Wednesday, September 17, 2008

Salamat sa'yo.

Kalalabas lang ng araw noon. Malamig na hangin at nakaupo kami sa may terrace ng bahay.

Nagkukwentuhan habang may tumutugtog sa kabilang kwarto.

Biglang niyang tinanong ang bagay na alam kong parating na pero hindi ko inaasahang ngayon na.

"Gusto mo ba tayo na?" nakangiti niyang pagtanong sa akin.

Bigla ata akong nahilo sa sinabi niya. Epekto ng puyat.

"Ha?" tanong ko uli.

Napangiti uli siya. Natawa siguro sa reaksyon ng mukha ko. "Gusto mo ba tayo na?"


oOo

A few hours earlier.

"Kmusta naman ikaw?" tanong ng kaibigan ko.

"Ayos naman. Alam mo naman ang lagay ko. hehe steady lang," sagot ko. "Natatakot pa din pero mas ok na ngayon."

"Well, it's a risk. Alam mo yan." sagot niya.

"Yeah, alam ko naman yun. Mahirap lang sigurong masaktan uli. Pero kung sakaling tanungin niya akong maging kami na, sa tingin ko papayag na rin ako."

"Yeah, ramdam ko din na papayag ka na din." sagot ng kaibigan ko. "Mahal mo na?" sabay ngiti niya.

Napangiti na lang din ako at naintindihan na ng kaibigan ko. Hindi na natuloy ang kwentuhan dahil dumating na siya.

oOo

Two days earlier.

"Ang gulo mo kausap. Minsan kinikilig ka, minsan bangag ka sa kakaworry." sabi ng bestfriend ko.

"Eh ganun tlga! Kasalanan ko ba un?" sabat ko.

"Oo, no. Kaya mo yan. It's a risk na kailangan mong i-take kung gusto mo talaga siya." sagot niya.

Idinaan ko na lang sa ngiti at naintindihan na niya ang gusto kong sabihin.

"I'm glad you get the point. Kaya mo yan." pangiti niyang sinabi sa akin.

oOo

"Gusto mo ba tayo na?"

"Sigurado ka ba na gusto mo na din?" sagot ko habang nararamdaman ang lamig ng hangin sa umaga.

"Oo naman. Pinag isipan ko na din kung may nararamdaman na ako sa'yo. At last week, naramdaman ko na yun at sinabi ko pa sa'yo, diba?" sagot niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako makatingin.

"Oo. Feeling ko kasi nag-eenjoy ka pa sa sitwasyon natin. Walang pressure, walang hassle." sagot ko.

"Gusto ko na. Ikaw ba?"

Gusto kong sabihing Oo, pero naunahan ako ng ngiti dahil sa saya ng naramamdaman ko ng oras na yun.

Naintindihan niya ang sagot ko at bigla niya akong niyakap.

"I love you."

"I love you, too."

September 14. Nagsimula uling ngumiti ang pagkakataon sa akin.

Salamat sa'yo.


9 comments:

Mr. Marsmallow Man said...

At ciempre ako ang unang mag comment sa post mo..

I'm glad that you took the risk :) Lahat naman walang assurance, nothing will happen unless you try. Meron naman kasing connection. You just have to enjoy every second of it.

You deserve to be happy!

Ilan beses ko na ito sinabi sa inyong dalawa.. I'm sooo happy for both of you.

dean said...

wow! kakakilig!

MakMak said...

Ang saya naman. ^^,
Kakakilig. Haha.

Lovely_ph said...

wow, this is love! ;)

mel beckham-atienza said...

At syempre, dahil masaya ang lahat dapat may kontrabida.

Talaga lang ha? Totoo na ba yan? Well, good luck na lang sa inyo. Tse!
Lol

Seriously...

Hoy JM, bruha ka! Congrats sa inyo! You deserve all the happiness in the world. I'm happy for you.

Go go go!
=p

my-so-called-Quest said...

ahiiiiiiiii!
may i lab youhan na!
congrats kuya JM=]

lazy john said...

JM, (yuck pa straight) hahaha I really am happy for the both of you!! I do wish that this will work out for the best... Basta sa kasal ako ang best este maid of honor... hahaha... Wag ka ng para ha!;p

whitelight25 said...

wow inlove :)
kakakilig at kaka inggit hehe

congrats po :)

JM said...

Mr. Marsmallowman: hehe salamat naman. thanks for being there for us. :)

dean/makmak/whitelight25: hehe oo nga eh.

lovely_ph: ganun? hehe

mel: bruha ka din! salamat sa pagbati. hehe

ced: ciempre naman. dapat un. hehe

lazyjohn: anjan ka naman para awayin ko twing para ako. hahah

Related Posts with Thumbnails
 
;