Thursday, November 27, 2008 11 comments

Isa pa, gaganti na ako

Eto ang hinaharap ko araw-araw sa MRT kapag papasok ako sa work.




Kaya hindi maiiwasan na maranasan ko na ang karamihan sa reklamo ng maaarte. Mula sa over-protective na boyfriends (na akala mamanyakin ko girlfriends nila) hanggang sa mga nakalimot maligo sa umaga. Mula sa madadaldal na tsimosa hanggang sa mga malilikot na grupo ng mga estudyante. Kaya naman nakasanayan ko na ding palipasin ang mga maliliit na bagay na pwedeng ikasira ng araw ko.

Kaso kakaiba ngayong umaga, hindi ko napigilan.

Nasa gitna na halos ako ng kalsada sa entrance ng North Avenue Station nakatayo at naghihintay makapasok ng biglang my tumapak sa sapatos ko. Dahil hindi naman gaanong masakit, hindi ko na lang pinansin pero nung makita ng lalaking nakatapak ung reaction ko, hindi man lang siya nagsorry sa nangyari.

OK, expected na pwedeng matapakan ako sa dami ng tao kaya hindi ko na pinalaki pa.

Pinapasok na uli ang mga tao sa labas kaya nagsimula na uling sumikip ang lugar kung saan ako nakatayo.

Pagkapasok namin sa may inspection ng bags sa ground floor, may tumulak sa likod ko na muntik ko ng ikatumba . Yung lalaking nakatapak ng sapatos ko.

"Ambagal naman!" sabi niya na parang hindi ako tinamaan.

"Pasensya na ho. Madami kasing tao sa taas kaya pinahihinto namin dito sa baba." pagsusngit ng security guard sa harap ko.

Isa pa, gaganti na ako, isip ko.

Pagkapasok namin sa loob, lalong nagdagsaan ang mga tao para mauna sa escalator na hindi naman umaandar.

Hinayaan ko na lang na itulak ako ng mga tao dahil sa sobrang sikip ng lugar hanggang sa may isang taong nagtulak sa akin na muntik ng ikahulog ng bag ko.

Si Kuyang mananapak.

Namumuro ka na ah! sabi ko.

Sinubukan ko siyang ipitin sa pagpasok para makaakyat ng escalator hanggang sa naapakan ko na siya. Ang maputi niyang sapatos nagkaroon ng putik dahil sa ginawa ko pero hindi niya napansin.

Sinubukan ko namang itulak siya hanggang sa mabangga siya sa gilid ng escalator at ng humarap siya sa akin, tinuro ko lang ang mga tao sa likod.

Naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya kahit halata sa kanya ang inis, wala siyang magawa.

Hindi pa ako nakuntento kaya habang umaakyat kami sa escalator, naitulak ko siya paakyat dahil bigla siyang huminto sa harap ko.

Ipinakita ko ang pagkairita sa kabagalan niya kaya bigla siyang nagmadali paakyat hanggang sa hindi ko na siya nakita sa station.

Minsan talaga, hindi pwedeng manahimik ka na lang lage kapag sumosobra na.
Friday, November 14, 2008 9 comments

"Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Magwithdraw muna ikaw para may pamasahe ka sa work." sabi ni M sa akin.

Sinamahan niya ako sa sakayan ng FX papuntang office dahil dadaan di pala siya ng office nila para tapusin ang mga natitirang trabaho niya.

"O sige." sagot ko at pumunta na sa ATM ng BPI.

Pagkatapos magwithdraw, pumunta na kami sa sakayan ng FX. Nahalata niya ata na naiinitan ako kaya nilabas niya ang dalang payong.

"Ang lapit na lang natin. Bakit nilabas mo pa yan?" tanong ko.

"Siyempre para hindi tayo mainitan." sagot niya habang nakangiti. "Oh ayan. May bagong ibloblog ka na."

"Hala! Talagang nagbigay ng dahilan para magblog? Hehe. Buti naman pala binabasa mo blog ko." sabi ko sa kanya.

"Oo naman."

"Hmm.. eh di tuwang tuwa ka dahil kinikilig sila sa ginagawa mo?" nakangiti kong sagot.

"Hindi naman yung reaksyon nila ung kinakatuwaan ko. Natutuwa ako kasi yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko, napapansin mo. Naappreciate mo yung mga un kaya kinikilig ako tuwing binabasa ko blog mo." sabi niya na parang nahihiya pa.

Napangiti naman ako dun. Hindi ko na alam paano sumagot dun.

"Eh siyempre kasi natutuwa ako sa mga ginagawa mo kaya nasheshare ko din sa blog ko." sabi ko na lang.

Dumating kami sa sakayan at hindi siya umalis ng pila hanggat hindi ako nakakasakay. May 'I Love You' pang pabulong mula sa kanya nung nasa loob na ako ng FX at paalis na siya.

Parang nairita pa ung lalaking nasa tapat ko nung nabasa niya sa labi ko ang "I love you, too.'

Inggit ka lang, gusto kong sabihin sa kanya, sabay ngiti.


11.14.08.
Happy Monthsary, M!
Thank you for all the reasons why I love you.

Wednesday, November 12, 2008 7 comments

Paikut-ikot

"Eastwood, ho?" tanong ko sa driver ng taxi pagdating ko sa dulo ng pila.

Hindi ko agad naintindihan ang sagot nia dahil parang umiling na tumango. Pero tumingin uli siya sa akin at parang naghihintay na sumakay ako.

Sumakay ako. Kinabit ang seatbelt at nagpaubaya sa taong nasa likod ng manibela.

"Saan ang daan natin?" tanong niya.

Mukhang nasa 30 pataas na siya. Hindi pa gaanong halata ang edad kung hindi mo makikita ang ilan-ilang puting buhok sa ulo niya.

"Kayo ho ang bahala. Kung saan mas mabilis." sagot ko dahil hindi ko kabisado ang pasikut-sikot. Mukha namang mabait si Kuya kaya pinagkatiwalaan ko na.

"Pa-garahe na sana ako eh. Kaya nagulat ako nung sinabi mong dun tayo pupunta. Nahirapan ka maghanap ng sasakyan no?" tanong nia habang nas biyahe kami.

"Oo nga ho, eh. Medyo mahirap din kasi talaga kapag ganitong oras. Iilan na lang naaabutan ko." sagot ko habang tumitingin tingin sa dinadaanan namin.

Hindi na ako pamilyar sa dinadaanan namin kaya kinakabahan na ako. Kapag nasanay ka kasi, mahirap ng magbago ng paraan. Pero hindi ako nagsalita dahil mahahalata yun ni Kuya kung sakaling may balak man siyang mangholdup o gusto niya lang ubusin ang laman ng wallet ko.

Nagtuloy-tuloy pa din kami sa pag-uusap. Umabot sa pamilya niya at napagkamalan pa akong estudyante. Nagtuloy-tuloy pa din ako sa pag-aalala dahil lumalayo na yata kami.

Hanggang sa umabot kami sa isang pamilyar na lugar. Dun na ako nagreact at nagpadaan kay Kuya bago pa man makaisip na kung saan saan niya ako paikut-ikutin.

"Dyan na ho tayo sa kaliwa." pilit kong sinabi para isipin niyang alam ko ang daan.

Sinunod naman niya hanggang sa nakarating ako sa pupuntahan ko.

P250 ang nakuha niya sa akin na kadalasan P150 lang.

Nadaya ako. Nautakan.

Pero anong pang magagawa ko, tapos na.

Bakit nga ganoon, nagbigay ka ng tiwala na hindi ka ipapahamak pero darating ang araw na marerealize mong pinaikut-ikot ka lang pala hanggang sa mapagod ka at magdesisyon na para sa sarili?
Thursday, November 6, 2008 9 comments

Lokohan

"D nko makakapunta. Late na kasi eh." txt ko sa kanya habang nanunuod ako ng sine kasama ni Ate.

"Ha? Cge na. Kahit saglit lang. Gusto ko lang lumabas ngayon. Ala ako kasama e." reply nia.

Ilang buwan na din mula nung naghiwalay kami ng ex ko. Ilang araw na din akong umiiyak dahil sa mga kalokohang ginawa niya.

Dahil sa kati, pumayag akong makipagkita pagkatapos naming maglakwatsa ni Ate.

"Alam mo na yang ginagawa mo. Matanda ka na." sabi ni Ate ng may pag-aalala dahil alam niya ang pinagdadaanan ko.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. Oo, alam ko, naisip ko. Pero hindi ako sigurado.

Siguro naghahanap lang ako ng pang-divert ng attention ko dahil sa mga nangyari sa buhay ko noon kaya pumayag ako.

Nagkita kami.

Nangyari na ang dapat mangyari. Wala din akong napala. Ex ko din ang hinahanap ko noon kahit na masakit ang paghihiwalay namin.

Habang nagpapahinga, napagkwentuhan namin ang buhay ng isa't isa; ang pamilya at ang trabaho. Hanggang sa umabot kami sa relasyon.

"Atleast single tayo pareho. Walang problema." nasagot ko sa isa niyang nakwento.

"Hindi ako single. Nasa States siya hanggang next month. Work-related daw." sagot nia na parang walang nangyari sa amin.

Natulala ako sa sinabi niya.

Nakwento ko ng pahapyaw ang katatapos ko lang na relasyon.

Natahimik kami pareho.

Nagdecide ng umuwe para matapos na ang lokohan. Pero hindi ako makauwe sa bahay. Nung napadaan ang sinasakyan kong bus sa Jollibee, nagdecide akong magpalipas ng oras.

3AM. Nasa Jollibee ako mag-isang umiiyak. Pinipilit na hindi makita ng mga crew ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakalungkot na somewhere sa States, may isang walang kamuang-muang na lalaki ang niloloko na pala. At ang mas nakakalungkot, wala akong kaalam-alam na kasabwat pala ako sa panloloko.

Ang niloko, hindi alam na nanloloko din pala.
Tuesday, November 4, 2008 0 comments

Halloween Costume

"Sayang ung prize. Sige na, karirin na natin!" sabi ng officemate kong si MJ noong nagpplano kami ng susuoting costume para sa Halloween Party namin.

"Sige! Kaninong mukha naman ang bababuyin natin?" sagot ko.

"Oo nga. Kanino?" sagot ni S.

"Yung sa'yo na lang kaya?" biro ko kay S sabay tawa. "Tapos gagawin ka naming Anne Curtis sa Dyosa..."

"Hahaha wag ganun!"

"Sige na. Ayaw mo nun? Sige ikaw ung sa lupa. Kalahating kabayo, kalahating tao. Kaso ung ulo mo ung kabayo." tuloy ko habang pinipigilan kong tumawa.

"Hahaha ampanget naman nun!" sagot ni S habang tawa lang ng tawa si MJ.

"O sige. Ung sa tubig na lang. Kalahating tao, kalahating isda. Pero isda ung ulo mo tapos may paa ka!" sabay tawa ko uli.

Wala kaming magawa ng hapong iyon dahil galing kami ng bangko pagkatapos maglunch sa KFC.

Ang ending, nagmaskara na lang kami dahil wala ng time mangarir pa ng costume bukod kay MJ na nagsuot ng garbage bag, at ginawa naming babaeng multo na may malaking boobs.






Related Posts with Thumbnails
 
;