Saturday, September 6, 2008

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Katulad ng karamihan, nainlove din ako sa gaya niya: Mabait, maalalahanin, seryoso sa buhay at higit sa lahat, tanggap ako kung ano man ako.

Kaso, hindi katulad ng pagtingin ko sa kanya ang pagtingin niya sa akin.

"Uy, may bago akong nakilala. Ang cute! hehe.." banat niya sa akin isang araw.

"Talaga? (Sino nanaman kaya ito ngayon?) Saan mo nakilala?" pagtatanong ko. Ilang beses ko na ba yun narinig sa kanya, naisip ko.

"Pinakilala ng isang kaibigan ko. Mukhang may gusto din saken." sagot niya ng may halong kilig.

"Naks naman! Ayan, sana naman siya na talaga this time, diba?" nakangiti kong sinabi sa kanya. Ngiti na ilang beses ko ng ipinakita sa kanya. Ngiti na ilang beses ko na ding ikinamatay.

"Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala," bigla siyang ngumisi. "Oo ngayon, bukas hindi na. Or pwede din the day after. Para maiba naman hehe."

Yun na.

Ilang beses ko na din yang narinig sa kanya. Malakas na inaamin ang exploits pero sa dulo, kapag nagkakagusto na at biglang iniwan, iiyak na lang hanggang sa makalimot.

Kilala ko na din kasi siya. Limang taon na kaming magkakilala. Magkakuntsaba sa kalokohan. Kunwaring magkalaban sa mga gusto pero aminadong sumusuporta sa isa't isa at handang magbigay daan para sa ikaliligaya ng isa.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Naalala ko ang unang beses nakita ko kung gaano siya nasaktan.

"Umasa akong hindi niya ako lolokohin." tahimik niyang sinabi sakin.

Hindi man umiiyak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Hiniling ko din sa itaas na sana nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita siyang umiiyak.

Tama nga sila, mas masakit ang iyak na walang luha. Lalo pa't kaharap mo ang taong nagpapasaya sa'yo.

"Wala naman tayong magagawa kasi umaasa tayong seryoso ang mga katulad niya. Hindi natin alam hanggang sa umabot tayo sa ganito." sagot ko na lang habang hawak ang kamay niya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Buwan ang itinatagal bago siya maging ayos uli.

Ilan uli ang dadaan sa buhay niya, at mauuwe sa iyakan.

Naging manhid na din siguro ako dahil natutunan ko ng gawing bato ang puso ko habang nagkukuwento siya ng bago sa buhay niya. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kayang gawing bato ang puso ko tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

"Eh kung kayo na lang kaya? Haha" pabiro ng isa naming kaibigan.

"Timang! Kami? haha impossible yan!" bigla niya isasagot.

Dinaan ko na lang sa ngiti ang sakit. Bakit kasi ikaw pa? naisip ko ng napatingin sa kanya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko ginustong malaman mula sa kanya.

"Bespren! Iblanko mo na ang Dec. 7 sa kalendaryo mo! Ikakasal na ang bespren mo! hehe" masaya niyang bati saken sa telepono.

Kaya pala medyo tumahimik na din siya nitong mga huling buwan. Nakahanap na ng katapat.

At katulad ng nakasanayan, ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

***

Ngayon, habang inaayos ko ang gamit ko papunta ng simbahan, naalala ko ang lahat ng pinagdaanan natin.

Yung ngiti mo kapag kinikilig ka. Yung pagsasalita mo habang tulog ka. Yung mga nakaaway natin sa tindahan dahil chinismis na buntis ka at imbes na itanggi mo, sinabi mo pang 8 months ka kahit na flat na flat ang tiyan mo.

Napapangiti na lang ako. Masakit pero masaya dahil alam kong masaya ka na at mapapaligaya ka niya.

Naalala ko yung araw na tinulak mo ako sa crush ko kahit na mukhang tuhod lang siya dahil sinabi ko lang na crush ko siya para matigil ka ng kakakulit sakin kung sino yung gusto ko.

Naalala ko yung gabi na may report ako at nagcrash yung computer ko. Kinulit pa nating mag-extend until 3am ung bantay ng computer shop para lang matapos yung report. Tapos absent pala yung boss ko kinabukasan.

Napapangiti na lang talaga ako.

Ang lapit-lapit mo na sa akin nun, pero milya ang layo ko sa'yo.

I'm happy for you, bespren! Sobra, dahil alam ko ang pinagdaanan mo.

This time, ngiti na talaga ang isasalubong ko sa'yo pagnagkita tayo mamaya.

Ngiti dahil sa wakas alam kong masaya ka na at magiging masaya pa ... kasama niya.

11 comments:

MINK said...

true to life ba ito kuya?

nakarelate ako mula umpisa hanggang wakas...

waaaah.

lazy john said...

hmmm sadness...

my-so-called-Quest said...

awww...
hay...
=[

whitelight25 said...

hay...

jon said...

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa isinulat mo. Parang kuwento ng buhay ko at maaring kuwento rin ng karamihan sa atin. Ang buhay nga naman..matalinghaga.

Saminella said...

hay, i miss writing na.




















damn work.

JM said...

mink: some parts of it are true. :)

lazy john: alam mo na ang kwento nito. hehe

ced: smile na lang tayo. hehe

whitelight: dba nagcomment ka na din sa kabila? hehe

jon: ang importante, we share the same feeling katulad ng iba. hindi tayo nag iisa dba? hehe

saminella: thanks for reading. :)

lazy john said...

nope hindi mu pa nakkwento... nagiinarte ka nun. hahaha. i do hope you're doing better now though...;p

dazedblu* said...

Haha, naks naman para kang bata nyan XD

Musta na?

sherwin said...

relate ako..how sad..life has to move on..one day it's gonna be your turn.

emansky said...

sakit talaga ng ganto... if only im as strong as you are na makapag move on na...

Related Posts with Thumbnails
 
;