Thursday, June 5, 2008

Lutang si Ate!

*sighs*

I'm starting to get busy as days go by. Last night, I had to finish documents pa so inabot ako ng 10PM bago nakauwe. Napayuko na lang ako when I remembered na wala na palang MRT. Buti na lang there were still jeepneys in RCBC area so may nasakyan pa ako pauwe.

Hindi pa ako nakauwe last Tuesday dahil ika nga ni Mel, may "coloring" na naganap. :)
Kaya naman talagang gusto ko na makauwe agad dahil sa sobrang pagod.

I have to wake up at 6AM pa so I can arrive at the office at around 8:30AM, I thought.

Good news pa kanina lang kasi while in the FX, I heard from the radio na Free ang MRT rides on June 12 (7-9AM and 5-7PM). Makakatipid ako! hehe

Sa sobrang bangag ko kanina, kinalabit ko ung maingay kong katabi sa FX.

Sabi ko, "Ate, may megaphone ako sa bag. Gusto mo?" Tapos sabay kabit ng headphones ng media player ko. Di niya siguro nagets ung sinabi ko kasi parang naghang ung utak niya for a while (tumutulong laway na lang ang kulang, kumpleto na ang eksena niya).

Lutang din si Ate!

Napa-good mood niya ako.

Try ko ulit mangulit ng mga di ko kilalang tao after work. :)

11 comments:

dabo said...

hala para kang naghahanap ng away lol :) gaano ba kaingay si ate?

--- --

buti pa nga kayo busy

kami dito super bum sa office, four days na.. wala naman YM bawal.. at kung ano ano pa ang naka-block at di pwedeng bisitahin sa internet.

anyway salamat sa info na libre mrt sa june 12.

Jeland said...

At least napa-good mood ka nya! Hehe.. ;p

Jeland said...

At least napa-good mood ka nya! Hehe.. ;p

mel beckham said...

JM, dahil sa random na kakulitan yung iba nasasampal o kaya nasusuntok. Lol. ingat!

mel beckham said...

...pero may kilala ako kahit 24/7 mo siyang kulitin, ok lang. hihihi *wink*

cedeux said...

nako kelangan ko lumayo layo sau! hehehe.

mas lutang ata ako kay ate!
ingats!

weekend na naman! happy happy na ulit=]

lazy john said...

hahaha grabeng pandinig naman yan nakalagay na yung earphones mo dun sa tenga mo narinig mo pa rin si ate?? hahaha

Princhecha Fiona said...

ang teray! :p

kakaiba ka! winnur! :)

odin hood said...

bakit ka naman may megaphone sa bag? wahahahahahaha jke lang po

JM said...

dabo: hehe try mo magproxy. baka gumana jan. :)

jeland: hehe yepyep

mel: gumagawa ng intriga! hahaha may coloring na naganap kaya HP ka no? haha

ced: ayos yan! magkakasundo tayo. hehe

lazyjohn;: parang ikaw lang kapag nakakaita ng cute. kahit mag360degree turn ka pa, makakaya mo!

fiona: ciempre. natuto ako sayo! double shift ka ulit para masaya! heheh

odin hood: kasi baka may mga taong mahilig dumaldal. hehe

mel beckham said...

HP ka dyan. lol. lasing lang. haha

Related Posts with Thumbnails
 
;