Thursday, November 6, 2008

Lokohan

"D nko makakapunta. Late na kasi eh." txt ko sa kanya habang nanunuod ako ng sine kasama ni Ate.

"Ha? Cge na. Kahit saglit lang. Gusto ko lang lumabas ngayon. Ala ako kasama e." reply nia.

Ilang buwan na din mula nung naghiwalay kami ng ex ko. Ilang araw na din akong umiiyak dahil sa mga kalokohang ginawa niya.

Dahil sa kati, pumayag akong makipagkita pagkatapos naming maglakwatsa ni Ate.

"Alam mo na yang ginagawa mo. Matanda ka na." sabi ni Ate ng may pag-aalala dahil alam niya ang pinagdadaanan ko.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. Oo, alam ko, naisip ko. Pero hindi ako sigurado.

Siguro naghahanap lang ako ng pang-divert ng attention ko dahil sa mga nangyari sa buhay ko noon kaya pumayag ako.

Nagkita kami.

Nangyari na ang dapat mangyari. Wala din akong napala. Ex ko din ang hinahanap ko noon kahit na masakit ang paghihiwalay namin.

Habang nagpapahinga, napagkwentuhan namin ang buhay ng isa't isa; ang pamilya at ang trabaho. Hanggang sa umabot kami sa relasyon.

"Atleast single tayo pareho. Walang problema." nasagot ko sa isa niyang nakwento.

"Hindi ako single. Nasa States siya hanggang next month. Work-related daw." sagot nia na parang walang nangyari sa amin.

Natulala ako sa sinabi niya.

Nakwento ko ng pahapyaw ang katatapos ko lang na relasyon.

Natahimik kami pareho.

Nagdecide ng umuwe para matapos na ang lokohan. Pero hindi ako makauwe sa bahay. Nung napadaan ang sinasakyan kong bus sa Jollibee, nagdecide akong magpalipas ng oras.

3AM. Nasa Jollibee ako mag-isang umiiyak. Pinipilit na hindi makita ng mga crew ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakalungkot na somewhere sa States, may isang walang kamuang-muang na lalaki ang niloloko na pala. At ang mas nakakalungkot, wala akong kaalam-alam na kasabwat pala ako sa panloloko.

Ang niloko, hindi alam na nanloloko din pala.

9 comments:

mel beckham said...

Sa susunod iiyak ka, tawagan mo ako. Malapad ang balikat ko para iyakan. ~hugs~

lazy john said...

feeling ko maganda yang ate mo...

Luis Batchoy said...

abswelto ka. wala kang intensyong manloko. nagamit ka lang. actually naloko twice in one shot. tsk tsk tsk

jon said...

I-blog mo lang everytime masakit sa dibdib, nakakatulong din lalu na't may nagbabasa at handang dumamay. Isa na ako.

The Mikologist said...

sya ba ung "M"? tapos na ung story nyo? hayz.

JM said...

mel: salamat naman :)

lazy john: feeling ko, feelingera yang ate kong yan!

luis batchoy: yeah. masama lng ang pakiramdam ng gnun... sobrang nakakaguilty.

mikologist: nope, hindi si M yan. kami pa din.. 2 months na sa Friday. :)

my-so-called-Quest said...

kuya jm hope oks ka lang. dito lang kami=)

sabihn ko sana kung sya ung special someone mo. happy monthsary=p

nmagz said...

here's my hug :)

ask ko lng po, miss u p rin ba ang ex-mo?

just be happy :)

JM said...

ced: thanks! i'm really ok. i just thought of sharing one of my experiences dito sa blog ko.

nmagz: thanks! d ko na miss ang ex ko. nakapagmove on na ako and i'm happy with someone else now. :)

Related Posts with Thumbnails
 
;