Tuesday, August 26, 2008

Lagot ka saken kapag nagkita tayo.

"Pwedeng humingi ng favor? Small lang naman." sabi ni eM.

Bigla akong kinabahan. Ano kaya? Nasa office ako at nagsisimula pa lang magwork.

"Anu un?" sagot ko.

"Kasi ung kapatid ko nandyan sa building nyo. Gusto kang makausap kasi interested sa services ng company nio. Naalala mo naman hitsura niya sa pic dba?"

HANUDAW?!

Lalo akong kinabahan. Kakasimula pa lang namin lumabas labas tapos makikilala ko na kapatid niya agad.

"Alam na ba niya?" tanong ko.

"Oo. Tsaka ni Mama." sagot niya.

Biglang natunaw ung paa ko.

"Sige na. Kasi may party daw sila. Eh gusto nila ung ginagawa ng company nio." pamimilit niya.

"Ha? (insert unrecognizable sounds of panic)... Kasi hindi ko pa din alam pasikut-sikot sa mga ganito kapag ganyan. Kasama ko usually boss ko kapag lumalabas. (at kung anu ano pang mga dahilan)"

"Sige na. Nasabi ko na kasi na kikitain mo na siya. Don't worry, mabait naman un." pamimilit pa.

May konting pagkainis na ako dahil hindi ko gusto ang ganung setup.

Tama bang mang-ambush?

*sigh*

"Fine. Baba na ako. Lagot ka saken kapag nagkita tayo." pinahalata ko talaga ang pagkainis ko.

"Salamat! Sandali lang naman. 15 minutes lang tlga." sagot niya.

Nagjacket ako at dumirecho na pababa ng office para pumunta ng food court ng building namin.

Lagot talaga saken un kapag nakita ko, naisip ko. Hindi mawala sa isip ko na baka siya lang un at gusto niya lang ako sorpresahin.

Kaso, bigla siyang nagtext nung nasa ground floor na ako..

"Am home na. Gudlak sa inyo ah? 15minutes lng un. Andun lang daw siya sa may dunkin donut." text niya.

Yun na. Kapatid niya nga ang kikitain ko.

*sighs*

Humanda talaga un kapag nagkita kami.

Pagdating ko ng food court, hinanap ko agad ang familiar face na nakita ko lang sa pictures.

Wala.

Inikot ko na ang buong area, wala tlga.

"Wala. San na?" txt ko kay eM.

"Dun na lang kayo magkita sa binibilhan mo ng breakfast dati." sagot niya.

Pagkarating ko dun, naghanap ako agad ng upuan at naghintay sa bisita ko.

Ilang minuto pa, nakita ko ang mukhang kasama ko lang kahapon at ng buong weekend.

Si eM.

Nakangisi at nagmamadaling pumunta kung nasaan ako.

May halong inis at pagtataka ako nung nakita ko siya.
(sabayan mo pa ng konting kilig dahil galing pa siya ng work sa QC at hindi pa natutulog)

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Namiss kita eh." sabay abot niya ng brownies saken (salamat sa Starbucks). "Parang hindi lang tayo magkasama kahapon diba? hehe" ngisi niya.

(insert kulitan at bolahan moments)

Hanggang sa nagpaalam na siya dahil kailangan niya pang magpahinga dahil may pasok pa siya maya-maya.

"U just made my day..."

Pagdating ko ng office, napansin nalang ng officemates ko na nakangiti ako.

At hanggang ngayon, naalala ko pa din ung nangyari kanina habang inuubos ko ang bigay niyang brownies.

Thanks, eM. :)

8 comments:

mel beckham-atienza said...

...at sino si eM? is that short for eMotera? Lol =p

lovely0921_ph said...

sooooo sweeeet! pero kaba muna ah. LOL.

MakMak said...

Huwaw. Ang sweet. =)

This made my day. Ahaha.

mink said...

yaiiiiii, ang sweeeeet.

ang cute nyo sigurong 2...

:)

jon said...

nilanggam yata ako, aray!
sweet moments like this will always be cherish...

mattster55 said...

Baka nga talagang na miss ka nya...
kasi mahigit sa 20 oras ka na nyang hindi nakasama simula nung Lunes... at malamang hanggang ngayon iniisip ka pa din nya.

JM said...

mel: haha hindi. short for eMancipate! si Mariah itu! lol

lovely0921_ph: hehe naman! sana kilig na lang dba? haha

makamk: it made my day din eh. :)

mink: hehe kahit na madaming tao sa paligid, nagpacute pa siya lalo. :)

jon: yep. i totally agree. :)

mattster55: wag nating ipahalata na kilala natin ang mag taong involved. hehe

dabo said...

uyyy.. kinikilig ako hehehe

Related Posts with Thumbnails
 
;