Saturday, June 7, 2008

Friday Lunchout sa GB


Dahil sa Friday nanaman kahapon, naglunch out uli kami nina JP at Billy. This time, they felt na masyado na kaming mayaman at nagdecide silang sa Krocodile Grille kami kumain sa GB.

Mejo matagal dumating ang order kaya nagpicture na lang muna habang pinagdidiskitahan namin ung free unlimited (DAW) na chips nila. Wala naman mciadong tao sa Grille kaso pinuyat ata ung mga cook nila kagabi dahil after 30mins, wala pa din ung food namin.


Magrereklamo na sana kami sa tagal nung nagsimula ng dumating ang mga pagkain. Seafoods Soup, Crispy Fried Chicken at KareKare. Isama pa ang bottomless iced tea na 56years bago nila irefill dahil ung mga waiters eh laging MIA.



(masyado na kaming gutom para kuhanan pa ung karekare)

As usual, puro kulitan habang namumuna ng mga tao sa labas ng resto.


(magpicture daw kami habang pinipicture-an ang isa't isa.)

Pati ang live crocodiles (na akala ko mga plastic lang) eh gustong pagdikistahan ni JP. Nagjejerjer daw kasi ung 2 reptiles.

Gusto daw niya hawakan kaso nakacover ng glass.

"Try kaya nating basagin ung glass?" sabi ni JP.

Sana sineryoso na lang niya para naman may mas magandang nangyari sa resto nila. Puro kasi (take note) halakhak, hindi tawa, halakhak talaga ang mga maririnig. Parang kulang pa ang oxygen na hinihigop nila kaya todo nganga ang mga tao. Muntik ko na nga makita yung internal organs ng isa.

At dahil lunchout ito, at sina Billy at JP ang kasama ko, 2 hours nanaman ang lunch! Sa dami ng work ko, kinaya ko pang magpaabot ng 2hours tapos sa GB pa! Next time, libre talaga dapat to ni JP.

After namin kumain (at tumambay saglit habang nagyoyosi sila), bumalik na kami sa mga offices namin. Mejo pinagsisisihan pa namin ni Billy dahil ang araw eh sinakto talagang sumikat ng matindi nung kami na ung naglalakad sa open space ng Ayala!

"Wag muna tayong magsalita. Mind over matter!" sabi ni Billy para daw hindi namin masyadong maramdaman ung init.

"Buti na lang hindi ka nakalong sleeves ngayon katulad ng dati! haha jabar ka nun!" sabi ko.

8 comments:

mel beckham said...

may grilled crocodile din ba sa menu? chos!

cedeux said...

sarap nung hipon=]

wanderingcommuter said...

hahaha... alam mo bang ang jabar ang kauna-unahang lingo na nalaman ko. hahahaha!!!

mukha naman kayong masaya kaya okay lang. at lalong nagpamukhang mayaman sa inyo yung camera niyo...hahahaha!!

JM said...

mel: wala eh. sayang nga, gusto ko sana tikman. pero may steamed frog daw. u want?

ced: sinabi mo pa! :)

wanderingcommunter: hahaha kunwari mayayaman kami. kung pwede lang sanang mayaman na lang kaming lahat. hehe

dabo said...

uyy buhay pa pala ang crocodile jan.. haha.. may picture ako ng dalwang crocodile na parang nagbabasa..

what is jabar.. jerjer nagets ko..

--- -

mel beckham said...

JM, eeeeewww!!!!!!! barf. lol

yoshke said...

I was scrolling down tas napastop ako bigla. "Teka, si Billy yun ah!" Groupmate ko sya nun sa isang History class sa UP. Hehe. small world.

andrewPelago said...

HUWOW! Ang sarap ng food. I am feeling hungry right now.

Related Posts with Thumbnails
 
;