Saturday, May 10, 2008

Last lunch

Dahil sa Friday at wala naman masyadong projects required to complete for the day, sumama na lang ako maglunch out kasama ang friends kong sina Billy at Janpol.

At para maiba naman daw, sa building naman daw ni Janpol dahil madalas, sa garden (building) ni Billy kami lage. Kasi naman, marathon ang layo ng building ni Janpol kaya hindi namin naiiisipang dun tumambay ng lunch.

Pero since mukhang ok naman ang araw, pumayag kami. (Na pinagsisisihan namin ni Billy dahil bumalik kami ng office na parang wala ng kinain sa haba ng nilakad, not to mention the sun na masyadong maligalig at todo mudmod ng sinag!)

Pagdating namin ng building, ang Janpol ay missing in action. Pagdating niya, biglang nagyaya na sa Glorietta daw kami kumain. (May totoong dahilan kung bakit dun.)

Walkathon uli. Sumosobra na ang vitamins na nakukuha ko from the sun. At naipawis ko na din ang tubig sa katawan ko since last year dahil sa init. Isama mo pa na may sinusundan kami na type ni Janpol kaya kung san daw sila kakain, dun din kami.

"Gusto ko magtimezone." sabi ni Janpol. Ang tunay na dahilan kung bakit kami nasa Glorietta.

Todo sunod kami sa cutie hanggang sa naggive up kami dahil puro lakad ang ginawa ng cutie. We ended up at Wendy's G4. Surprisingly, dun din pala ang kain ng cute. Kaso takeout sila dahil they're going to watch a movie pala.

"Treat ko kayo dahil hindi ko kayo mapapapunta dito kung hindi. Lalo na si Billy." sabi ni Janpol

Music to my ears!

Bihira pa man din manlibre ang JP.

After eating, lumabas kami to smoke (sila lang) at dahil may dala akong digicam, picture muna.

Then straight to Timezone na. Basketball tapos there's this game sa may entrance. Malaking monkey tapos you have to hold the bar beside its hands tapos see kung makakaya mo ung intensity ng vibrations.

I had to release after a few minutes dahil sobrang masakit na sa kamay. Parang kinukuryente na ung dating. At ang mga kasama ko, todo picture lang.

Sweet friends, no?

Tapos may nakita kaming dalawang batang in full blast na kinakarir ang Dance Mania. Kaya ang Janpol, gusto ata matuto ng moves sa kanila, kinuhanan ng video!




Sa mga magulang ng mga batang ito, what happened? hehe

At dahil lunch time lang un, we had to get back to the office na kinakatakutan namin ni BIlly dahil napakalayo ng buildings namin.

Next time, no more lunch out in Glorietta. Nawala din ang kinain ko sa kalalakad. haha

1 comments:

Anonymous said...

malandi k tlga mike..hehe, at npakasama nyo pti mga wlang kmalay -malay na kbataan pinag33pan nyo...infairness mukha tlga clang tanga!!hehe..

Related Posts with Thumbnails
 
;