Friday, June 20, 2008

konting tulong?

"Ang swerte ko talaga! Buti na lang pala tinatamad kang maglakad ngayon kasi ikaw pala ang magbibigay sa akin ng tulong! Salamat, Lord tlga! Hayy.." sabi ni Mang Bert na driver ng sinasakyan kong taxi.

Nagpapasalamat na siya, wala pa nga akong sinasabing tutulungan ko siya.

Umaga nung nakausap ko si Manong. May appointment ako sa isang Government office. Work-related.

*sighs*

Wala na akong pera. At mukhang mabibigay ko pa sa knya ung natitira kong pera. D ko pa naman alam saan pwede magwithdraw ng pera.

At dahil sa kakapasalamat niya sa akin ng wala pa naman akong ginagawa, bumigay na lang ako. Tutal uuwe daw cia sa probinsya at kailangan ng pamasahe dahil pinapaalis na ang pamilya nia. Puro pa naman daw babae ang mga anak niya. Mga bata pa.

'Hayy.. Manong dapat totoo yang sinasabi niyo ah..' naisip ko.

At pagbaba ng taxi, nalinis bigla ang wallet ko. Magwiwithdraw na lang uli ako after ng appointment.

5 comments:

mel beckham said...

JM, kelangan ko rin ng tulong pambayad sa mga bills. Pa-utang naman. Mabait ka naman di ba? Hehehe

odin hood said...

haay naalala ko tuloy nung naholdap ako.... yun din ang sinabi ng holdaper... "konting tulong" lang daw... kinuha niya celphone ko pero at least binigay niya sakin ung sim card hehehe

wanderingcommuter said...

bait...

my-so-called-Quest said...

wow!
ako rin po hingi sana ng konting tulong...

pangtuition...

pang gatas sa baby ko...

hehe.

ang generous mo naman=]

JM said...

mel: mas mayaman ka aken. nakakapunta ka nga ng Iligan ng walang plano. hehe

odin hood: concerned ang holdaper. tlgang binalik ang sim mo para sa contacts. heheh

wanderingcommuter: yan ang pressure! nagpapasalamat na cia ng wala pa akong binibgay. wala na lang akong choice. hehe

ced: fully paid na ang tuition mo. hehe

Related Posts with Thumbnails
 
;