Tuesday, September 30, 2008 11 comments

Sabihin mo nga sa kanya

Inaantok pa ako nuon kaso wala ng magagawa dahil mukhang malelate na ako sa trabaho.

"May pamasahe ka pa?" tanong ni M pagbaba namin sa tricycle galing sa kanila.

"Oo. Ikaw?" tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang problema sa akin pero malungkot ako ng araw na yun. Minsan na kaming nagtalo ni M dahil sa ganitong feeling ko.

Nagtaka ako dahil yung hiniram kong bag niya eh walang zipper kaya bukas na bukas ung bag ko. Natakot ako na baka may mahulog akong gamit kaya inisa-isa ko lahat ng laman.

"Oh, bakit may ganito?" tinanong ko si M nung nakita kong may 3 pirasong Inipit sa bag ko.

Wala akong ganang kumain ng agahan madalas kaya natuwa ako dahil siya ang nag ayos ng gamit ko bago pumasok kaya alam kong nag-alala siya sa akin kung makakakain ba ako ng agahan.

"Eh kasi baka hindi ka kumain kaya naglagay na ako nian." nakangiti niyang sagot. "Sana pala nilagay ko talaga sa ilalim yan para sa office mo na talaga makita."

Malapit na din kami sa sakayan noon.

"'Wag ka na malungkot ah? Mahal naman kita eh."

Naikwento ko sa kanya yung nararamdaman ko at nakita ko ang pag aalala sa kanya.

"Sige nga, sabihin mo sa kanya." dinaan ko na lang sa biro para hindi na lang siya lalong mag alala.

"Kanino?" tanong niya.

"Kay Ate. Ayan siya o." turo ko sa naglalakad naming katabi.

Bigla siya lumingon at sinabing, "Ate, mahal ko 'to."

Hindi ata narinig ni Ate pero yung isang lalaki sa harap namin ang napalingon.

Natawa na lang ako sa kanya at nagpasalamat dahil sinamahan niya ako.

Minsan talaga, kahit gaano ka kalungkot, may isang tao na magpapangiti sa'yo.
0 comments

"Is it all worth it?"

Pagkatapos ng lahat ng tawanan at kwentuhan,

Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan,

bigla mong maiisip,

"Is it all worth it?"

Ayoko ng ganitong feeling.

Nakakapagod mag-isip.


Nakakalungkot.

*sigh*

crashing. ^#%$^&#!
Wednesday, September 24, 2008 6 comments

Best Weekend part II: (masarap na) Champorado ni M

Naalimpungatan ako ng Sabado ng umaga. Hinahanap ko yung phone ko ng biglang magising na din si M.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya yung phone niya.

"11:30."

May bisita kami ng araw na yun kaya nag-alala ako dahil late na kami nagising at hindi pa nakakapag-ayos ng bahay.

"Asan na sila?" tanong ko kay M.

"Nasa kanto na daw."

@#@$#%^$!

Dumirecho na ako ng banyo para maghilamos at mag-ayos. Ganun din si M na biglang nagligpit ng gamit sa bahay.

Hanggang sa narinig ko na nga ang ingay sa labas ng banyo. Kinabahan ako bigla. First time ko 'to, naisip ko. Bahala na.

Lumabas ako ng banyo at sinalubong ang mga bisita.

'Sana mukha akong tao,' naisip ko.

"Ma, si JM," pakilala sakin ni M. "JM, si Mama at si Abet, kapatid ko."

Dinaan ko na lang sa ngiti dahil baka mahalata nila ang kaba ko kapag nagsalita pa ako.

Lalo akong kinabahan ng si M naman ang pumasok ng banyo at nagpalit at naiwan akong kasama ng Mom at kapatid niya.

"'Wag kang papayag na paglinisin ka niya ng bahay ah?" sagot ng Mama ni M.

"Oo, pabayaan mo yun. 'Wag ka talagang pumayag." dugtong ni Abet.

"Ah, hehe sige." lang ang nasagot ko.

"Nagdala kami ng lunch niyo dahil alam namin walang pagkain si M dito," sagot uli ng Mama ni M. "Kunin mo nga Abet ung lalagyan niya ng pagkain."

At dahil ako ang malapit dun, ako na din ang kumuha at nag-abot.

"Ah, madami na palang laman 'to."

"Ah, oho, naggrocery kami kahapon. Kasama ni Chooki." sagot ko. "Nagluto kasi si M ng hapunan kagabi kaya bumili na din kami."

"Oo, iuwi nio na lang pala ung natira kagabi. Andaming sobra." sagot ni M pagkabalik niya. "Masarap ung pagkagawa ko. Napadami nga ng kain si JM."

At saka niya kinwento ang nangyari kagabi mula sa adobong usok hanggang sa oily na sahig pagkataops magluto.

Nagulat yung mga bisita namin dahil nakapagluto pa daw si M sa bahay.

Inimbita na din namin si Chooki para sumabay maglunch dahil madami silang nabiling pagkain. Perky pa siya nung nakausap ko sa phone para papuntahin sa bahay. Parang ramdam kong bagong ligo at nakatapis pa habang kumakanta ng 'Loving You' (yung part na tumitili na).

Pagdating ni Chooki, nagsimula na ang kwentuhan. Nakakatuwa dahil parang mga kasing edad ko lang ang dumating dahil puro biruan lang nangyari. Madami ding mga global issues ang napag-usapan.

*Narealize na gumanda na daw si Yeng mula noong nanalo siya. Hindi na mukhang ****long, sabi ni M.
*Binibiro nila ang Mama ni M dahil mula ng pumasok ng bahay, wala ng ginawa kundi maglinis. Idagdag pa ang pagreremind kay M na matutong mag-ayos ng bahay.
*Matangkad si Mark Bautista in person.
*Maganda si Anne Curtis, walang biro.
*Nagpaayos ng ilong si Rachelle Anne Go. Pati pala si Sarah Geronimo, pero biglang kabig dahil total performer naman daw. (Pero mas magaling daw si M dahil marunong daw siya sa Excel, d ako kokontra dito. Bawal.)
*Magaling ang performances sa ASAP.
*Unang game ng Ateneo-Lasalle sa UAAP Finals.
*Inaasar pa nila si M dahil ngayon pa lang daw nagmukhang bahay ang bahay niya dahil may TV na at may sofa.
*Atbp. na baka magbago ang pananaw mo sa buhay kung sakaling malaman mo pa ang mga un.

Natuwa ako sa kwentuhan habang kumakain. Bihira kasi ang ganung eksena sa bahay. Ako, si Mama at si Sandy lang kasi madalas ang magbonding.

Nakakatuwa din na close si M sa kapatid niya. Kabaligtaran ng sa amin sa bahay na irap ang batian at barahan ang bonding.

Nagdecide na lumabas at magpaikot ikot sa Libis ang pamilya, sabit kami ni Chooki na dala ang laptop para mag-internet daw kaso may pagstopover sa bahay nila para masabing nangangamusta lang daw.

4 kami sa Starbucks na nagkukwentuhan tungkol sa pamilya ng isa't isa.

"Nagyoyosi ka ba?" tanong ng Mama ni M nung nakita siya naglabas ng lighter.

"Hindi, ho." sagot ko.

"Mabuti yan. Para mabawasan 'tong kayoyosi niya."

"Oo nga. Buti na lang hindi ka nagyoyosi." sagot din ni Abet.

Tiningnan ko na lang si M at nginitian. Alam na niya ang ibig kong sabihin dahil napag-usapan na namin ang pagyoyosi niya.

Gusto kong sabihin sa pamilya ni M na mahirap pigilan yan kung yung buong grupo na sinasamahan namin ni M ay nagyoyosi lahat bukod sa akin.

Dumating ang Chooki (na napag-alaman kong marunong mag-Mani&Pedi) ng dala ang notebook niya na hindi na niya magagamit dahil pupunta kami ng Megamall para magdinner. At para na din bumili ng tickets para sa Sabado.

Buti na lang nagkasya kaming lahat sa taxi, nasiyang ikinagulat ni Manong Driver.

"Slim ako." ang tanging sinabi ni Chooki.

Hindi na lang kami kumontra. Hindi na namin kaya dahil naipit na kami.

(Peace tayo, Chooki!)

Pagdating ng Megamall, nag-ikot ikot kami saglit at bumili na kami ng tickets for Saturday . Saka nagdecide kumain sa El Pollo Loco na nakakaloko sa sarap ang manok. (The best pa din siyempre ang Inasal!)

Napuno ng tawanan at kwentuhan ung mesa kaya sobrang nag-enjoy ako. Hanggang as nagdesisyong umuwe na dahil may pasok pa kami ni Abet kinabukasan ng umaga.

Ako, si M at si Chooki eh dumaan muna ng Podium para tumingin ng damit na isusuot sa Sabado. Tumingin tingin hanggang sa napagod at umuwe na lang ng bahay at natulog.

Bago matapos ang gabi, nakareceive ako ng text mula kay Abet.

Approve sa akin ang kapatid. Si Mama na lang niya ang kailangang pagpacute-an. :)

Sobrang saya ng Linggo ko. Hindi ko lang alam, may mas hihigit pa pala paggising ko kinabukasan.

6:30AM ako nagising ng Lunes. Maaga pa para magmadali dahil 9Am pa naman ang pasok ko.

Akala ko nagkakape si M dahil mas nauna siyang bumangon kesa sa akin. Kaso iba ang amoy ng kape niya ngayon.

Pagtingin ko, nagluluto pala siya ng champorado (na alam niyang madalas kong kainin noon sa bahay).

Nakakatuwa dahil magbbreakfast ako uli bago pumasok na huli kong naranasan noong nag-aaral pa ako 2 years ago.

"Matamis ba masyado?" tanong niya nung nagsisimula na kaming kumain.

"Hindi naman." sagot ko. Natabunan siguro ng emosyon ang dila ko dahil hindi ko nalasahan ang tamis na tinutukoy niya. Narealize ko lang na medyo matamis nga nung nangalahati na ung pagkain ko.

"Ayaw mo na sa champorado ko. Sinasabi mo lang na hindi matamis." kunwaring pagtatampo ni M.

"Hala. Ano ka ba? Medyo matamis nga pero masarap naman. Bakit ba nag-aalala ka dyan?" tanong ko.

"Eh kasi baka ayaw mo na sa'kin dahil hindi masarap ang champorado ko."

Nagpacute pa daw ba? Nagmamatamis si M!

Tinawanan ko na lang at dinaan sa kiss para matigil na ang bolahan.

"Late na."

"Ayoko pang umalis. Kasi pag-alis natin, 4 na araw nanaman kitang hindi makakasama."

Na-late ako noong Lunes. Pero parang ako ang pinakamaagang dumating. (Alam mo na kung bakit.)

Napakasaya ng Lunes ko, dinaig ang mga nakaraang araw.
Duon natapos ang weekend ko na naging dahilan para abangan ko ang susunod na weekend.


Salamat, M.
I love you.
Monday, September 22, 2008 6 comments

Best Weekend part I: Adobo aka Liempo

Akala ko masayang weekend lang ang magaganap last weekend. Mali ako.

It was one of the best weekends I've ever had.

So much to tell, so much hard to put into words.

Nagsimula ng Friday night nung nakita ko ang mukha ni M nung nakita niya ako. Hindi ko talaga iningayan ung pag-bukas ng door para hindi ko siya magising. Kiss sana ang panggising ko kaso nagising agad at biglang siyang yumakap. It all started because of that smile. Parang batang binigyan ng regalo sa Pasko.

Then we decided to have dinner at Shakey's kasama ang close friend niyang si Chooki at dumating pa ung ibang friends niya. At dahil wala ng plan after, we decided to go to Wensha. Gusto daw kasi ni Chooki magpamasahe. Um-oo na lang ako dahil gusto ko din maexperience magpamasahe. Virgin pa kasi ang katawan ko pagdating sa ganun.

At nangyari na nga ang inaasahan ko pagdating dun, kailangang maghubad infront of all the people habang nasa loob kami ng locker. Good thing may tuwalya naman. Bad thing, kakakain ko lang at singlaki ng Astrodome ang tiyan ko.

At dahil wala ng magagawa, pinanindigan ko na lang. Mas madami pa naman mas malaki tiyan kesa saken.

My buffet na hindi ko naranasan. May body massage na hindi ko masyadong naenjoy dahil ung nagmamasahe saken eh mahilig makipagkwentuhan.

(Sa'yo na nagmasahe saken, Oo, kahit walang naririnig na salita, alam kong nakikipagkwentuhan ka dahil putol-putol masahe mo. Distracted. Next time, idedestruct ko katawan mo kapag naulit un.)

Mas nag-enjoy pa ako sa foot massage dahil hindi lang feet ang namassage saken. Pati braso at leeg ko. (Some foot massage, huh?)

Nag-enjoy ako dun. I left there feeling relaxed and recharged. Ngayon, alam ko na ang feeling ng rejuvenated. Kala ko inimbento lang nila para may masabi lang ng kakaibang word after magpa-spa.

5am na kami nakauwe at dahil balak daw ni M na ipagluto kami ni Chooki ng lunch, maggrocery kami sa mall malapit sa kanila.

Ang kaso, sumobra ata ang rejuvenation process namin kaya pagdating sa bahay, natulog na lang kami.

Masaya ang Friday ko. Kala ko tapos na ang kasiyahan, hindi pa pala.

Ang 7am grocery for lunch ay naging grocery for dinner na. We woke up early lunch time at pinuntahan si Chooki para sa bagong bagong bonggang bonggang SM Marikina na kami magpaikut-ikot at maggrocery na din.

Amoy bagong mall ung SM Marikina kaya enjoy maglibut-libot kahit na hindi masyadong malaki. Naglunch kami sa foodcourt at nagpunta na ng hypermarket para sa dinner later.

"Feeling ko may pamilya na ako. Kasama kita tapos nandito tayo naggrocery." sabi ni M habang rumolyo na lang mata ni Chooki dahil nahuhulas na siya sa amin ni M.

"Sa December, kapag wala pa din akong boyfriend, sa babae na lang ako!" biro ni Chooki habang nakikita niya kaming magkaakbay ni M. "Parang nakikita ko na kayo in a few years. Ikaw buntis tapos siya inaalalayan ka tapos magkikita tayo sa grocery at magbabatian."

Dinaan na lang namin sa tawa ung mga biro ni Chooki. Nakakatuwa dahil first time kong maexperience ung ganung eksena.

Pagdating ng bahay, inuwi na muna ni Chooki ung mga pinamili niya habang ganun din ginawa namin ni M. Nagmarinate na siya para daw pagbalik namin galing ng Libis, pwede ng lutuin. Dadaan pa kasi kami sa kaibigan niya para ibigay ung kailangan sa birthday party.

Tumambay kami sa Starbucks at nagdownload ng mga kanta. Then we went to the party para ibigay ung kailangan ng friend niya before going home for dinner.

Dinaanan namin ang Chooking nagmamatamis sa kanyang bahay para sabihan na siya na bumili ng rice kaso masama ang gising kaya sabi niya, "Gisingin niyo na lang ako kapag luto na dinner." at saka natulog.

Kaya umuwe na kami sa bahay para simulan na ang pagluluto (actually si M lang dahil wala akong alam pagdating sa kusina).

Adobo at Lumpiang Shanghai ang goal.

Tinulungan ko na lang gumawa ng shanghai si M dahil hanggang dun lang ang kaya ko. Maghiwalay ng wrapper at magrolyo ng may laman na.

Akala ko bumaba ang fog noon dahil habang nagluluto si M, buong bahay natakpan ng usok.

Amoy adobong usok.

Bukas agad kami ng pinto para lumabas ung usok. Wala ding silbi dahil buong bahay punum-puno ng usok. May utak yata ung usok dahil walang epekto ung pagbukas ng pinto.

The show must go on, ika nga kaya kahit amoy adobo na kaming pareho, tuloy pa din sa pagluluto. Hanggang sa malapit ng matapos.

Tinext ko na ang Chooki para magpabili ng kanin. Kaso nasa kung saang panaginip pa siya kaya ako na ang bumili at dinaanan ko na lang siya para papuntahin na sa bahay ni M.

"Infairness, masarap ang adobo mo kahit walang sarsa. Parang liempo." sabay tawa ni Chooki.

At walang halong biro, masarap nga. Napadami ako ng kain ng gabing yun. Buti na lang itim ang suot ko kaya hindi halata yung aftereffects ng dinner.

"Totoo ba ito? Kakain ako ng lutong bahay sa bahay mo? Antagal ko ng hindi nararanasan to ah?" biro ni Chooki kay M. Matagal na kasing hindi nagluluto si M.

After namin kumain, biglang sumakit ang tiyan ni Chooki kaya dali-daling umuwe.

(Totoo nga bang sumakit ang tiyan o ayaw lang maghugas ng pinagkainan? Haha)

Balak pa namin gumimik after kaya niremind kami ni Chooki na wag na matulog dahil baka Linggo na ang gising namin.

Nagpasalamat sa dinner at saka umalis (o tumakas?) ang Chooki.

Ang ending, ako ang naghugas ng ibang pinagkainan. Pagod na din ako kaya hindi ko natapos lahat at umidlip na lang sa tabi ni M.

Mas masaya pala ang Sabado ko. Akala ko duon na natapos ang kasiyahan, hindi pa pala...



Next post na ang Sunday at Monday.
Masyadong mahaba kapag tinuloy ko pa dito.
Pics will come soon. :)

Thanks, M.
I love you.

Wednesday, September 17, 2008 9 comments

Salamat sa'yo.

Kalalabas lang ng araw noon. Malamig na hangin at nakaupo kami sa may terrace ng bahay.

Nagkukwentuhan habang may tumutugtog sa kabilang kwarto.

Biglang niyang tinanong ang bagay na alam kong parating na pero hindi ko inaasahang ngayon na.

"Gusto mo ba tayo na?" nakangiti niyang pagtanong sa akin.

Bigla ata akong nahilo sa sinabi niya. Epekto ng puyat.

"Ha?" tanong ko uli.

Napangiti uli siya. Natawa siguro sa reaksyon ng mukha ko. "Gusto mo ba tayo na?"


oOo

A few hours earlier.

"Kmusta naman ikaw?" tanong ng kaibigan ko.

"Ayos naman. Alam mo naman ang lagay ko. hehe steady lang," sagot ko. "Natatakot pa din pero mas ok na ngayon."

"Well, it's a risk. Alam mo yan." sagot niya.

"Yeah, alam ko naman yun. Mahirap lang sigurong masaktan uli. Pero kung sakaling tanungin niya akong maging kami na, sa tingin ko papayag na rin ako."

"Yeah, ramdam ko din na papayag ka na din." sagot ng kaibigan ko. "Mahal mo na?" sabay ngiti niya.

Napangiti na lang din ako at naintindihan na ng kaibigan ko. Hindi na natuloy ang kwentuhan dahil dumating na siya.

oOo

Two days earlier.

"Ang gulo mo kausap. Minsan kinikilig ka, minsan bangag ka sa kakaworry." sabi ng bestfriend ko.

"Eh ganun tlga! Kasalanan ko ba un?" sabat ko.

"Oo, no. Kaya mo yan. It's a risk na kailangan mong i-take kung gusto mo talaga siya." sagot niya.

Idinaan ko na lang sa ngiti at naintindihan na niya ang gusto kong sabihin.

"I'm glad you get the point. Kaya mo yan." pangiti niyang sinabi sa akin.

oOo

"Gusto mo ba tayo na?"

"Sigurado ka ba na gusto mo na din?" sagot ko habang nararamdaman ang lamig ng hangin sa umaga.

"Oo naman. Pinag isipan ko na din kung may nararamdaman na ako sa'yo. At last week, naramdaman ko na yun at sinabi ko pa sa'yo, diba?" sagot niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako makatingin.

"Oo. Feeling ko kasi nag-eenjoy ka pa sa sitwasyon natin. Walang pressure, walang hassle." sagot ko.

"Gusto ko na. Ikaw ba?"

Gusto kong sabihing Oo, pero naunahan ako ng ngiti dahil sa saya ng naramamdaman ko ng oras na yun.

Naintindihan niya ang sagot ko at bigla niya akong niyakap.

"I love you."

"I love you, too."

September 14. Nagsimula uling ngumiti ang pagkakataon sa akin.

Salamat sa'yo.


Saturday, September 6, 2008 11 comments

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Katulad ng karamihan, nainlove din ako sa gaya niya: Mabait, maalalahanin, seryoso sa buhay at higit sa lahat, tanggap ako kung ano man ako.

Kaso, hindi katulad ng pagtingin ko sa kanya ang pagtingin niya sa akin.

"Uy, may bago akong nakilala. Ang cute! hehe.." banat niya sa akin isang araw.

"Talaga? (Sino nanaman kaya ito ngayon?) Saan mo nakilala?" pagtatanong ko. Ilang beses ko na ba yun narinig sa kanya, naisip ko.

"Pinakilala ng isang kaibigan ko. Mukhang may gusto din saken." sagot niya ng may halong kilig.

"Naks naman! Ayan, sana naman siya na talaga this time, diba?" nakangiti kong sinabi sa kanya. Ngiti na ilang beses ko ng ipinakita sa kanya. Ngiti na ilang beses ko na ding ikinamatay.

"Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala," bigla siyang ngumisi. "Oo ngayon, bukas hindi na. Or pwede din the day after. Para maiba naman hehe."

Yun na.

Ilang beses ko na din yang narinig sa kanya. Malakas na inaamin ang exploits pero sa dulo, kapag nagkakagusto na at biglang iniwan, iiyak na lang hanggang sa makalimot.

Kilala ko na din kasi siya. Limang taon na kaming magkakilala. Magkakuntsaba sa kalokohan. Kunwaring magkalaban sa mga gusto pero aminadong sumusuporta sa isa't isa at handang magbigay daan para sa ikaliligaya ng isa.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Naalala ko ang unang beses nakita ko kung gaano siya nasaktan.

"Umasa akong hindi niya ako lolokohin." tahimik niyang sinabi sakin.

Hindi man umiiyak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Hiniling ko din sa itaas na sana nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ko habang nakikita siyang umiiyak.

Tama nga sila, mas masakit ang iyak na walang luha. Lalo pa't kaharap mo ang taong nagpapasaya sa'yo.

"Wala naman tayong magagawa kasi umaasa tayong seryoso ang mga katulad niya. Hindi natin alam hanggang sa umabot tayo sa ganito." sagot ko na lang habang hawak ang kamay niya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Buwan ang itinatagal bago siya maging ayos uli.

Ilan uli ang dadaan sa buhay niya, at mauuwe sa iyakan.

Naging manhid na din siguro ako dahil natutunan ko ng gawing bato ang puso ko habang nagkukuwento siya ng bago sa buhay niya. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kayang gawing bato ang puso ko tuwing nakikita ko siyang umiiyak.

"Eh kung kayo na lang kaya? Haha" pabiro ng isa naming kaibigan.

"Timang! Kami? haha impossible yan!" bigla niya isasagot.

Dinaan ko na lang sa ngiti ang sakit. Bakit kasi ikaw pa? naisip ko ng napatingin sa kanya.

Ang lapit na sana, pero napakalayo pa.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko ginustong malaman mula sa kanya.

"Bespren! Iblanko mo na ang Dec. 7 sa kalendaryo mo! Ikakasal na ang bespren mo! hehe" masaya niyang bati saken sa telepono.

Kaya pala medyo tumahimik na din siya nitong mga huling buwan. Nakahanap na ng katapat.

At katulad ng nakasanayan, ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

***

Ngayon, habang inaayos ko ang gamit ko papunta ng simbahan, naalala ko ang lahat ng pinagdaanan natin.

Yung ngiti mo kapag kinikilig ka. Yung pagsasalita mo habang tulog ka. Yung mga nakaaway natin sa tindahan dahil chinismis na buntis ka at imbes na itanggi mo, sinabi mo pang 8 months ka kahit na flat na flat ang tiyan mo.

Napapangiti na lang ako. Masakit pero masaya dahil alam kong masaya ka na at mapapaligaya ka niya.

Naalala ko yung araw na tinulak mo ako sa crush ko kahit na mukhang tuhod lang siya dahil sinabi ko lang na crush ko siya para matigil ka ng kakakulit sakin kung sino yung gusto ko.

Naalala ko yung gabi na may report ako at nagcrash yung computer ko. Kinulit pa nating mag-extend until 3am ung bantay ng computer shop para lang matapos yung report. Tapos absent pala yung boss ko kinabukasan.

Napapangiti na lang talaga ako.

Ang lapit-lapit mo na sa akin nun, pero milya ang layo ko sa'yo.

I'm happy for you, bespren! Sobra, dahil alam ko ang pinagdaanan mo.

This time, ngiti na talaga ang isasalubong ko sa'yo pagnagkita tayo mamaya.

Ngiti dahil sa wakas alam kong masaya ka na at magiging masaya pa ... kasama niya.
Friday, September 5, 2008 3 comments

Thank God I have hair

Me and my friends have always wondered how would I look like I if shaved off all my hair.


Hmm.. not really visually appealing, no?


- thanks to Matt for the image. :)
Tuesday, September 2, 2008 8 comments

I Want One: Swarovski in my eyes





Out of 4074 entries in 92 countries, this entry won second place in the 'Crystal Vision' Competition co-organized by DesignBoom and Swarovski.

The designer, Anthony Mallier, from India literally took the theme into a reality when he designed this magnificent piece.

'Sparkle' contact lenses, called by Mallier, are fused with tiny Swarovski crystals around the edges of the lenses.


Hmm.. Can I have one for my teeth, too? :)

- source: click here
Monday, September 1, 2008 6 comments

Chicane for me!

After my 1st time in Ministry of Sound last June,


and the unforgettable GODSKITCHEN last 08.08.08,

I now look forward to attending the much anticipated Chicane this month!


See you guys there! :)


Related Posts with Thumbnails
 
;