Monday, September 22, 2008

Best Weekend part I: Adobo aka Liempo

Akala ko masayang weekend lang ang magaganap last weekend. Mali ako.

It was one of the best weekends I've ever had.

So much to tell, so much hard to put into words.

Nagsimula ng Friday night nung nakita ko ang mukha ni M nung nakita niya ako. Hindi ko talaga iningayan ung pag-bukas ng door para hindi ko siya magising. Kiss sana ang panggising ko kaso nagising agad at biglang siyang yumakap. It all started because of that smile. Parang batang binigyan ng regalo sa Pasko.

Then we decided to have dinner at Shakey's kasama ang close friend niyang si Chooki at dumating pa ung ibang friends niya. At dahil wala ng plan after, we decided to go to Wensha. Gusto daw kasi ni Chooki magpamasahe. Um-oo na lang ako dahil gusto ko din maexperience magpamasahe. Virgin pa kasi ang katawan ko pagdating sa ganun.

At nangyari na nga ang inaasahan ko pagdating dun, kailangang maghubad infront of all the people habang nasa loob kami ng locker. Good thing may tuwalya naman. Bad thing, kakakain ko lang at singlaki ng Astrodome ang tiyan ko.

At dahil wala ng magagawa, pinanindigan ko na lang. Mas madami pa naman mas malaki tiyan kesa saken.

My buffet na hindi ko naranasan. May body massage na hindi ko masyadong naenjoy dahil ung nagmamasahe saken eh mahilig makipagkwentuhan.

(Sa'yo na nagmasahe saken, Oo, kahit walang naririnig na salita, alam kong nakikipagkwentuhan ka dahil putol-putol masahe mo. Distracted. Next time, idedestruct ko katawan mo kapag naulit un.)

Mas nag-enjoy pa ako sa foot massage dahil hindi lang feet ang namassage saken. Pati braso at leeg ko. (Some foot massage, huh?)

Nag-enjoy ako dun. I left there feeling relaxed and recharged. Ngayon, alam ko na ang feeling ng rejuvenated. Kala ko inimbento lang nila para may masabi lang ng kakaibang word after magpa-spa.

5am na kami nakauwe at dahil balak daw ni M na ipagluto kami ni Chooki ng lunch, maggrocery kami sa mall malapit sa kanila.

Ang kaso, sumobra ata ang rejuvenation process namin kaya pagdating sa bahay, natulog na lang kami.

Masaya ang Friday ko. Kala ko tapos na ang kasiyahan, hindi pa pala.

Ang 7am grocery for lunch ay naging grocery for dinner na. We woke up early lunch time at pinuntahan si Chooki para sa bagong bagong bonggang bonggang SM Marikina na kami magpaikut-ikot at maggrocery na din.

Amoy bagong mall ung SM Marikina kaya enjoy maglibut-libot kahit na hindi masyadong malaki. Naglunch kami sa foodcourt at nagpunta na ng hypermarket para sa dinner later.

"Feeling ko may pamilya na ako. Kasama kita tapos nandito tayo naggrocery." sabi ni M habang rumolyo na lang mata ni Chooki dahil nahuhulas na siya sa amin ni M.

"Sa December, kapag wala pa din akong boyfriend, sa babae na lang ako!" biro ni Chooki habang nakikita niya kaming magkaakbay ni M. "Parang nakikita ko na kayo in a few years. Ikaw buntis tapos siya inaalalayan ka tapos magkikita tayo sa grocery at magbabatian."

Dinaan na lang namin sa tawa ung mga biro ni Chooki. Nakakatuwa dahil first time kong maexperience ung ganung eksena.

Pagdating ng bahay, inuwi na muna ni Chooki ung mga pinamili niya habang ganun din ginawa namin ni M. Nagmarinate na siya para daw pagbalik namin galing ng Libis, pwede ng lutuin. Dadaan pa kasi kami sa kaibigan niya para ibigay ung kailangan sa birthday party.

Tumambay kami sa Starbucks at nagdownload ng mga kanta. Then we went to the party para ibigay ung kailangan ng friend niya before going home for dinner.

Dinaanan namin ang Chooking nagmamatamis sa kanyang bahay para sabihan na siya na bumili ng rice kaso masama ang gising kaya sabi niya, "Gisingin niyo na lang ako kapag luto na dinner." at saka natulog.

Kaya umuwe na kami sa bahay para simulan na ang pagluluto (actually si M lang dahil wala akong alam pagdating sa kusina).

Adobo at Lumpiang Shanghai ang goal.

Tinulungan ko na lang gumawa ng shanghai si M dahil hanggang dun lang ang kaya ko. Maghiwalay ng wrapper at magrolyo ng may laman na.

Akala ko bumaba ang fog noon dahil habang nagluluto si M, buong bahay natakpan ng usok.

Amoy adobong usok.

Bukas agad kami ng pinto para lumabas ung usok. Wala ding silbi dahil buong bahay punum-puno ng usok. May utak yata ung usok dahil walang epekto ung pagbukas ng pinto.

The show must go on, ika nga kaya kahit amoy adobo na kaming pareho, tuloy pa din sa pagluluto. Hanggang sa malapit ng matapos.

Tinext ko na ang Chooki para magpabili ng kanin. Kaso nasa kung saang panaginip pa siya kaya ako na ang bumili at dinaanan ko na lang siya para papuntahin na sa bahay ni M.

"Infairness, masarap ang adobo mo kahit walang sarsa. Parang liempo." sabay tawa ni Chooki.

At walang halong biro, masarap nga. Napadami ako ng kain ng gabing yun. Buti na lang itim ang suot ko kaya hindi halata yung aftereffects ng dinner.

"Totoo ba ito? Kakain ako ng lutong bahay sa bahay mo? Antagal ko ng hindi nararanasan to ah?" biro ni Chooki kay M. Matagal na kasing hindi nagluluto si M.

After namin kumain, biglang sumakit ang tiyan ni Chooki kaya dali-daling umuwe.

(Totoo nga bang sumakit ang tiyan o ayaw lang maghugas ng pinagkainan? Haha)

Balak pa namin gumimik after kaya niremind kami ni Chooki na wag na matulog dahil baka Linggo na ang gising namin.

Nagpasalamat sa dinner at saka umalis (o tumakas?) ang Chooki.

Ang ending, ako ang naghugas ng ibang pinagkainan. Pagod na din ako kaya hindi ko natapos lahat at umidlip na lang sa tabi ni M.

Mas masaya pala ang Sabado ko. Akala ko duon na natapos ang kasiyahan, hindi pa pala...



Next post na ang Sunday at Monday.
Masyadong mahaba kapag tinuloy ko pa dito.
Pics will come soon. :)

Thanks, M.
I love you.

6 comments:

wanderingcommuter said...

huwaw sobrang nakakainggit naman... you gave me an idea.

mel beckham-atienza said...

How sweet.


I hate sweet. Lol =p

bitin! ikuwento mo na ang saturday at sunday!

Anonymous said...

Next time I'll cook bistek tagalog and nilagang baboy for you.

I love you too :)

Chooki said...

Masyado mo naman ako pinapasikat.. hindi kita babasagin sa blog mo.. hehehe

sobrang natawa ako nung nabasa ko etong blog mo na ito. I hope you can post pictures as well. lol! :) yung maayos ha.

Hindi talaga ako maghuhugas dahil kapag ako nagluto sa house with M hindi naman din cya naghuhugas ng pinggan..

Happy weekend nanaman for us! :)

JM said...

wanderingcommuter: anung idea un? hehe

mel: u hate sweet? hehe at bakit naman?

M: Sige, sabi mo yan ah. hehe :)

chooki: haha un ang goal ko. ang pasikatin ka at gawin kang household name.

dazedblu* said...

whacked out! hindi obvious masaya ka, hehe XD

my gawd, your story has a lot of sugar, ayan nilalaggam tuloy ako.. :)

and alstly naloka naman ako sa tagged board mo, may ulam, kanin, sabaw and so on.. dessert meron na ba?

Related Posts with Thumbnails
 
;