Wednesday, November 12, 2008

Paikut-ikot

"Eastwood, ho?" tanong ko sa driver ng taxi pagdating ko sa dulo ng pila.

Hindi ko agad naintindihan ang sagot nia dahil parang umiling na tumango. Pero tumingin uli siya sa akin at parang naghihintay na sumakay ako.

Sumakay ako. Kinabit ang seatbelt at nagpaubaya sa taong nasa likod ng manibela.

"Saan ang daan natin?" tanong niya.

Mukhang nasa 30 pataas na siya. Hindi pa gaanong halata ang edad kung hindi mo makikita ang ilan-ilang puting buhok sa ulo niya.

"Kayo ho ang bahala. Kung saan mas mabilis." sagot ko dahil hindi ko kabisado ang pasikut-sikot. Mukha namang mabait si Kuya kaya pinagkatiwalaan ko na.

"Pa-garahe na sana ako eh. Kaya nagulat ako nung sinabi mong dun tayo pupunta. Nahirapan ka maghanap ng sasakyan no?" tanong nia habang nas biyahe kami.

"Oo nga ho, eh. Medyo mahirap din kasi talaga kapag ganitong oras. Iilan na lang naaabutan ko." sagot ko habang tumitingin tingin sa dinadaanan namin.

Hindi na ako pamilyar sa dinadaanan namin kaya kinakabahan na ako. Kapag nasanay ka kasi, mahirap ng magbago ng paraan. Pero hindi ako nagsalita dahil mahahalata yun ni Kuya kung sakaling may balak man siyang mangholdup o gusto niya lang ubusin ang laman ng wallet ko.

Nagtuloy-tuloy pa din kami sa pag-uusap. Umabot sa pamilya niya at napagkamalan pa akong estudyante. Nagtuloy-tuloy pa din ako sa pag-aalala dahil lumalayo na yata kami.

Hanggang sa umabot kami sa isang pamilyar na lugar. Dun na ako nagreact at nagpadaan kay Kuya bago pa man makaisip na kung saan saan niya ako paikut-ikutin.

"Dyan na ho tayo sa kaliwa." pilit kong sinabi para isipin niyang alam ko ang daan.

Sinunod naman niya hanggang sa nakarating ako sa pupuntahan ko.

P250 ang nakuha niya sa akin na kadalasan P150 lang.

Nadaya ako. Nautakan.

Pero anong pang magagawa ko, tapos na.

Bakit nga ganoon, nagbigay ka ng tiwala na hindi ka ipapahamak pero darating ang araw na marerealize mong pinaikut-ikot ka lang pala hanggang sa mapagod ka at magdesisyon na para sa sarili?

7 comments:

lowell said...

ouch.. yung statement sa huli ah, nangungurot sya. haha, pero totoo yun. and nice story, ok lang yun, what's an extra 100 anyway? naaah, sayang pa rin! :p

mel beckham said...

Ikaw kasi masyadong ma-PR. =p

lazy john said...

hmmm kasi dapat inaalam na ang pasikut-sikot dava...

MrDJ said...

Ganun talaga bonso. We trust people and we get stabbed.. sa likod. I'm not saying to stop trusting the people we love, but at least be cautious. Ganun talaga bonso.

Pero may choice tayo. Kung magpapaloko or magpapakatanga. May difference yun.

Yung naloko, yung walang alam...
Yung tanga, yung alam na nya, nasasaktan na sya, hinahayaan na lang nya.

Ako minsan, nagpakatanga na. Ayoko na maulit. Pero syempre, di ko din alam kung anong susunod na mangyayari sa buhay ko.

Basta alam ko... sa ngayon, tatapak muna ako sa lupa. Nakakapgod din lumipad... Hahaha

MISHU BONSO!

MrDJ said...

Ganun talaga bonso. We trust people and we get stabbed.. sa likod. I'm not saying to stop trusting the people we love, but at least be cautious. Ganun talaga bonso.

Pero may choice tayo. Kung magpapaloko or magpapakatanga. May difference yun.

Yung naloko, yung walang alam...
Yung tanga, yung alam na nya, nasasaktan na sya, hinahayaan na lang nya.

Ako minsan, nagpakatanga na. Ayoko na maulit. Pero syempre, di ko din alam kung anong susunod na mangyayari sa buhay ko.

Basta alam ko... sa ngayon, tatapak muna ako sa lupa. Nakakapgod din lumipad... Hahaha

MISHU BONSO!

JM said...

lowell: sayang ang 100. sana pinambili ko na lang ng B1 sa jollibee Go large sa drinks at fries at bakamay pang Sundae pa ako. :)

mel: ciempre, pareho tayong ma-PR lage. heheh

lazyJohn: haha if i know...

mrdj: Yan din natutunan ko dahil sa experience na un. Miss ko na din kayo! We'll see each other soon! :)

mink said...

hmmm. isipin mo na lang JM na siguro maysakit ung anak nya and he badly needed the money.

pero mali pa rin yung manloko at mag paikot ng tao.

Related Posts with Thumbnails
 
;