Friday, November 14, 2008

"Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Magwithdraw muna ikaw para may pamasahe ka sa work." sabi ni M sa akin.

Sinamahan niya ako sa sakayan ng FX papuntang office dahil dadaan di pala siya ng office nila para tapusin ang mga natitirang trabaho niya.

"O sige." sagot ko at pumunta na sa ATM ng BPI.

Pagkatapos magwithdraw, pumunta na kami sa sakayan ng FX. Nahalata niya ata na naiinitan ako kaya nilabas niya ang dalang payong.

"Ang lapit na lang natin. Bakit nilabas mo pa yan?" tanong ko.

"Siyempre para hindi tayo mainitan." sagot niya habang nakangiti. "Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Hala! Talagang nagbigay ng dahilan para magblog? Hehe. Buti naman pala binabasa mo blog ko." sabi ko sa kanya.

"Oo naman."

"Hmm.. eh di tuwang tuwa ka dahil kinikilig sila sa ginagawa mo?" nakangiti kong sagot.

"Hindi naman yung reaksyon nila ung kinakatuwaan ko. Natutuwa ako kasi yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko, napapansin mo. Naappreciate mo yung mga un kaya kinikilig ako tuwing binabasa ko blog mo." sabi niya na parang nahihiya pa.

Napangiti naman ako dun. Hindi ko na alam paano sumagot dun.

"Eh siyempre kasi natutuwa ako sa mga ginagawa mo kaya nasheshare ko din sa blog ko." sabi ko na lang.

Dumating kami sa sakayan at hindi siya umalis ng pila hanggat hindi ako nakakasakay. May 'I Love You' pang pabulong mula sa kanya nung nasa loob na ako ng FX at paalis na siya.

Parang nairita pa ung lalaking nasa tapat ko nung nabasa niya sa labi ko ang "I love you, too.'

Inggit ka lang, gusto kong sabihin sa kanya, sabay ngiti.


11.14.08.
Happy Monthsary, M!
Thank you for all the reasons why I love you.

9 comments:

mel beckham said...

Sige magsaya kayo. Tse!

Hahaha! Congrats JM and M. Sana tumagal pa ang 'bawal na pag-iibigan' niyo. Sana umabot ng 48 years. Char! =p

lazy john said...

nyahaha patwitams ka daw kasi hindi daw bagay sa iyo... congrats to the both of you...;p

MakMak said...

Ang saya. :) Ano ba masasabi ko, uhm, more power? Hahaha. Ahh! Stay in love! :)

MakMak said...
This comment has been removed by the author.
Princhecha Fiona said...

che!




(hahahaha, pasensya, bitter ocampo si bakla... ;P)

miss me? miss u! :)

JM said...

mel: 48 years lang? dpat 48 centuries pa! ehehe

lazyjohn: gusto mo ibunyag ko kng ganu ka kapatwitams? nakakahiya naman sayo. hahaha

makmak: thanks. :)

fiona: namiss kita! Busy ka na ngaun. May parusa yan!

Mr. Mars Mallow Man said...

Bakit hindi mo naman i-reveal anf istura ni M sa kanila.. Hehehe :)

Wala lang kinukulit lang kita.

M said...

Excited nako mag bora babu! mwah

dabo said...

kaya di ako nagbabasa ng blog mo for the past few months huhuhu...wahhhhhhhhhhhhhh!

Related Posts with Thumbnails
 
;