Thursday, July 31, 2008

Libre kasi!


Dahil may naforward na email na may free tea sa Coffee Bean & Tea Leaf, siyempre, magpapahuli ba kami?

(July 31 na kasi ang last day.)

"Kaya yan!" sagot namin nung papunta kami ng CBTL Convergys habang umuulan at nagdecide na wag ng bumalik ng office para magdala ng payong.

Un ang akala namin...

Pagdating ng CBTL, dinaig ang premier ng Enteng Kabisote sa haba ng pila! Buti na lang may silong para hindi kami mabasa sa labas ng coffee shop habang naghihintay makapasok at kunin ang libreng tea.



Akala ko isa lang ang choice na tea, un pala, you can choose from their list of available teas. I had the Tropical Passion. Siyempre tunog fruit-ish ung akin (para may dahilan ako uminom plus my diet factor involved).



May pagkatagal ang paghihintay ng order dahil sa haba ng pila so nakapagkwentuhan at nakapagpicture-an pa kami while waiting.



Paglabas ng coffee shop, andun na ang simula ng problema.

Sa lakas ng ulan, napilitan kaming magpatila sa isang shed sa tapat ng CocoLife Building tabi lang halos ng Standard Chartered Bldg.

"Anu pa bang gagawin natin dito kundi magpicture-an?" sagot ng officemate ko habang binabasa kami ng ulan.



Buti na lang, nacontact namin ang officemate namin para magdala ng payong (after 1hour of waiting sa shed) para makabalik ng office.


Note to self: Next time, hindi dahil libre, sugod na agad.

5 comments:

dabo said...

hahhhaaa.. two hours yata yung ulan.. by the way yung tinambayan nyo ng umuulan is tapat lang ng office namen

my-so-called-Quest said...

next time magdala ng payong... mahirap magkasakit ah.
=]

dazedblu* said...

Hehe, ganun? How abt free day coffee at BHS? Hmmm.

JM said...

dabo: haha sinabi mo pa. antagal namin nag iintay dun. sa cocolife ka work or sa may standard chartered?

ced: haha dapat may payong kami kaso mahina ung ulan kaya iniwan na namin hehe

dazedblu: may free day coffee dun? hehe

dazedblu* said...

Yeah there'll be a free day coffee at BHS, I forgot some details.

Probably I'll ask my friend kung kelan, but I'm not sure maybe this Friday yun :)

Related Posts with Thumbnails
 
;