Tuesday, May 20, 2008

Mundo ni Mario

(Play music) *hindi ako masyadong mahilig mag embed ng music lately*
I was on the MRT last night when I saw this kid playing Mario Bros. with his gameboy.
Looking at him, I saw myself when I was his age, playing like no one was around. Enjoying all the simple things life offered.

I remember playing this classic game (from Family computer to NES!) when I was his age, arguing with my brother on who gets to play first and who has the best collection of items. Lageng siya ang nananalo kasi madami siyang reserve na leaf at flowers, not to mention the freakin' whistle na sa isang world ko lang nakikita na dalawa pala talaga!

My favorite world was the third. Water land. Kasi nakakatuwa na kaya niyang magblast ng fireballs underwater. Or pwede kang magtransform into a frog, kaso mahirap kapag nasa land ka na ulit.

Tapos gusto ko din ung Tanooki Suit that gives Mario the power to transform into a statue para maignore siya ng koopas. Tsaka ung P-Wing na favorite item ko dahil lilipad na lang ako until I reach the end of the stage, B lang ang pinipindot ko lage.

Naisip ko, sana ganito din minsan ang buhay. Simple, walang komplikasyon.

Kapag may kaaway, kumain ka ng flower tapos batuhin mo sila ng fireballs, may kasamang change costume pa.

Kapag gusto mong tumakas sa kalaban, tumalon ka lang ng mataas, hindi ka na nila mapapansin. Or apakan mo lang sila, ligtas na.

May flag na signal na tapos na ang stage. Pero, kung nagustuhan mo ang adventure, pwede mong ulitin kung may warp ka, or pumasok ka sa pipes at babalik ka sa kabilang world. Kapag namatay ka, pwede kang bumalik sa stage na yun dahil madami ka pang lives (courtesy of the turtle in the end of stage 3).

May save button, para kapag nagkaproblema, hindi mo na siya maeexperience ulit.

May leaf kung gusto mong tumakas sa lahat ng problema mo sa buhay.

May powerups everywhere... iuntog mo lang ang ulo mo sa bawat bloke (pero hindi sana masakit after).

May mushroom para kung may bully, isang kain lang, doble na ang laki mo. (Liliit ka nga lang uli kapag tinamaan ka. Dapat may reserve na mushroom, or flower na lang para bagsak agad ang kalaban)

May mga bonus round everytime you finish a stage. Lalo na ung cards na ipe-pair mo lang, may instant free items ka na. Or ung matching stage na parang ad ng Ugly Betty na ihihilera mo ang pictures para maging figures ng mushroom, star or fire. May free lives pa kapag tama ka. Kaso laging mushroom ung akin na may koronang star. Ok lang, atleast may one life ako.

Simple ang buhay nina Mario at Luigi. Nagugulo lang kasi si Princess Toadstool laging pa-bida at nagpapahuli kay Bowser na paa lang ang gumagalaw lagi). May nalalaman pa siyang mga sulat sa dulo ng world. (Buti na lang bumabawi siya sa free items.)

Sana ganun din kasimple ang buhay ko minsan.
Kapag malungkot, restart lang at babalik ako sa simula para ayusin ulit.

5 comments:

MakMak said...

Funny but I was actually thinking of a similar entry.

The first FamCom game that I had was Mario 3. Sobrang fave ko yun. Especially the Tanooki Suit ba un (na ngayon ko lang nalaman ang pangalan).

And since OC ako, kapag me nde ako nagawang tama, ire-reset ko lang ung game to start all over.

Ganun palang akong kabata (naks) naisip ko na bakit ang buhay nde tulad ng laro sa FamCom na pwedeng i-reset kapag nagkamali. At kahit ilang beses pang ulit-ulitin ay pwede.

Wala lang.

Very nice point you made JM.

Princhecha Fiona said...

Good job on this post! :) I can totally relate...

Love ko din mario bros nung nene pa ko... hahaha pero di naman ako masyadong magaling sa mga computer games eh...

(shucks, pareho kmi ni Makmak na pag may maling nagawa magrereset... hahaha kala ko ako lang may gawa nun. hahahahaha)

wanderingcommuter said...

reading your post made me sad. aside from the fact, it was nostalgic playing mario bros. naisip ko ang tanda ko na... ang mario kasi na nilalaro ko, family computer pa eh

mel beckham said...

I cannot relate kasi Dota na ang naabutan ko. Chos! =p pero kung lahat tayo may ganoong powers gaya sa mundo ni mario, don't u think lalong gugulo? Hihi

dabo said...

never akong (literally) nakahawak pa ng family computer and that extend to psp, xbox etc.. maybe there is something wrong with my childhood..wahhhh!

--- --

you're writing style is so simple.. no waonder naging nostagic si wanderer.. it pass straight to the heart

Related Posts with Thumbnails
 
;