Tuesday, May 13, 2008

eksena daw

"Masyadong eksena" sagot ko.

"Eh ganun naman ako dba? Bagay lang sa personality ko. Eksenadora din." sagot ng kalbong Ryan.

Pag uusap namin ni Ryan habang namimili kami ng damit nia para sa bday party ng ex ko (friends kasi sila, courtesy of moi). Brusko pink daw kasi ang theme.

"Ayan, kaya walang umeeksena sa lovelife mo kasi masyado ka daw eksenadora. Eh gusto nila ung low profile lang." sagot ko.

"Ha?"

Pati utak niya nawala nung nagpakalbo siya.

"Wala. Maghanap na lang tayo." sabi ko.

Nasa Gateway kami kagabi at naikot na namin buong mall kakahanap sa pink na damit na isusuot niya. May pagkacolor blind siya kagabi kasi lahat ng maganda, kahit hindi orange, hinahablot niya sa rack.

"Eto, pink ba 'to?" tanong niya.

"Hala. Tingnan mo ung nasa tag," sabay hagilap sa tag ng shirt na nakita niya. "Beige." sabi ko.

"Uhm.. Beige Pink?" pamimilit niya.

"Uhmm.. corny?" sagot ko.

At halos gabihin na kami sa paghahagilap ng pink niya na damit. Hanggang sa dumating kami sa Celio sa ground floor.

"Eto, ganda ng statement. " sagot niya nung makita niya ung pink na shirt. Sinukat at mejo malaki ang size. Wala ng small.

(Sayang, hindi ko nakuhanan para makita nio din.)

Wala na siyang choice kundi bilhin dahil baka mawala pa un. Last stock na DAW. At sa pag aakalang may pera na siyang dala, pinaikot ikot niya uli ako sa mall makahanap lang sa ATM machine.

Pagbalik namin sa Celio, may gusto pa siyang ihirit.

"May ibang stock pa kaya sila sa ibang branch nila? Tanong ko kaya?" hirit niya sa akin.

"Anu ba? Magsasabi ba sila sa'yo na meron, eh di nawalan sila ng benta." sagot ko.

"Hindi naman siguro sila ganon."

Nagpumilit pa siya. Ayaw patalo hanggang sa tinanong nga ang crew sa may cashier.

"Sir, wala na po kahit sa ibang branch eh." sagot nung crew.

Napangiti ako.

Dahil mura ung damit, natuwa siya. Ang problema, gagastusin niya ung extra budget niya para ipa-alter ung damit niya.

Napamura siya dahil akala niya napamura na siya.

Umuwe na ako pagkatapos nun dahil kailangan ko pang bumili ng regalo kay Mama. Late Mother's day gift.

Since nagrequest ang kapatid ko na cake na lang daw, un na lang binili ko.

Pagdating sa bahay, nagulat pa sila dahil may dala ako. (Bihira kasi ako mag-uwe ng pasalubong.)

Sakto dahil dinner time. After a few hours (parang nagbihis nga lang ako), nagulat ako dahil 1/4 na lang ang natira sa cake.

Hindi pa ako nakakakain. Hiniwalayan pala ako ng part ni Mama.

Sweet and thoughtful. Mana sa'kin si Mama. :)

2 comments:

lazy john said...

hmmm si tita oo sweet and thoughtful... ikaw???? hmmm next question please... hahaha malimali na naman pagdedepik mo sakin in favor na naman sa io...

JM said...

hahah as if naman tama ang pagkakadepict mo sakin sa blog mo? haha

at im sorry. pero tama ang mga nakalagay sa entry ko. haha ayaw mo lang aminin.

Related Posts with Thumbnails
 
;