Tuesday, September 30, 2008

Sabihin mo nga sa kanya

Inaantok pa ako nuon kaso wala ng magagawa dahil mukhang malelate na ako sa trabaho.

"May pamasahe ka pa?" tanong ni M pagbaba namin sa tricycle galing sa kanila.

"Oo. Ikaw?" tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin pero malungkot ako ng araw na yun. Minsan na kaming nagtalo ni M dahil sa ganitong feeling ko.

Nagtaka ako dahil yung hiniram kong bag niya eh walang zipper kaya bukas na bukas ung bag ko. Natakot ako na baka may mahulog akong gamit kaya inisa-isa ko lahat ng laman.

"Oh, bakit may ganito?" tinanong ko si M nung nakita kong may 3 pirasong Inipit sa bag ko.

Wala akong ganang kumain ng agahan madalas kaya natuwa ako dahil siya ang nag ayos ng gamit ko bago pumasok kaya alam kong nag-alala siya sa akin kung makakakain ba ako ng agahan.

"Eh kasi baka hindi ka kumain kaya naglagay na ako nian." nakangiti niyang sagot. "Sana pala nilagay ko talaga sa ilalim yan para sa office mo na talaga makita."

Malapit na din kami sa sakayan noon.

"'Wag ka na malungkot ah? Mahal naman kita eh."

Naikwento ko sa kanya yung nararamdaman ko at nakita ko ang pag aalala sa kanya.

"Sige nga, sabihin mo sa kanya." dinaan ko na lang sa biro para hindi na lang siya lalong mag alala.

"Kanino?" tanong niya.

"Kay Ate. Ayan siya o." turo ko sa naglalakad naming katabi.

Bigla siya lumingon at sinabing, "Ate, mahal ko 'to."

Hindi ata narinig ni Ate pero yung isang lalaki sa harap namin ang napalingon.

Natawa na lang ako sa kanya at nagpasalamat dahil sinamahan niya ako.

Minsan talaga, kahit gaano ka kalungkot, may isang tao na magpapangiti sa'yo.

11 comments:

dean said...

waaah! tumutulo laway ko sa inggit!!!!!!!!

Lovely_ph said...

ang sweet nitooo! mapapangiti ka nga nman tlga pag ganyan. haayzzz. ;)

MakMak said...

Hayz JM. Hahaha. :p

wanderingcommuter said...

namimilipit ako sa kilig!!! hihihi

nmagz said...

kakakilig nmn :)

JM said...

glad to know u guys enjoy reading my posts. :)

mel beckham-atienza said...

kahit ayoko ng sweet, sige na nga, makiki-kilig na rin ako. Tse! =p

JM, may tanong ako sa'yo. I'll just leave a message sa friendster mo. Ok? Go!

The Mikologist said...

awts.

pusanggala, kainggit to the max. miss ko na talagang makipagdate. huhuhu, i still have 6 months to go. T_T

thanks for sharing.

JM said...

mel: ok? Go! hehe i hope nasagot ko na ang life or death question mo. hehe


miko: bakit namn 6months pa?

ponch said...

hay... =)

MINK said...

awww, napakasweet, selos ako...

hehe
;)

ingat kayo lagi and God bless

Related Posts with Thumbnails
 
;