Wednesday, August 20, 2008

Naaalala mo pa ba yung first time mo?

Naalala mo pa ba yung first time mo?

Yung saya ng unang pakiramdam at sakit ng pagpapaalam?

Yung panghihinayang sa nakalipas na hinayaan na lang?

Yung walang hanggang pagbali-baligtad ng iisip mo sa "Ano kaya ang nangyari kung..."?

Yung sakit ng pagsisisi ng bawat naging desisyon mo?

Oo, naaalala ko pa yung first time ko.

Naaalala ko yung takot ko na gawin lahat, ang tuwa ng makita ko ang ngiti at ang lungkot ng makita ko ang luha.

Masaya na nakakapanghinayang; masaya dahil nasimulan pero nakapanghihinayang dahil natapos.

Ilang araw ang ibinuhos para sa iisang araw, ilang oras ang pinaghandaan para sa iisang segundo.

Pinagsisihan mo ba ang desisyong ginusto mong mangyari ngunit natatakot gawin o pinasasalamatan ang hindi panghihinayang dahil ginawa mo ang ikinatakot mo kahit na lungkot ang kapalit?

6 comments:

thesunbakedking said...

Ganda ng pagkakadescribe. This just fueled my nostalgia more.

MakMak said...

Hindi dapat pinanghihinayangan ang nakaraan - ang mga bagay na nagawa, o natakot gawin. May dahilan kung bakit yun ang ating naging desisyon and sigurado ako, kaya natin nagawa yun eh para sa ating ikabubuti din.

Teka ano bang first time ang tinutukoy dito? Ehehe.

Stan™ said...

ang sagot ko,

LAHAT.




OO.




nakakalungkot naman to para saken...

ahahaha...
wula lang...
tots lang ng 17 year old...



heheh!

-STAN™

Anonymous said...

Sa ngayun.. naaalala ko ang sakit ng pagpapaalam dahil hindi ako nabigyan ng kahit konting panahon na makilala at makasama ang taong ninanais ko..

dabo said...

dahil pa rin ba ito sa epekto ni walle

dazedblu* said...

cry me a river... yun lang :(

Related Posts with Thumbnails
 
;