Thursday, November 27, 2008

Isa pa, gaganti na ako

Eto ang hinaharap ko araw-araw sa MRT kapag papasok ako sa work.




Kaya hindi maiiwasan na maranasan ko na ang karamihan sa reklamo ng maaarte. Mula sa over-protective na boyfriends (na akala mamanyakin ko girlfriends nila) hanggang sa mga nakalimot maligo sa umaga. Mula sa madadaldal na tsimosa hanggang sa mga malilikot na grupo ng mga estudyante. Kaya naman nakasanayan ko na ding palipasin ang mga maliliit na bagay na pwedeng ikasira ng araw ko.

Kaso kakaiba ngayong umaga, hindi ko napigilan.

Nasa gitna na halos ako ng kalsada sa entrance ng North Avenue Station nakatayo at naghihintay makapasok ng biglang my tumapak sa sapatos ko. Dahil hindi naman gaanong masakit, hindi ko na lang pinansin pero nung makita ng lalaking nakatapak ung reaction ko, hindi man lang siya nagsorry sa nangyari.

OK, expected na pwedeng matapakan ako sa dami ng tao kaya hindi ko na pinalaki pa.

Pinapasok na uli ang mga tao sa labas kaya nagsimula na uling sumikip ang lugar kung saan ako nakatayo.

Pagkapasok namin sa may inspection ng bags sa ground floor, may tumulak sa likod ko na muntik ko ng ikatumba . Yung lalaking nakatapak ng sapatos ko.

"Ambagal naman!" sabi niya na parang hindi ako tinamaan.

"Pasensya na ho. Madami kasing tao sa taas kaya pinahihinto namin dito sa baba." pagsusngit ng security guard sa harap ko.

Isa pa, gaganti na ako, isip ko.

Pagkapasok namin sa loob, lalong nagdagsaan ang mga tao para mauna sa escalator na hindi naman umaandar.

Hinayaan ko na lang na itulak ako ng mga tao dahil sa sobrang sikip ng lugar hanggang sa may isang taong nagtulak sa akin na muntik ng ikahulog ng bag ko.

Si Kuyang mananapak.

Namumuro ka na ah! sabi ko.

Sinubukan ko siyang ipitin sa pagpasok para makaakyat ng escalator hanggang sa naapakan ko na siya. Ang maputi niyang sapatos nagkaroon ng putik dahil sa ginawa ko pero hindi niya napansin.

Sinubukan ko namang itulak siya hanggang sa mabangga siya sa gilid ng escalator at ng humarap siya sa akin, tinuro ko lang ang mga tao sa likod.

Naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya kahit halata sa kanya ang inis, wala siyang magawa.

Hindi pa ako nakuntento kaya habang umaakyat kami sa escalator, naitulak ko siya paakyat dahil bigla siyang huminto sa harap ko.

Ipinakita ko ang pagkairita sa kabagalan niya kaya bigla siyang nagmadali paakyat hanggang sa hindi ko na siya nakita sa station.

Minsan talaga, hindi pwedeng manahimik ka na lang lage kapag sumosobra na.

11 comments:

mel beckham said...

Patience is a virtue. Maglakad ka na lang kaya? Hihi. Or gumising ka ng madaling araw. 3am perhaps. Lol

dabo said...

hehehe.. sometimes you have to kick and cry a little to get what you want.. buti nga sa kanya.

Mr. Mars Mallow Man said...

I like what you did. Winnur! kung ako yun.. nakow, baka nakatikim sya saking ng isang matinding snap!

Holler! *snap* *snap* sabay talikod.

Hihihihi :)

teresa said...

aus!
mukhang gnun din ang gagawin ko kung ako yung nasa lugar mo,maikli pa naman ang pisi ng pasensya ko.hehe!

blog hopping lang.

lazy john said...

nyahaha umandar na naman ang kamalditahan mo!! me plano ka pang gantihan sya sa loob ng station...

ponchi said...

Minsan talaga, hindi pwedeng manahimik ka na lang lage kapag sumosobra na.

tumpak! sa lahat yan ng areas ng buhay natin. =)

by the way, agahan mo na lang kasi pumasok para di mo maabutan yan lagi sa mrt north station. ;)

JM said...

mel: basta ba ikaw ang gigising sa aken eh. ehhe

dabo: buti nga tlga sa knya. hehe

mr. marsmallowman: gusto ko din yan! demo mo saken next time. hehe

teresa: hehe glad to know madami nakikiramay sa akn. :)

lazyjohn: ciempre! mana lang ako sayo! heheh

ponch: maaga na cia ng lagay na yan. hehe

my-so-called-Quest said...

puso mo kuya JM! hehe
pero nako, siguro yan ung time na may bombing sa India ba yun?
kadalasan kasi nagiging ganyan kapag may news ng bombing e.

pero wala tayo magagawa sa ibang sumasakay sa MRT. pagpasensyahan mo na lang. o kaya titigan mo ng masama? ahehe

ingats palagi kuya!=]

M said...

Nung Grade 3 pa lang ako, uso na din ung ganyan. Un nga lang, wala pang MRT nun pero pagdating sa sakayan ng jeep, everytime na ihahatid ako ni mama, lagi na lang agawan at siksikan. Pero proud ako sa mama ko kasi nambabalya sya ng mga taong haharang sa daan namen.

Kaya di ako nalelelate... at nung college, sumasabit ako sa jeep para lang nde mahuli sa class ko.

Kaya masarap mag work sa gabi, nde mainit at konti ang tao. hihi :)

JM said...

ced: hehe kung tititigan ko ng amsama, baka iba pa isipin. hehe

M: buti ka pa nga gnun. kaya dapat, ihatid-sundo mo ako. tapos pagbaunan. heheheh :)

Normand said...

sana itinulak mo na lang sa riles ng train habang papadaan ang train para hindi na sya makaulit kinabukasan ;)

Related Posts with Thumbnails
 
;