Friday, August 8, 2008

Upong piso

"Manong, para ho." 'Di ko na matandaan kung ilang beses ko ng sinabi yan mula nung natuto akong mamasahe mag-isa noong Grade 4.

Ilang jeep na din ang nasakyan ko; Iba't -ibang ruta, iba't ibang destinasyon. Minsan kung anu pa ang maganda sa paningin, un pa ang bulok sa serbisyo.

Natuto na akong magtiis sa sikip at sa init. Natuto din akong maging magpakumbaba at mapansin ang mundong nakapaligid sa akin.

May ilang masungit na tsuper na pinagbibintangan kang hindi pa nagbabayad. Meron namang makulit na pati tahi ng kurtina nila naikukwento sa'yo. Kung anong trabaho ng panganay at ano ang pangalan ng asawa ng bunso, hindi nakakaligtas.

May mareklamo na kahit kulay ng stoplight ay gustong palitan. Bawat salita may karugtong na mura. Lahat sinisisi sa gobyerno. May mga tahimik na akala mong multo ang nasa likod ng manibela.

Nasanay na din ako sa mga tsuper na hindi marunong magsukli. Sampung milyong beses mong isisigaw na wala pang sukli pero sadyang nabingi na ang tsuper sa ingay ng Maynila at pati kunsensiya niya ay kinain na din ng panahon.

May mga suswertehin naman ako at may ibang sobra ng piso ang sukli.

Napagdaanan ko na din ang pumuputok sa pasahero. 'Upong piso' na 1/16 lang ng katawan ko ang nakasayad sa upuan.

May pasaherong nakakatuwang tingnan. Meron namang nakakainis katabi. Yung mga tulog na bumabagsak ang ulo sa balikat mo (na minsan ko ng itinaas ng biglaan ang balikat ko para mauntog siya at magising na masakit ang ulo at leeg).

Sa dami, hindi ko na din mabilang ang mga naranasan ko sa jeep. Pero kakaiba ngayon. Walang pasahero. Walang ingay ngunit pansin ang gulo sa labas. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Bahala na. Siguro sinadyang ganito para hindi ang destinasyon ang pagtuunan ko ng pansin kundi ang paglalakbay papunta doon.

9 comments:

mel beckham-atienza said...

inabutan mo siguro ang panahong piso pa ang pamasahe. =p

joaqui_miguel said...

"Yung mga tulog na bumabagsak ang ulo sa balikat mo (na minsan ko ng itinaas ng biglaan ang balikat ko para mauntog siya at magising na masakit ang ulo at leeg)."


Hmmm... maybe I can borrow this style from you. :) But if he is HOT, hmmm... maybe I'll allow it. lol

Chyng said...

pag "bayad po"- kahit gano kahina maririnig ng driver yan.

pag "yung sukli ko po"- kahit isigaw mo, di nila naririnig.

selective hearing!

ced said...

natry mo na mag 123?
hehehe
wala lang para bagong experience sa jeep. ahehe

dean said...

mag-car ka na lang daw. hehe!

dazedblu* said...

Haha, agree aq sayo.. as in, :)

Lance said...

something really similar to all jeepney scenario..
i liked this post...

JM said...

mel: hehe hindi nga eh. wag mong sabihing ikaw naabutan mo?

joaqui: haha ciempre naman.

chyng: sinabi mo pa. yesterday, merong isng couple na ayaw iabot ung bayad ko. inabot ko na lng sa driver pero sinaja kong tapakan ung paa nung guy hehe

ced: hehe ceimpre naman nagawa ko na un. pero d naman saja. hehe

dean: hehe pulubi lng ako.

dazedblu*: hehe good to know..

lance: thanks :)

someone who is a shitload smarter than you said...

i just bloghopped from renz's multiply. i really like this post. your use of mrtaphors is awe-inspiring. blog on!

Related Posts with Thumbnails
 
;