Sunday, June 22, 2008

Susugod na ako.


Pumasok na ang tubig sa sapatos ko.
Madumi na din ang damit ko dahil sa pinagsamang ulan at alikabok.
Ramdam ko na din ang bigat ng kapit ng pantalon ko dahil kanina pa siya basa mula paa hanggang tuhod.

Kanina pa ako naghihintay na tumila ang ulan pero mukhang wala siyang balak tumigil.

'Gusto ko ng umuwi.' hiling ko.

Ilang sasakyan na din ang dumaan sa harap ko. Ilang tao na din ang nakasabay ko dito para magpatila.

Pero ako ang naiiwan mag-isa.

Pilit kong tiningnan kung nasa kabilang kalye pa din ang nagtitinda ng payong.

'Sana bumili na lang pala ako.' naisip ko.

Pero wala na ding pag-asang lumipat siya sa lugar ko. Hindi na ako aasa.

Ganito na lang ba lagi ang sitwasyon ko?

'Ilang oras pa siguro uli at makakauwi na din ako.' pilit kong kinumbinsi ang sarili ko.


Sa lakas pagbuhos ng ulan sa harap ko, nakalimutan kong mas malakas ang nasa likod ko. Paglingon ko, siya naman ang saktong pagtindi ng hangin para lalo akong mabasa.

'Bahala na,' sabi ko sa sarili ko.'Kung ito talaga ang gusto Mo.'

Tapos na akong magsisi.
Bahala na.
Susugod na ako.

3 comments:

Anonymous said...

hi jm,

thanks for the nice comment about our story...

good luck and God bless.

japphet

Niel Camhalla said...

at least wala ka sa barko...

dabo said...

tama si niel..

pero since rain at thunderstorm ang elements ko.. anything that fall from the sky are blessings.

cheers! take care at mag-vitamins.

Related Posts with Thumbnails
 
;