Friday, May 9, 2008

Happy Mother's Day, Ma :)


"Gising na."

Ang unang mga salitang naririnig ko halos araw-araw noong nag-aaral pa ako. Lalo na dahil sa probinsya ako nakatira, ilang oras ang nauubos ko makapasok lang sa school ng sakto sa oras. Pero iba ngayon.

"Ok." sagot ko.

Pero hindi natatapos dun ang trabaho niya. Dahil pagkagising ko, habang naliligo, naghahanda na siya ng pagkain para sa agahan.

Pati ang baon namin sa school, hinahanda na niya.

"Tapos nko maligo." sasabihin ko sa kanya.

Mag iinit ng tubig para sa 2 ko pang kapatid dahil yelo sa init ang tubig sa umaga sa amin.

Magbibihis ako at pipilitin niyang gisingin ang bunso namin na mas adik pa sa akin matulog. Challenge ang gisingin ang batang un.

Habang kumakain ako at habang naliligo ung pangalawa at ginigising niya ung bunso. Dumating para kamustahin ako.

"Nakain mo ba ung pagkain kagabi?" tanong niya sa akin.

"Oo. Nakain mo pa ba ung half mo?" tanong ko.

"Hindi na. Hiningi ni Mark eh."

So hindi nanaman siya kumain ng pasalubong ko dahil sa kapatid ko.

Pagkatapos maligo ng kapatid ko, aasikasuhin niya naman ang bunso at ganoon ang eksena hanggang sa kakain na si Sandy.

"Hatid ko muna mga kuya sa sakayan. Kain ka lang jan ah?" sasabihin niya sa bunso namin.

Tahimik lang sa byahe. Halatang inaantok dahil late na siya natulog.

Magkukwentuhan saglit at babalik sa bahay para bihisan ang bunso hanggang sa dumating ang maghahatid sa school sa kanya.

Araw-araw ganito ang eksena sa amin. Wala siyang reklamo. Walang pagtanggi sa trabahong tinanggap niya noon pa.

Pero sa araw na iyon, may isang pagbabago.

Nagkatampuhan kami ni Mama nung isang gabi. Tampuhan na umabot sa sigawan.

Pero kinabukasan, parang walang nangyari.

Hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Isa sa mga araw na naramdaman ko ang pagmamahal niya ng tuluyan.

Ganyan magmahal ang nanay ko. Simple pero hahanap-hanapin mo ang pag-aasikaso niya. Walang hinihinging kapalit. Walang hinihinging kahit konti basta para sa amin.


Kahapon umuwe sila ng gabi nila Papa.

"San kayo galing?" tanong ko kay Sandy (bunso namin).

"Inawardan si Mama. Excellent." sabi niya.

"Anung excellent?" tanong ko.

"Bsta excellent. hehe" sagot niya tapos pinakita niya ung medal na nakuha ni Mama sa simbahan.

"Ahh excellence!" sabi ko nung mabasa ko ung nakaengrave sa medal.

Excellence for Community Service.

Si Mama kasi ang naghahandle ng church activities sa amin.

Napangiti ako.

Yan ang nanay ko. Bida na sa bahay. Bida pa sa buong subdivision. :)


To the most important woman in my life, Happy Mother's Day, Ma!
I couldn't ask for a better mom than you.

1 comments:

khaye said...

happy mother's day to your mom!

Related Posts with Thumbnails
 
;