Wednesday, April 9, 2008

I'm Sorry

(Bear with me, guys. I just need to let this out.)

Akala ko hindi ako aabot sa ganito.
Akala ko, makakaya ko once na nalaman ko.
Salamat dahil sa huling pagkakataon, narealize kong, hindi ka pala dapat na inaalala pa.
Galit ako ngayon, pero pagkatapos nito, tanggap ko na.
Sobra sobra.
Hayaan mo na lang akong humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali ko.

I'm sorry dahil naniwala ako sa'yo.. kahit noong una pa.

I'm sorry dahil pumayag akong gaguhin mo.

I'm sorry dahil akala ko sineryoso mo ako.

I'm sorry dahil iniyakan kita.

I'm sorry dahil pumayag akong magpakontrol sa'yo.

I'm sorry dahil pinalampas ko ang lahat na dapat itinuon ko na lang sa iba.

I'm sorry dahil ikaw ang pinili ko noon.

I'm sorry dahil akala ko naiisip mo din ako.

I'm sorry dahil hanggang ngayon umiiyak ako dahil sa'yo.

I'm sorry dahil ako na lang pala ang umiiyak.

I'm sorry dahil sa blog na 'to pero hindi ko na talaga kinaya.

I'm sorry dahil pagkatapos nito, tapos na din ako sa'yo.

2 comments:

Anonymous said...

sobrang dami ng sorry...kaloka..nweiz... nice reading such intense emotion...

dapat after nito me thank you din... thanks for bearing with you...

Just kidding.....

hope you're feeling better after letting all of these out...

mots said...

awww. pero tama, dapat mo lang ilabas yan

Related Posts with Thumbnails
 
;