip at sa init. Natuto din akong maging magpakumbaba at mapansin ang mundong nakapaligid sa akin.

May ilang masungit na tsuper na pinagbibintangan kang hindi pa nagbabayad. Meron namang makulit na pati tahi ng kurtina nila naikukwento sa'yo. Kung anong trabaho ng panganay at ano ang pangalan ng asawa ng bunso, hindi nakakaligtas.

May mareklamo na kahit kulay ng stoplight ay gustong palitan. Bawat salita may karugtong na mura. Lahat sinisisi sa gobyerno. May mga tahimik na akala mong multo ang nasa likod ng manibela.

Nasanay na din ako sa mga tsuper na hindi marunong magsukli. Sampung milyong beses mong isisigaw na wala pang sukli pero sadyang nabingi na ang tsuper sa ingay ng Maynila at pati kunsensiya niya ay kinain na din ng panahon.

May mga suswertehin naman ako at may ibang sobra ng piso ang sukli.

Napagdaanan ko na din ang pumuputok sa pasahero. 'Upong piso' na 1/16 lang ng katawan ko ang nakasayad sa upuan.

May pasaherong nakakatuwang tingnan. Meron namang nakakainis katabi. Yung mga tulog na bumabagsak ang ulo sa balikat mo (na minsan ko ng itinaas ng biglaan ang balikat ko para mauntog siya at magising na masakit ang ulo at leeg).

Sa dami, hindi ko na din mabilang ang mga naranasan ko sa jeep. Pero kakaiba ngayon. Walang pasahero. Walang ingay ngunit pansin ang gulo sa labas. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Bahala na. Siguro sinadyang ganito para hindi ang destinasyon ang pagtuunan ko ng pansin kundi ang paglalakbay papunta doon.
Wednesday, August 6, 2008 5 comments

Dog Style

Dahil hindi ako nakapagreak sa unang tag ni Mel, babawi ako ngayon. Ayoko maging celibate ng 50 years. (Naniwala tlga? hehe)

Instructions:
What you are supposed to do.
And please don't spoil the fun.


In short, 'wag kang nega! hihi

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list. Don't forget to change my answers to the questions with that of your own.

(A) Four places I go to over and over:
office, mall, club g, and bahay ng barkada

(B) Four people who email me regularly:
kerwin, ai, mits and job

(C) Four of my favourite places to eat:
jollibee, yellow cab, pizza hut and spag house

(D) Four places you'd rather be:
Australia, HK, Baguio and Bora

(E) Four people I think will respond:
Dabo, Kerwin, Makmak, Billy (pressure to sayo! para magupdate ka ng blog! haha)

(F) Four tv shows I could watch over and over again:
Will&Grace, FRIENDS, CSI: Las Vegas, Criminal Minds

That's all.

Sa mga na-tag ko, please don't break the chain at baka maging celibate kayo for the next 50 years. (sabi ni Mel)
Thursday, July 31, 2008 5 comments

Libre kasi!


Dahil may naforward na email na may free tea sa Coffee Bean & Tea Leaf, siyempre, magpapahuli ba kami?

(July 31 na kasi ang last day.)

"Kaya yan!" sagot namin nung papunta kami ng CBTL Convergys habang umuulan at nagdecide na wag ng bumalik ng office para magdala ng payong.

Un ang akala namin...

Pagdating ng CBTL, dinaig ang premier ng Enteng Kabisote sa haba ng pila! Buti na lang may silong para hindi kami mabasa sa labas ng coffee shop habang naghihintay makapasok at kunin ang libreng tea.



Akala ko isa lang ang choice na tea, un pala, you can choose from their list of available teas. I had the Tropical Passion. Siyempre tunog fruit-ish ung akin (para may dahilan ako uminom plus my diet factor involved).



May pagkatagal ang paghihintay ng order dahil sa haba ng pila so nakapagkwentuhan at nakapagpicture-an pa kami while waiting.



Paglabas ng coffee shop, andun na ang simula ng problema.

Sa lakas ng ulan, napilitan kaming magpatila sa isang shed sa tapat ng CocoLife Building tabi lang halos ng Standard Chartered Bldg.

"Anu pa bang gagawin natin dito kundi magpicture-an?" sagot ng officemate ko habang binabasa kami ng ulan.



Buti na lang, nacontact namin ang officemate namin para magdala ng payong (after 1hour of waiting sa shed) para makabalik ng office.


Note to self: Next time, hindi dahil libre, sugod na agad.
Tuesday, July 29, 2008 6 comments

Pinoy Gossip Girl XOXO

I arrived in the office in a very good mood until I opened my Multiply account and saw more than 5 posts regarding this.

PINOY GOSSIP GIRL a.k.a. Chismosang Babae?!

ABS-CBN will air the pinoy version of Gossip Girl soon. FINAL CAST:

Serena van der Woodsen: KC Concepcion
Dan Humphry: John Loyd Cruz
Blair Waldorf: Anne Curtis
Nate Archibald: Sam Milby
Chuck Bass: Luis Manzano
Jenny Humphry: Angelica Panganiban



What the heck is this? Haven't they got it already?

*sighs*

Lahat na lang ba magkakaroon ng Pinoy Version?

Saturday, July 26, 2008 8 comments

"Eh panu kung matangkad pero hindi gwapo?"

I have always been amused at how people set high standards when it comes to finding The One, as some call it.

Just yesterday, I was coming back from lunch when 2 women and a guy went in with me in the elevator.

"Sana naman gwapo yan." said one girl with a hint of irritation.

They were setting her up with a guy again, I think. And from the tone of the woman's voice, I'm guessing the first one didn't end up well.

The guy, not knowing how to respond just said, "siguro naman" while I just rolled my eyes.

"Tsaka sana matangkad. Kasi kung may parties, ang chaka naman kung hindi ako nakaheels dba?" she said to the two, smiling as if seeing herself in a large crowd wearing a gown and in 5-inch heels. "Ok lang kahit hindi masyado basta pwede pa din ako magheels, ok na siya."

Goodlooking was not enough for her, she wanted the guy to be tall too?

'Goodluck finding that in your condition,' I thought. I ain't no beauty expert but the girl needs a major overhaul. 5 years in the gym (5x a day at that) and some plastic surgery could do the trick.

"Eh panu kung matangkad pero hindi gwapo?" asked the other girl.

"Ah ok lang un. Basta malinis tingnan. Maputi or tisoy. Nice teeth. Maganda manamit. uhmm.. ganun. Alam mo un, maihaharap ko sa friends ko, sa family." little miss piggy replied.

Huh?!

After a few floors and a few more demands from the girl, they eventually got off and left me contemplating on what had just happened.

I may have my own preferences when I'm looking for The One, but as far as I'm concerned none of those, based from my past relationships, were found on one particular person. And I'm pretty much fine with it because at the end of the day, I smile at the thought of content and satisfaction just being with that person.

Tsk. I'm getting old. I don't look for a car or a personal Santa anymore. Just that smile that keeps you wanting more; the pain of waiting so that you'd be together again. (Now this is downright cheesy! Ack! I just finished Twilight and you have got to read it!)

Who would you rather have, a visually-stimulating person or a mentally (and emotionally)-stimulating person?

2 out of 3 is fine by me.

If that girl finds an instant connection with her next date, even if it was the most uninteresting person she could imagine, I doubt she'd ever let go of him.

I'd surely want to see that happen. :)
Thursday, July 24, 2008 9 comments

Kama Sutra for the IT People

Thought it was funny and wanted to share them to you. Now you know how to make love to a PC. :)


*Found this image through Digg.com
Click on the image for a larger size.
Wednesday, July 23, 2008 3 comments

not the dark knight


Tsk. This sonova***** left his 2 year old son in a movie theater parking lot just so he can watch Dark Knight alone.

Moviegoers outside heard the child crying and called for help.

The baby was dehydrated and scared when he was taken out of the car (buti na lang ok ung condition ng bata).

"It was about 87 degrees. We had our fire department use and infrared thermometer and determined that the temperature at 2:00 in the morning was actually 87 degrees inside the car, and the windows were rolled up," said police spokesman.

Tsk Tsk. Buti na lang talaga hindi suffocate ung bata sa loob.

-news source - PerezHilton.com
Related Posts with Thumbnails
 
;