Tuesday, December 29, 2009 5 comments

Time After Time

"Mag one-for-the-road tayo. Gusto mo?" tanong ng kaibigan ko.

"Iinom tayo bago magpasko? Haha hindi kaya magsaksakan tayo niyan dahil malungkot tayong dalawa ngayong pasko?" biro kong sagot.

Natawa na lang siya. At nagdecide na kaming uminom bago umuwe.

Umorder ng cocktail, dahil P40 lang tuwing happy hour nila. At nagsimula na ang kwentuhan. Hapon na rin kasi at madami na ang umuuwe dahil magbabakasyon na. Pasko na din ilang araw na lang.

Ganito na din ang nakagawian naming magkakaibigan tuwing matatapos ang buong linggo. Pero ngayon dalawa lang kami dahil busy ang iba. Sa labas kami naupo dahil mas masaya tumingin ng mga taong dumadaan. At may live band pa sa kabilang restaurant kaya sulit na rin ang P40 kahit makarami pa.

Biglang hindi masyadong masaya ang pinatugtog kaya nagkatawanan na lang kami.

"Lying in my bed I hear the clock tick,
and think of you
caught up in circles confusion--
is nothing new..."


Time After Time. Si Cyndi Lauper ata yung original nun.

"Maghahanap na ba ako ng kutsilyo? Haha" biro ko.

"Ngayong pait-paitan pa talaga tayo itutugtog yan?" sagot niya.

Natawa na lang ako. Yung ibang close friends namin kasi may mga bahay na sa Katamisan Village. Kaya kilig-kiligan sila lage na ikinakaumay namin madalas. Kinaiinggitan, actually. Minsan lang naman. hehe

"...Flashback, warm nights,
almost left behind
suitcases of memories,
time after ... "


Iilang buwan na rin kasi ang nakalipas mula nung naghiwalay kami ni M. Ilang buwan na din ang nakalipas nung nilisan na rin niya kaming mga kaibigan at pamilya niya.

"Huwag mo akong kakalimutan ah?" paalala pa ni M noon bago kami maghiwalay.

"Ano ka ba? Hindi naman pwede yun." sagot ko habang umiiyak.

"Eh kasi katulad nung iba mong nakasama, magalit ka din at kalimutan sila."

"Hindi yun mangyayari dahil una, iisa ang grupo ng mga kaibigan natin. Lage kong nakakakwentuhan yung iba na malapit din sa'yo. Kaya hindi pwede ung sinasabi mo." sagot ko habang inaalala yung mga masasayang nangyari sa amin.


"...sometimes you picture me--
I'm walking too far ahead
you're calling to me, I can't hear
what you've said--
Then you say--go slow--
I fall behind--
the second hand unwinds..."


Nakalipas din ang ilang buwan mula noon, nakapagkwentuhan pa tayo. Nakwento pa ang mga bago nating mga nakilala. Idinaan pa sa mga biro. Atleast mas ok na ako noon, nasabi ko sa sarili ko. Hindi katulad ng dati na ilang buwan pa.

"Andito pa din naman ako para sa'yo kung magkaproblema ka." sabi niya. "Pwede ka pang makadalaw anytime. Namimiss na din kita kakwentuhan."

"Oo naman. Andito din naman ako for you anytime. Dalaw ako dyan kapag may time."


"...if you're lost you can look--and you will find me
time after time
if you fall I will catch you--I'll be waiting
time after time..."


"Pareho pala tayo ng sitwasyon ngayon. hehe" nasabi mo. "Ayos lang yan. Meron pa namang iba para sa'tin." sabi mo sa akin noon. "Basta you deserve more, lage mo isipin yan."

"We both deserve what we want." sagot ko.

"Naman. Babantayan kita lage para hindi ka masaktan." sabi mo.

"Unahan pa tayo maging attached before Christmas. For sure mauuna ka." biro mo pa sa akin.

"...after my picture fades and darkness has
turned to gray
watching through windows--you're wondering
if I'm OK
secrets stolen from deep inside
the drum beats out of time...
"

Kaso nawala ka na. Hindi naman iyon maiiwasan. Naalala ko lang ung kwentuhan natin madalas. Yung biruan natin na pupunta pa tayo kung saan-saan.

Sunod-sunod na rin ang mga masasaya at malulungkot na nangyari. Atleast ngayon kahit papaano, lahat nakakamove-on na.

'Paano ba yan, single pa din ako.' naisip ko habang naiisip kita.

"...if you're lost...

you said go slow--
I fall behind
the second hand unwinds..."


Napangiti na lang ako.

Kaya ayoko ng mga ganitong kanta, napapaisip ako ng malalalim.

"...if you're lost...
...time after time
time after time
..."

Kapag nawawala ka noon, andito ako. Pero ngayong ako naman ang nawawala, kanino na ako tatakbo?
Monday, December 21, 2009 3 comments

Naimagine ko si Angelina

Nasa mall ako nung isang araw para mamili ng mga panregalo sa mga tao sa bahay. Naging tradisyon na kasi sa amin na magbigayan ng regalo kahit sa amin lang. Dumarating kasi ang mga kamag-anak namin tuwing pasko pero dahil hindi masyadong masaya ang bank account ko taun-taon, dahil na rin sa December ang birthday ko, tatay ko at nanay ko, sa mga kapatid at magulang lang ako nagreregalo.

Ilang oras na din ako nagpaikut-ikot noon kaya nagdecide akong tumambay sa isang coffee shop para magpahinga saglit. May mga nabili na rin ako at ung sa nanay ko na lang ang hahanapin ko.

Pagkakuha ko ng inumin ko, naupo na ako sa isang tabi at kumuha ng magazine para magpalipas oras.

"Mommy, akin na yung gift ko." sabi ng isang batang babae sa katabing table na kadarating lang.

"Saglit lang, Yuyi. Paupuin mo muna ako." sagot ng nanay niyang may dalang kape at shopping bags na paupo pa lang.

"Okay, po. Dali, Mommy. Gusto ko na makita."

"O, eto. 'Wag mo muna sirain sa plastic ah? Babalot pa natin yan. O gusto mo 'wag na?" tanong ng nanay niya.

"Eehh. Ibabalot pa natin 'to. Para madami akong gifts na bubuksan." sabi ng bata.

Naimagine ko si Angelina (a.k.a. Michael V.) sa hitsura ng bata. Nakapigtails na nakatirintas. Backpack na Barbie, jumper shorts na maong at pink na rubber shoes. Chubby na maputi. Tipo ng batang masarap kulitin dahil may pagkaspoiled pero mukha namang mabait.

Nakakatuwa na ang babaw ng kaligayahan ng mga bata. Simpleng laruan lang masaya na sila.

Naalala ko nung bata ako, kahit alam ko na ang ireregalo sa akin, ipinapabalot ko pa din. 
Walang tatalo sa feeling na may binubuksang regalo. Maliit man o malaki.
Sana lahat ng tao katulad ng batang yun somehow. Madaling pasayahin. Sa dami ng mga problema ng mga tao ngayon, sana sa isang munting regalo lang, madali na silang mapasaya.
Saturday, December 12, 2009 0 comments

Wonderland in 2010

One of my favorite actors of all time, Johnny Depp, in Alice in Wonderland as the Mad Hatter. Wee!! can't wait to see this one March 2010. :)


video
Friday, December 11, 2009 1 comments

Outlet Sale too late!

I just checked my mail today. And got this:


I won in the BPI Big Holiday Outlet Sale Complimentary Pass Contest by blogger, CouchWasabi. I won 2 tickets for the event. See my name at No. 7 in the list above.

Awesome, right?

Date Mail was received: December 2, 2009.

Date of Event: December 4-6, 2009.

Date Mail was read: December 11, 2009

Damn!


-Thanks to CouchWasabi! More power! :)

Monday, December 7, 2009 5 comments

"Dura pa uli. Dali!"

Minsan ako na mismo ung nahihiya para sa mga taong mukhang walang ganun. Lalo na kung may mga ginagawa sila in public na sana itinatago na lang sa bahay or kahit sa CR man lang.

Maaga masyado ako nagigising kasi mahirap na malate lalo na malayo pa ang pangagalingan ko. Iidlip saglit sa FX dahil may 30mins din ang biyahe papunta sa MRT North Ave Station.

Pagdating ko sa MRT, minadali ko na lang maglakad dahil mahaba ang pila papasok. Sa dami ng tao, kapag hindi ako nagmadali, late akong makakapasok sa office.

Buti na lang medyo maaga pa kaya mabilis akong nakaakyat para makasakay ng tren. Hindi ako nakapasok sa tren na nagpupuno ng pasahero kaya nagdesisyon na akong sa susunod na lang.

Sa dami ng tao kailangan pang makipagsisikan para makaupo sa loob ng tren.

Habang naghihintay dumating ang susunod na tren, biglang may lalaki sa harap kong dumura papunta sa riles na tren. Siguro sanay na ang mga tao sa ganung ugali kaya hindi na nila napansin.

Pero nakakadiri pa din lalo na kung sa harap ng madaming tao mo gagawin un.

Akala ko ako lang nakapansin sa ginawa ni Kuya. Pati pala si Manong Guard napansin mula sa malayo habang naghahawi siya ng mga tao para hindi mahulog sa riles na tren.

Action 'to. Go, Manong! isip ko.

Lumapit si Manong na nakatingin kay Kuya. Napaatras ng konti si Kuya dahil akala siguro dadaan lang sa linya namin. Nagtaka siya dahil huminto sa gilid niya.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga kasabay mo dito? Parang CR mo lang ung riles ah?" bungad ni Manong Guard.

Napalingon lahat sa kanya. Namula si Kuya sa hiya. Parang gusto na niyang tumalon sa riles para di na siya tingnan ng mga tao.

"Wala ba kayong banyo at dyan kayo sa riles dumudura?" tanong pa ni Manong.

Hindi pa din nakapagsalita si Kuya. Pinagdadasal na siguro nitong mahagip ng tren si Guard kaya nananahimik na lang siya.

Swerte ni Kuya dahil paparating na ang tren kaya bumalik na sa likod si Manong Guard.

"Dura pa uli. Dali!" asar ng isa pang pasahero sa likod ko.

Napangiti na lang ako. Kasi naman si Kuya, ginagawang banyo ung riles ng tren.
Thursday, November 26, 2009 4 comments

Life has to go on, sabi nila.

Katulad ng ibang mga araw, maaga akong nagising dahil sigurado akong malelate nanaman ako sa opisina kapag nagpakabagal bagal pa ako. Minsan kasi kinakatamaran ko na ang pumasok ng maaga dahil nga wala namang bago. Ilang taon na din ako sa trabaho ko kaya wala na ang dating sipag at excitement na naiisip ko noon. Medyo isa na din ako sa mga walang hiya na sa office at hindi na gaanong nahihiya kapag nalelate. (Pero minsan lang naman ako malate.)

Buti na lang ng dumating ako ng Makati, medyo maaga pa kaya naisip kong lakarin na lang ang kahabaan ng Ayala papuntang office. Ilang buildings lang naman ang lalakarin ko.

Namamangha pa din ako sa twing nakikita ko sa malayo ang hilera ng buildings sa Ayala. Nakakatuwang isipin na noon pinapangarap kong magtrabaho sa Ayala. Sabi ko pa na kahit anong trabaho lang basta sa Ayala. Buti na lang, natupad siya. Minsan lang talaga nakakalimutan kong magpasalamat sa lahat ng biyaya na nakukuha ko. Pero hindi ngayon.

Ilang tao na din ang nakasabay ko rito maglakad. Ilang bahagi na din ng buhay ang pinagdaanan ko dito sa Ayala. Pero isa doon ang hindi ko malilimutan.

Sakto.

Nakasalubong ko ang isang iyon.

Si X.

Mahigit dalawang taon na din ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ng makita ko uli siya. Walang ipinagbago. Kaya pa ring pangitiin ang puso ko, sa kabila ng lahat.

"I'm sorry." sabi niya sa akin noon habang pareho kaming naluluha.

"Ako din." sagot ko. Pero hindi ko alam bakit ako nagso-sorry.

"Hindi ko sinasadya. Siguro umabot na ako sa dulo. Hindi ko din alam kung bakit. Wala naman ang problema sa'yo. Nasa akin."

Nasaktan ako. Dahil kahit hindi ko alam kung bakit, kailangan ko siyang pakawalan. Ang mas masakit pa, alam kong may dahilan pero ayaw niyang sabihin kung ano.

Para akong niligaw na pusa. Hindi ko alam kung bakit, hanggang sa hindi ko na siya makita uli.

Gusto ko pa sanang tanungin kung wala na ba talagang pag-asa.

"'Wag mo akong kakalimutan ah?" pagputol niya sa katahimikan namin.

Kaya hindi ko na tinuloy na sabihin pa.

"Hindi kita gusto paghintayin. Mahal kita pero kailangan muna nating maghiwalay. Sana pagkatapos ng lahat ng 'to, kung nariyan ka pa, subukan uli natin." dagdag pa niya.

Pero alam kong blanko na ang mga sinasabi niya.

"Oo." nasagot ko. Wala na akong ibang iniisip. Dinaan ko na lang sa iyak.

"Nandito pa naman ako. Hindi ako lalayo hangga't gusto mo."

Hindi nga pero kailangan, naisip ko.

"Oo naman. Ganun din ako." sabi ko. Inisip ko na lang na kung ito ang gusto niya, papayag na din ako. Naramdaman ko na din naman na dito din kami aabot. Hindi ko lang naisip na ganito kabilis.

Iyon ang isa sa mga hindi ko malilimutang araw. Nakapulang shirt ako. Siya nakaputi. Sa bahay niya. Suot ang hiniram kong tsinelas niya at siya galing opisina.

Mahigit dalawang taon na din. Pero bukod sa kanya, hindi na ako nakahanap ng mas ok pa. Masama dahil ikinukumpara ko siya sa mga taong dadaan sa buhay ko, pero hindi ko maiwasan. Lalo na kung nasa kanya na lahat ng hinahanap ko. Hanggang ngayon.

Hanggang sa ngayon na nagkita uli kami. Dito na rin siguro siya nagtatrabaho.

Nakita niya ako. Medyo malayo pa lang. Naglalakad papalapit sa kanya.

Nagkatinginan kami. Sandaling tumigil ang Makati.

At napangiti ako sa kanya habang papalapit ako sa kanya.

Kumusta na? sabi ng ngiti ko.

Okay din naman ako, sagot ng kanya.

Nagkasalubong kami at dumerecho na sa paglalakad papunta sa kanya kanyang opisina.

Napangiti na lang ako sa nangyari.

Noon, kulang ang oras tuwing magkwentuhan kami. Lagi pang may part two kapag nagkekwentuhan kami.

Ngayon, ngiti na lang.

Minsan talaga kakaiba ang buhay. Isang araw iisipin mong hindi mo kakayanin mabuhay kapag nawala ang isa sa mga mahal mo, hanggang sa marealize mong dalawang taon na pala ang nakalipas mula nung naghiwalay kayo.

Natututunan mong tanggapin ang masasakit na bagay. At natututunan mong maging mas matatag na harapin ang mga darating pa.

Life has to go on, sabi nila.

Totoo.

Ang mahirap lang talaga, ang sabihin na 'Life has to go on,' habang nasasaktan ka pa.
Thursday, November 19, 2009 2 comments

Tsk. Shalala at Ragamuffin talaga?

Pauwe pa lang ako from work. Uminom kami saglit sa may Greenbelt sa Makati at nagdinner din malapit doon. Napagtripan lang tutal nakaleave ako ng ilang araw. Pareho pa kaming walang gana umuwe kaya naisipan namin ng kaibigan kong mag ikot ikot muna.

Pagkatapos naming kumain, nagdecide na kaming umuwe na dahil late na din. May pasok pa siya bukas.

Naghiwalay kami sa may ibaba ng Ayala Station dahil ako sasakay ng tren habang siya sa may FX Terminal malapit doon.

Sa haba ng pila muntik na akong magdecide magbus na lang para matulog sa byahe dahil sa sobrang pagod at kabusugan ko. Buti na lang mabilis ang pagpapapasok ng mga tao sa station kaya nakapasok na ako at nakapaghintay ng tren ng hindi masyadong matagal.

Pagkarating ng tren, handa na akong makipagbanggaan sa mga pasahero dahil madami kaming nag aabang. Nasanay na din kasi ako sa byaheng MRT at LRT. Kung hindi ka handang makipagtulakan at makipagsiksikan, huwag ka na lang sumakay dahil maiinis ka lang.

Buti na lang pagdating ng Boni Station, bumaba na ung nasa harap ko. Wala namang matanda o buntis sa area ko kaya naupo na ako. Medyo maliit yung naupuan ko pero mas ok na kesa nakatayo ako mula Boni hanggang North Ave.

Hindi ko napansing napapikit pala ako. Siguro dala ng pagod from gym at work tapos nagdinner na parang kakatayin na bukas, kaya naman hindi nacontrol ang pagpikit ng mata.

Biglang may tumugtog ng "My heart goes Shalala.... shalala in the morning..."

Pagdilat ko nasa stage na daw ako at may mga kasamang dancers. Biglang sumasayaw na din ako ng Shalala. Hindi pa natapos dun ang kaweirduhan. Biglang may transition to Ragamuffin Girl naman. Walang pakialam mga tao basta sumasayaw lang sila sa stage. Sabay sabay pa!

Biglang may tumama sa gilid ko kaya nagising ako sa katotohanan. Natulala na lang ako nung narealize kong sa dinami dami ng pwede kong mapanaginipan, sumasayaw pa ako sa Shalala at Ragamuffin Girl.

Hala.

Naconscious ako bigla sa paligid ko. Humihilik ba ako habang nananaginip ng Shalala? Umiindak din ba ako habang gumigiling sa Ragamuffin Girl?

Tsk. Shalala at Ragamuffin talaga?
Friday, October 16, 2009 4 comments

Tsk, si Ate. Walang warning!

Nasa elevator ako nung isang araw papuntang office galing sa gym. Buti na lang sabay sabay nagbukas sa ground floor ung mga elevators kaya kahti madaming tao, hindi nagkasabay sabay sa mga pag akyat. Pinakadulo pa namana ako kaya mas maganda kung kakaunti ang sumakay.

Iilan lang kami sa loob. 5. Apat na lalaki at isang babae. 3 Instik, Ako at si Ate.

Si Ate na walang tigil sa kakaenglish niya. Mga instik kasi mga kasabay niya. Naka ternong skirt at jacket at 3 inch heels. Concerned ako sa binti niya. Lumalabas na ang ugat.

Nakakaawa na siya dahil mukhang malapit na mag expire ang english niya. Any minute bigla na lang magshutdown 'tong si Ate.

Inip na inip na ako dahil ang tagal ng elevator. Medyo mabigat pa naman ang dala ko kaya hindi na ako makapaghintay makapasok sa office. Sabay sabay pala kaming bababa sa dulo.

Wala man lang warning si Ate na mauubos na pala ang english niya.

Bigla niyang nasabi sa mga kasama niya..

"Look at my legs, oh," sabay taas ng kaunti sa palda niya. "What do you think?"

Hindi ko alam kung ilang floors pa ang itinaas ng kilay ko nung narinig ko yun.

"Be honest. Tell her the truth." sagot nung isang intsik na 5 minutes ata bago ko naintindihan ang sinasabi.

Nabulol ang mga kasama niya. Nagulat din ata.

"Uhhmm.. it's ok." Yung na lang ang nasagot nung isa.

Hanggang sa natawa si Ate. Ninenerbyos na tawa.

Buti na lang nagbukas na ang elevator kundi maririnig niya ang lakas ng tawa ko na kanina ko pa pinipigilan.

Tsk, si Ate. Walang warning!
Tuesday, October 13, 2009 2 comments

"Oo nga. Tsaka ibibili pa kita ng madaming medyas."

"Kakalimutan mo ba ako?" tanong niya habang naglalakad kami pasakay ng MRT.

"Pa'no ko naman un gagawin kung alam kong ikaw na ang hinihintay ko? Kaso hindi pa pwede." sagot ko.

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita."

Habang lahat nagmamadali maglakad ng MRT, ako gusto kong tumigil muna ang oras. Kung hindi man, patagalin ang oras. Kaso hindi pwede.

"Mag iingat ka ah? Tandaan mo lage na mahal kita." sabi niya.

"Oo naman. Tandaan mo din ang huling request ko sa'yo." sabi ko. "Tuwing maaalala mo ako, isipin mong mahal kita."

"Hindi ko kayang umuwe."

Ako rin.., naisip ko.

"Kahit hindi, kailangan."

Paakyat na kami sa MRT. Tahimik. Naubos na ang laman ng stored value ko kaya kailangan ko pang pumila para makabili uli ng ticket.

"Ayos lang yan. Mas matagal kitang makakasama." sabi niya.

Tinakot niya pa ako habang nasa pila ako. "Kapag nagkaroon ka ng malaking pimple, kasing laki ng pisngi mo, ako un." sabay ngiti niya.

"Subukan mo lang talaga. Ikaw ang unang tatawagan ko para putukin un." natatawa kong sagot. "Nakakadiri naman mga nasa isip mo."

Pagkarating namin sa loob ng tren, nakaupo kami agad.

"Hindi kita iiwan. Wag mo iisipin na iiwan kita."

"Hindi ko naman iniisip un. Alam ko kasi kung hanggang saan lang tayo. Tinanggap ko yun ng maluwag from the beginning."

"Gusto ko lang ayusin ang buhay ko bago ako magsimula uli na kasama kita."

At nagsimula ng umandar ang tren.

"Oo naman. Marami pa tayong mga gagawin sa susunod na magkita tayo." napangiti kong sinabi sa kanya.

"Oo naman. Magtour pa tayo sa HK."

"Oo nga. Tsaka ibibili pa kita ng madaming medyas."

Napangiti siya. Lagi ko kasi inaasar ung medyas niyang manipis at madaling masira."

"Oo, kaso paano na ung mga chocolates mo? Hindi na kita maibibili." natutulala siya pagkasabi niya.

Mamimiss ko yon. Mamimiss kita.. naisip ko.

"E di habang nagpapapayat ako, isipin mong pagbalik mo, mapapataba mo na uli ako." sagot ko at ako naman ang natulala.

Hindi kita makakalimutan.. Mahirap pero kailangang maging matatag para sa ating dalawa.

Natutulala kaming pareho. Nag-iisip. Nalulungkot sa huling saglit na magkasama kami.

"Mag-out-of-town pa tayo diba?" tanong niya.

"Oo naman. Pagbalik mo, mag-iikot tayo."

Madami pa tayong planong kailangang tuparin. Madami pa tayong mga gagawing magkasama.

Hindi ko napansing malapit ka na pala bumaba. Ilang station na lang.

"Hindi ko kaya." naluluha niyang sinabi sa akin.

Ako rin. Sana may magawa ako para malagpasan ang problemang to.

"Kailangan mong umuwe. Kailangan mong pumasok sa office. Pasayahin ang mga kasama mo. Kulitin ang mga kaibigan mo."

"Paano ka?"

"I'll be fine. Ang iniisip ko, naging masaya ako kasama ka. Wala akong pinagsisihan. Wala akong gustong balikan at baguhin."

At ako naman ang naluluha. Pero kailangang maging matatag para sa aming dalawa.

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita."

"Babalikan kita."

Napangiti lang ako.

"Hihintayin kita."

At kailangan na niyang bumaba. Kailangan ng ituloy ang buhay.

"Ayoko pa bumaba." naluluha niyang sabi.

Huwag ka na bumaba. Sumama ka na lang sa akin..

"Mamimiss kita." at pinwersa kong ngumiti.

Saka siya dahan-dahang tumayo at naglakad palabas ng tren. Nakasunod ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko alam kung kailan ko uli siya makikita. Kailangan kong kayanin. Para sa akin, para sa amin.

Naabutan niya akong nakatingin sa kanya pagkalingon niya.

"I love you." naibulong ko sa kanya. Nakatayo sa labas.

"I love you, too." nabasa ko sa bibig niya bago pa tuluyang umandar ang tren paalis ng station.

Doon ko narealize na sa tren din pala kami nagkakilala. Ilang station din kaming nagkasama. Ilang byahe ko din siya nakasabay.

Kung pwede lang sana maabutan ang tren na lagi niyang sasakyan, gagawin ko. Kung pwede lang sanang makasama ko pa siya ng mas matagal. Pero hindi ganoon ang buhay. Kailangang bumangon tuwing nadadapa.

At katulad ng buhay, hindi ito titigil dahil sa nahihirapan ka. Kailangang matutunang ipagpatuloy ang buhay sa kabila nito.
Sunday, October 4, 2009 7 comments

Goodbye, Matt...


video


Goodbye, Matt...
Your family and friends will miss you.


Minsan magkakataon na mapupuno agad ang jeep na sinasakyan ko. Buti na lang maaga ako nakasakay, naiisip ko madalas. Madalas, hindi ko namamalayan ang mga kasabay ko, may iba’t ibang pagkatao; may iba’t ibang kwento sa buhay. Na kapag hindi mo pinansin, palilipasin mo ang magandang pagkakataon para makilala ang isa sa mga taong magbabago ng buhay mo.

Nakilala ko si Matt noong August 2008. Pinakilala siya sa akin ng isa kong kaibigan, sa isang event sa Makati. At mula noon, naging mabuting magkaibigan na kami. Kahit pa minsan dinadaan niya ako sa asar dahil malaki daw tiyan ko kakakain.

Nakilala ko din ang ilan niya pang mga kaibigan at katrabaho. Doon ko nakilala ko sinu talaga si Matt. Masayahin, pasaway kung minsan, pero mabait sa lahat ng nakapaligid niya. Marunong makitungo sa iba at kayang dalhin ang sarili kahit mag-isa lang siya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nung isang buwan lang, magkasama kami nanunuod ng sine kasama ang Nanay at kapatid niya. Pinipilit niya pa si Abet na ilibre siya. Dinadaan sa biro ang lambing. Dinadaan sa kulit ang pagpaparamdam na importante ka sa kanya. Kaya naman maraming nagmamahal sa kanya.

Dahil sa kanya, napalapit ako lalo kay Chris. Kay Abet. At kay Tita Marie, na nakakasama naming tuwing Linggo.

Hindi ko napapansin na sandali lang pala ang itatagal niya sa byahe. Matagal tagal ko na rin siyang nakasabay kaya inisip kong kahit lumingon ako sa labas ng jeep, nariyan pa din siya. Makikinig, makikipagkwentuhan.

Sa isang taon na naging magkakilala kami, marami na din kaming pinagdaanan. Kahit na noong naging magkaibigan na lang kami. Si Matt ang saksi sa mga problema ko. Na kahit nadadamay ko siya, mahaba ang pasensya niya para intindihin ang pinagdaraanan ko.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang wala na ang taong babati sa akin ng “Hi Jamu. Good Morning!”

Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang wala na ang taong bumibili ng flat tops para sa akin tuwing magkasama kami. Wala na ang taong kasama ko kumain ng tapsilog sa may Magsaysay. Wala na ang taong bumibili ng pandesal tuwing umaga pagkagaling sa trabaho para may kakainin ako bago pumasok sa opisina.

Kung pwede lang patagalin ang oras na kasama kita sa byahe, kaso hindi. Wala sa akin ang kontrol.

Kay Chris na laging nariyan para sa amin ni Matt kahit na naiipit na siya sa gitna minsan, maraming salamat.

Kay Abet na handang tumulong kung kailangan, tutuparin natin ung usapan nating 3 kahit dalawa na lang tayo. Magsasama tayo ng marami para mas masaya.

Sa mga magulang ni Matt, maraming salamat dahil tinangap nio ako at ang gma kaibigan namin ng buo. Masaya ako na nakilala ko si Matt, at nakilala ko kayo.

Sa Itaas na naging dahilan kung bakit nangyari ang lahat. Maraming salamat dahil kahit sandali, ibinahagi nio sa akin, sa amin si Matt.

Matt, madaya ka. Sabi ko wag muna at ako ang mauuna. Dahil sa’yo, mas naintindihan ko ang mga importanteng bagay sa mundo. Dahil sa’yo, nagbago ang buhay ko. Naging mas maayos. Katulad ng pangako natin noon sa isa’t isa, walang kalimutan.

Natutunan kong saglit lang ang itinatagal ng bawat isa. Kailangang maging bukas ang sarili para sa magagandang pagkakataon. At kahit anong pilit na isakay ang mas maraming tao, kailangang may bumaba muna para may makasakay na bago. Bago na kayang baguhin ang buhay mo, katulad ng sinundan niya.


Thursday, October 1, 2009 3 comments

To forever and a day.


Thank you for changing my life, Matt.

To forever and a day.
Rest in peace.

Tuesday, July 28, 2009 3 comments

O? May nakita kang bomba?!

Hindi maganda ang nangyari sa akin noon kaya wala akong gana makipagkwentuhan at makibagay sa mga tao. Si B kasi, pinaghintay ako tapos biglang magbabago ng isip. Buong araw ako sinabihan na sasamahan ako, biglang 5 minutes bago ang usapan namin, biglang hindi na lang daw.

Eh 'di sana sinabihan ako ng maaga diba? Pinostpone ko pa yung lakad ko dapat, naisip ko.

Kaya nagmadali akong nagligpit ng gamit at inayos ang computer ko para makaalis na ako ng office agad.

Paglabas ng building ng office, nagmadali na ako maglakad dahil mahirap na maghanap ng masasakyang bus o FX ng mga oras na yun. Malayo pa naman ang lalakarin ko kaya nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad.

Pauwe nko, B. Ingat kaw. text ko. At hindi na ako naghintay pa ng sagot. Alam kong alam na niya ang hidden message ko sa sinend ko.

Pagkarating sa may RCBC, tumawid agad ako para makapunta sa kabilang side ng street. Nag abang ng masasakyan papuntang Taft. Buti na lang FX ang naabutan ko, atleast makakaupo ako ng maayos.

Masama pa ang nakatabi ko dahil maingay na babae. Masakit pa naman sa tenga kapag naiinis ka na tapos may talak pa ng talak sa gilid mo. Talambuhay ata nia at ng kapitbahay niya yung kinukwento niya. Buti na lang wala akong dalang matigas na bagay, kundi naipasak ko na sa bibig niya.

Nung makarating sa may Gil Puyat station, bumaba na lahat ng pasahero dahil hanggang dun na lang ang byahe. Nilakad ko na papunta sa LRT station. Nagmamadali dahil siguradong box office nanaman sa pila.

Ang bigat bigat pa din ng loob ko habang naglalakad. Nagcheck ako ng phone at ang pasaway na B, wala pa ding reply.

Namumuro na yun ah. Bahala ka nga. naisip ko. Hindi kita talaga rereplyan hanggang bukas.

Saktong dulo ng pila yung baba ng stairs ang naabutan ko.

Bakit ba ang daming tao dito? Lagi na lang tlga.

Ilang beses ako natulak at naapakan kaya lalo akong naasar sa mga nangyayari.

Pagkarating sa inspection ng bags, ilang guards yung nandun. 3 siguro. At minalas yung inabutan ko dahil nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya ng wala sa oras.

Binuksan ko yung bag ko para makita niya pero naglalakad na ako dahan-dahan papasok dahil tinutulak na ako ng mga nasa likod ko kahit nasa loob pa ng bag ko yung stick niya.

Isa pa yun, anung mapapala ng mga guard kung stick lang gamit nila pangcheck? Panu kung bomba nakita nila? Tutusukin lang nila?

*sigh*

Nakalagpas na ako at natanggal na ni Manong Guard ung stick niya sa bag ko ng biglang pigilan ako tumuloy at hinila yung bag ko uli para tingnan niya. Ipinasok niya uli yung stick niya pero ngayon mas kinalikot yung bag ko na wala namang laman kundi baunan ko at wallet ko. Parang may hinahanap pa siya sa bag ko at pinalapag pa sa mesa.

"O? May nakita kang bomba?!" tanong ko ng may halong pagkairita. "Gusto mo ilabas ko pa laman ng bag ko?!"

Napatigil siya at napatingin sa akin.

"Dali, ilalabas ko mga gamit ko. May lamang hindi maganda diba?"

Napalingon yung ilang pasaherong nakarinig sa akin.

Matagal bago siya nakapagsalita. Kaya pagkakuha niya ng stick niya, sinara ko agad ang bag ko at dumerecho na paakyat sa pila ng ticket.

Buti na lang wala ng gumulo pauwe pagkatapos noon kundi makakatikim sila ng kasungitan ko.
Thursday, July 16, 2009 0 comments

360 muna


Let's support Delia! hehe
Thursday, July 2, 2009 2 comments

Katy and Britney vs B

"Dun na lang tayo sa CPK kumain." desisyon ni B.

Ang layo ng dinayo namin at nagpaikot ikot kami sa Greenhills at nauwe din kami sa unang choice namin kainan.

Wala gaanong kumakain kasi Martes noon tsaka tanghali pa naman.

"Sige ano oorderin mo?" tanong ko sabay abot ng menu sa kanya.

"Magpizza na lang tayo tsaka pasta para hati tayo." suggest niya sa akin.

"Okay sige. Ikaw na pumili ng pizza ako na sa pasta." sagot ko.

Pagkaorder namin, nagkwentuhan na lang muna kami kung anong plano namin gawin buong hapon.

"Mamasyal na lang tayo. Tapos hanap tayo ng abre-late gagamitin mo sa trip mo." kwento ko.

"Sige ba. Tapos nuod tayo sine. Tamang tama. Walang gaanong tao ngaun. hehe" biro niya.

"Hindi naman sine gusto mo panuorin eh." sabay ngiti ko.

"Okay fine. Manunuod lang tayo ng sine. Di mo pwede hawakan kamay ko. Bawal." biro niyang pagalit.

"Hala. Sino kaya yung malikot ang kamay kung san san napupunta? Bigla na lang sisilid sa braso ko at kakapit?" tanong ko.

"Wala. Hmp." sagot niya.

Nginitian ko na lang siya at napangiti siya. Akala ko dahil sa biruan namin, yun pala dahil sa darating na yung pagkain.

Nung sinerve na yung pagkain namin, bigla na akong kumuha ng kaunting pasta ng makita ko siyang mag-sign of the cross. Nahiya ako bigla kaya tumahimik ako.

Napatingin na lang siya sa akin at di na tinanong bakit ako natahimik.

Masarap ang food. Pangalawang beses ko pa lang kumain doon kaya enjoy na enjoy ako. Tahimik pa kaya masaya makipagkwentuhan.

Kahit mahina, maririnig ang background music. Pop. Hot n' Cold ni Katy Perry yung music kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sumabay sa chorus.

"Cause you're hot and you're cold.
You're yes then you're no.
You're in then you're out.."


"B, wag." hirit ni B sa kalagitnaan ng concert ko.

Napatigil ako. "Bakit, B?"

"B, di pwede kumanta habang kumakain. Masama yun." sagot niya sa akin.

"Eh si Katy Perry yan, B. D pwede hindi sumabay. hehe" sagot kong pabiro.

"B.." sabay titig sa akin.

"Ok fine. Sige na nga." sabay kunwaring sad na smiley face at nagpatuloy na akong kumain ng pasta ko hanggang sa natapos ang kanta.

Kaso sumunod ang Circus ni Britney Spears. Pinipigilan ko na talaga kumanta kaya hindi ko na pinansin yung background music. Kaso nung umabot sa second chorus, hindi ko namalayang sumabay na pala ako sa kanta.

"All eyes on me in the center of the ring just like a circus.."

"B.." napatitig uli siya sa akin habang ngumunguya.

Kinagat ko na lang ang labi ko paloob. At saka napangiti.

"Sorry. Si Britney kasi eh. hehe" sabay ngiti.

Natawa na lang siya sa nangyari. Hindi pala uubra ang popstars kay B. Masubukan nga ang ibang singers next time. :)
Saturday, June 20, 2009 5 comments

Katulad ng dati

Naalala ko noong bata pa ako, tuwing papasok ako sa school lagi akong hinahatid ng nanay ko. Dala ang backpack na may Voltron na design at baunan na sigurado akong pinuno ng kanin ni Mama, hawak ko ang kamay niya at iniiwasan kong bumitaw dahil buong araw ko nanaman siya hindi makakasama.

Buong araw na nagsusulat ng mga kung anu-ano. Drawing ng mga hugis ng bahay at mga taong iisa ang hitsura, humaba lang ang buhok para sabihing babae, hindi ko maiwasang mabagot sa school noon at gustuhin ng umuwi. Lagi lang naman akong nakikipagkulitan sa katabi ko. Nagsusulatan kami sa braso ng isa't-isa. Lugi siya dahil ballpen ang gamit ko samantalang lapis lang ang kanya. Talo lang ako madalas kasi nakikita ng teacher namin kapag nagsusumbong siya.

Ang saya ko pa noon kapag may tatak ng star ang likod ng palad ko. Very Good daw. Hindi ko pa narealize noon na dinudumihan lang talaga ako ng teacher namin. Atleast Very Good naman kaya natutuwa si Mama sa akin.

Ang simple ng buhay noon. Assignments lang ang problema. Quiz lang ang dahilan kung bakit ko kailangan iyakan si Mama para hindi ako magreview dahil tinatamad ako. Or dahil gusto kong maglaro ng Mario Bros. sa Family Computer.

Ngayon, may mga trabaho na. May mga kailangan ng bayaran. May mga kailangan ng kumbinsihin na matanda ka na. Lalo pa kung may kinalaman sa puso.

Sana madaling balikan ang kahapon. Magkulay ng mga libro. Makipagtakbuhan sa mga kaklase. makipagkwentuhan tungkol sa Star Wars at kung sino ang mas may astig na tatay.

At sana ngayon, katulad ng dati, may isang sasalubong sa akin pauwe. Nakangiti at hinihintay ang kwento ko sa kung anong nangyari sa araw ko.
Saturday, June 13, 2009 5 comments

B, wag. Lasing ka.

"Paano kung nagsawa ka na sa akin?" tanong ko.

"Eh di gagawa ako ng paraan para di ako magsawa sa'yo. Ganun naman yun dba?" sagot nia.

Sana nga.

"Matulog na tayo. Maaga pa pasok natin bukas. Ipaghahanda pa kita ng almusal." sabay taas ng kilay at kindat sa akin.

"Hindi naman almusal nasa isip mo." sabay tawa ko.

"Siyempre kasama na yun dun. Ikaw pa, as if naman ayaw mo!" sabay kiliti sa tagiliran ko.

Muntik na akong malaglag sa kama dahil sa ginawa niya buti na lang nahawakan niya ung balikat ko.

"Kasi naman." tawa uli siya.

"Dahil dyan, tutulugan na kita." sagot ko sabay ngiti.

Napayakap siya.

"Eehh wag muna. Kwentuhan muna tayo. Pls?" sabay pacute niya. Matagal na niyang sinusubukang gawin yung puppy dog eyes. Mukha lang namang askal.

Cute na askal.

"Ano pagkukwentuhan natin?" tanong ko.

"Uhmm.. Baguio tayo next time. Gusto mo?" tanong niya.

"Baguio? Bakit dun?" sagot ko.

Kahit yakap niya ako, hawak din niya ang kamay ko.

"Wala lang. Parang malayo lang tayo sa mundo natin dito. Atleast walang pakialaman dun kasi di nila tayo kilala." kwento niya na parang nasa Baguio na siya.

Napangiti lang ako sa ideya. Sa mga pinagdadaanan namin, gugustuhin ko nga din yun.

"Sige. Kelan mo gusto?"

"Soon. Pagplanuhin natin yun para walang sagabal." sabay ngiti niya.

Napayakap na din ako sa kanya sabay halik sa noo niya.

"Sa noo talaga? Parang ang tanda na ah." biro niya habang tumatawa.

"O sige sa iba na lang." sagot ko at bigla kong hinalikan ang mata niya.

"Nabulag ako! My eyes! My eyes! B, nabulag na ako. Mamahalin mo pa ba ako kahit bulag na ako? Aalagaan mo ba ako?" pagdadrama niya habang nangangapa kunwari sa kawalan. "B, nasan ka? B, I need you!"

Napataas na lang ang kilay ko sabay tawa. Nakiliti nanaman tuloy ako.

"Ah ganun? Nangingiliti ka ah." hamon ko sabay kiliti sa kanya.

"B, wag. Malakas kiliti ko." pagmamakaawa niya habang tumatawa.

Hindi pa din ako tumigil. Nakakatuwang nakikita siyang tumatawa. Bihira ko lang kasing makita.

"Tama na B. Pls?" sinasabi niya habang tumatawa.

At itinigil ko na. "Mangiliti ka pa ah?" sabay tawa ko.

"Hehe hindi na, B. Di na ulit talaga." sabay kiliti uli sa akin.

"At talagang ayaw mong tigilan."

Nakita ko ang takot sa mata niya. Napatawa na lang ako at tinuloy ang balak ko.

"B, 'wag. Pls? Di na uli. Pls?" habang akmang sisimulan ko na ang paghihiganti ko sa tagiliran niya.

"Hindi. Yan din sabi mo kanina. Wala ka ng magagawa." pananakot ko sabay kapit sa kanya para hindi na makapalag.

Hindi niya napigilang tumawa ng malakas.

Hindi natapos ang kulitan namin hanggang sa napagod kami.

"Pagod na ako. Ayaw ko na. Tama na pls?" hingal niya. At hindi na ako sumagot dahil sa pagod ko.

"Matulog na tayo. Napagod na ako talaga." sabi niya.

Ayaw ko pa.

"Sige na nga. Para makapagpahinga na din tayo. Buong araw tayo nasa labas eh." sagot ko at napayakap na uli ako sa kanya.

"B, wag. Lasing ka. Magkaibigan lang tayo." sagot niya.

Nalito ako. Matagal bago ko naintindihan ang sinabi niya.

"Hindi ako lasshhenng.. Magkaibigan tayo di ba? Okay lang ang yakap." pagkukunwari kong lasing at akmang niyakap ko uli siya.

"B, wag. Ayokong masira ang friendship natin. Nakitulog lang ako dahil tinapos natin ang school project natin." sagot niya habang nilalayo ang braso ko sa bewang niya.

"Anu nga uli ung school project natin?" tanong ko habang naglalasing lasingan at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Science project ng buong group natin. Yung para sa contest." pagkukwento niya at nilayo ang balikat niya sa akin.

"Ah.. anatomy yun diba? Kailangan ko uli magpaturo sa'yo. Hindi ko na kabisado ang parts of the human body eh." sabay ako naman ang napa-hihi.

"B, wag jan. May kiliti ako jan!" sabay tawa.

Kanta talaga?

"Sige na. Yakap lang naman.. Hindi ako lasing. Slight lang." biro ko.

"Hindi B. Lasing ka. Nagulat nga ako dahil dapat uuwe ako. Kaso naglabas ka ng alak. At alam mong tayong dalawa lang rito."

"Oh? Ano naman?" tanong ko sabay usog papalapit sa kanya.

Umusog din siya ng kaunti palayo. "Hindi tayo dapat naglalasing kapag bukas na ang contest. Anong isasagot natin sa mga tanong nila?"

"Ako n'ang bahala dun. Basta yayakapin kita." sagot ko.

"Hindi B. Matulog muna tayo." sabay kindat niya sa akin at bumulong ng, "Eto na ung point na hihintayin mo ako makatulog at saka mo ako gigisingin sa hmm hmm.."

Hmm? Ahh! Nagets ko na.

Hayy.. napangiti na lang ako at bumulong ng "Okay, direk. Got it."

After 7 hours, habang nag aalmusal kami bago pumasok sa mga trabaho namin, napaisip ako.

"Anong oras tayo nakatulog kagabi?" tanong ko.

"Hindi ko napansin. Bakit?"

"Hindi ko din matandaan. Paano nga uli tayo nakatulog?" tanong ko dahil nawala sa isip ko ang mga nangyari.

"Tinulugan mo lang naman ako!" sigaw niya ng pabiro.

At saka bumalik lahat ng nangyari. Napangiti ako habang kumakain.

"Eh kasi naman, sabi mo hintayin kita makatulog. Paano ko malalaman na 'nakatulog' ka na pala?" sagot ko sa biro niya.

"Kahit na. Kakahintay ko sayo, nakatulog na talaga ako."

Natawa na lang kami sa nangyari. At narealize ko, nakangiti akong natulog at nakangiti din pala akong gumising dahil siya ang una kong nakita pagkagising ko.
Friday, May 29, 2009 1 comments

I got Samsung-ed!


Now, I'm smiling like crazy. :)
Thursday, May 28, 2009 6 comments

from another's perspective

I got this as a gift from someone close to my heart. I hope you guys enjoy reading it as much as I did.

-=o0o=-

It was a wet morning... small drops of rains fall down from the sky... I was walking in the middle of busy street of Rufino going to Ayala. Excited to go to our meeting place. I know he’s already there. I dropped by at the convenient store to buy my cigars and then off to Starbucks. Immediately climbed the stairs to second floor and there he was... seating at the couch... in black t-shirt and tight jeans... staring at me as I walked towards him... I smiled; he smiled back...his eyes filled with thousands of emotions I couldn’t tell... and everything around me spun around.

We talked while we hold each others’ hands. We kissed without even cared what other people would care. His soft lips gently touched mine and I felt electricity run through my veins... As he sip his signature hot chocolate, I look at him full of admiration, his innocent face runs in my head like an ink permanently stained in my mind. His eyes keep enticing my attention as we speak.

He gently asked “why are your staring?”...

”nothing” I replied...

he smiled back and pouted his red lips...

I asked “why are you smiling?”...

he just said “nothing..” and I just smiled.

And our wordless conversation went on...

We talked about our lives, our used-to-be’s, our past; trying to connect things that are happening in the present. We talked about our childhood; how people around us molded us and made us who we are right now. And as we speak, we look in each others’ eyes full of affection, bliss and contentment. Every now and then we would have those ‘why-nothing’ talk and we just smiled back to each other. Both contented with the moment we are sharing right now... our silence delivers a thousand words that made our hearts pound uncontrollably with thrill and excitement. We look at each others' eyes and both of us would know. No words, no actions; just our eyes.

Once in a while I look at my watch, hoping the time would stop just for this moment so this would not come to an end. 30 minutes before 9:00am and we’re off to our work, time to split apart.

I asked him to come with me downstairs and I buy my drink. As we go down the stairs, we kissed again. Full of passion; closed eyes. Oh...this is heaven.

“One short cafe misto please...for here...”... we went outside. I lit a cigar and inhaled the smoke down to my lungs and blew it out through my mouth. He was looking at me, I smiled. We looked at the people rushing to cross the streets; people who have deadlines to meet, meetings to catch, and reports to submit. We observe people with their dress, with how they look like, and how they walk. We shared stories. We laughed. Time really stopped. I feel everything around me slowly moves as we talk. I finished my cigar and asked him to go back upstairs. As we were climbing up the stairs...we kissed again; closed eyes...passionately. I was holding his head as we kissed. He wrapped his hands around my waist. I feel secured.

15 minutes left before we separate our ways. I held his hands as we have our last minute talk. I looked at him, he raised his eyebrows and pouted his lips...he asked “why?”.... I said “nothing..”... he smiled... I smiled back... I asked “why?”... he said “nothing..”...and then we laugh...

It’s time to go back to the office and start our day. As we climbed down the stairs of the coffee shop, we kissed again... closed eyes...filled with emotions, hope and passion... both of us wished this moment will never end. But then again its 5 minutes remaining before 9:00 am, I need to go to the office.

I whispered “please take care...” and he said “you too... i’m gonna miss you...” and I smiled... looked at the street and proceed to cross Valero and Rufino towards our building.

I walked with my feet one inch above the ground...smiling... remembering his kisses...his touch...his mesmerizing eyes...his hands... it was another one charmed hour with him. As I placed my bag under my work station, and put my tie on, I remember our moments in the coffee shop that morning.

I smiled.

“Why are you smiling? ...” my officemate asked...

“Nothing...” was my reply...

She smiled back...

Then I turned to my PC and put my head set on.

-=o0o=-



Thank you. :)

Sunday, May 24, 2009 1 comments

Kokomban talaga?

"May gusto ka saken 'no?" sabi ng isang boses malapit sa akin.

Napadilat ako at inisip ko kung lilingunin ko ba ang boses na pinanggalingan.

Nasa MRT ako noon nakaupo. Nakagawian ko ng tulugan ang buong byahe dahil dulo dulo ang kailangan kong daanan bago makarating ng office. Lalo pa't maaga ako pumapasok araw-araw kaya binabawi ko sa byahe ang tulog ko. Kaso iba ata ang mangyayari ngayon.

Naramdaman kong nakatingin nga sa akin kaya nilingon ko na.

"May gusto ka saken no?" sabi niya.

Muntik ng lumagpas sa bubong ng tren ang kaliwang kilay ko.

Hampasin ko kaya 'to ng bag ko, naisip ko.

"Ha? D ka naman makapal niyan?" sabay ngiti na lang.

"Pang-apat na beses mo na ako tinatabihan dito this week."

"Talaga?" tanong ko. Hindi ko napansin.

"Ouch. Nagsisimula pa lang ang relasyon natin, sinaktan mo na ako?" sabay ngiti niya na malapit ng tumawa.

Habang nakatingin ang ibang mga usisero sa amin, pinatulan ko na lang ang biro niya.

"Wala kaya akong ginawang masama. Ikaw 'tong may kinalaguyong iba. Tapos ngayon babalikan mo 'ko?" sabay mahinang tawa ko.

"Hello? Pinsan ko un. At sinamahan niya lang ako bumili ng kokomban kina Tita Dely."

Natawa na lang ako. Kokomban talaga?

Adik 'to, sabi ko sa sarili ko.

"Pinsan ba un? Habang holding hands kayo at nakasandal pa ang ulo mo sa balikat niya!" sagot ko.

"Mas maliit siya sa akin! Ang sakit mong magsalita! Lagi kang ganyan! huhu" sabi niya.

"Kasi lagi ka ding ganyan. Kahapon may kasama kang pinsan at sabi mo kumain lang kayo ng lugaw kina Tsong Ason. Ala-una ng hapon!" patol ko sa hirit niya. "Lugaw sa kainitan ng araw?"

"Oo. Dahil nagutom ako." sagot niya.

"At sabay pa tayong kumain ng agahan ng alas-onse ng umaga?"

"Mabilis ako magburn. Kaya kita mo, perfect ang katawan ko." sabay hawak sa bewang.

Tinawanan ko na lang. At napangiti na din siya.

"O ano yan?" tanong ko habang mukhang may hinahanap siya sa bag niya.

"Happy Peanuts. Nagutom ako eh. hehe ayaw mo diba?"

Kulang ata talaga turnilyo nito sa utak.

"Parang may isa pa sa loob." sabi ko sabay tingin sa bag niya.

"Chicharon."

"Sarap. Suka meron ka?" sabi ko. Parang gusto ko tuloy kunin sa bag niya.

"'Di pwede dito. Bawal kumain." sabat niya sa akin.

"Habang ngumunguya ka ng mani jan, bawal kumain?" banat ko.

Ngiti lang ang nakuha kong sagot.

Matagal bago siya nakapagsalita. Nakatingin lang sa akin.

"Anong meron? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.

"Wala," bulong niya sa akin sabay lapit sa tenga ko. "Ang may hitsura ka pala."

Nanlaki ang mata ko. "Akalain mo un?" sagot ko.

Natawa siya sa biro ko at biglang sundot sa tagiliran ka.

"Kainis ka. Masyado kang pacute." sabay ngiting aso. "At dahil dyan, iyo na lang 'tong chocolate ko. Andami kong ganito pero d naman ako kumakain. Puro pasalubong lang."

Inabot niya sa akin ang isang bar ng Twixx.

"Salamat ah! Buti na lang pala hindi ka mahilig sa chocolate." sinabi ko na kunwari naiinis.

"Naman! Makunsensya ka. Bihira ako mamigay ng chocolate. Swerte mo."

"Uhmm.. utang na loob ko pa pala 'to no?"

"Siyempre. Kasi mabait ako. Perfect nga, 'dba?" biro niya.

Napansin kong nakatingin ung isang lalaki sa harap namin.

"Napansin mo din pala. Titigan natin ung paa. Kita mo masaya gagawin niya." sabi niya.

Sabay nga naming tiningnan ung paa ng nasa harap namin hanggang sa napansin naming umurong na sa sandals niya ung mga daliri ng paa niya.

Natawa na lang kami pagkatapos. Hanggang sa narinig namin na nasa Boni Avenue na kami.

"Dun na ako sa next station. Ang saya mo kasama ah. Makulit din."

"Oo pero mas maluwag ang turnilyo mo." sabay ngiti ko.

Hanggang sa makarating na kami sa Boni Avenue at tumayo na siya.

"Sige. Ingat sa wild kaboodles." pamamaalam niya sa akin.

Wild kaboodles? Ano yun?

"Sige. Ingat din." sagot ko sabay ngiti.

Napangiti na lang ako pagkaalis ng tren sa station. Hindi na nga siguro boring ang umaga ko sa MRT mula ngayon. Kahit paano, napangiti ako sa bawat istasyon na dinaanan namin.

Sana magkita uli kami bukas, hiling ko habang nakangiti.
Monday, May 18, 2009 2 comments

Yung taong may pangarap para sa aming dalawa..

Pangarap kong mahalin ang taong isa ako sa mga nasa listahan ng priority niya..

Yung suplado sa iba dahil alam niyang magseselos ako..

Yung walang ibang bukambibig kundi pangalan ko..

Yung kakamustahin ang araw ko kahit na paulit ulit at pare-pareho lang ang mga nangyayari..

Yung hindi kayang matulog hanggat galit ako..

Yung taong hindi ako kayang bigyan ng dahilan para magduda..

Yung interesado maging parte ng buhay ko..


Yung taong may pangarap para sa aming dalawa..





Pero ang pinakagusto ko, yung taong hindi alam ang salitang SORRY dahil hindi niya kayang masaktan ako.



-forwarded text.
Friday, May 8, 2009 3 comments

Ingatan niyo 'tong batang 'to.

After ng trabaho, nakasanayan ko na noon na magworkout sa isang gym sa may Taft. Kaya mula opisina, bibyahe pa ako papunta gym dahil may kalayuan pa.

Pagkatapos ko magworkout, naisipan ko na lang na lakarin na lang papuntang LRT station para makauwi ng mas mabilis kaysa sa nakagawian kong magjeep na lang sa labas ng gym.

Habang naglalakad sa kahabaan ng Quirino Ave., napansin kong may mga taong natutulog sa gilid ng kalsada. Grupo grupo tsaka medyo maingay dahil nagtatawanan.

Nakakatuwa dahil kahit alam kong mahirap ang buhay nila, nakukuha pa din nilang tumawa.

Pero may isang nakakuha ng atensyon ko.

Isang batang babae. Nakadapa at mukhang may sinusulat.

Nung napadaan ako sa kung saan siya nakadapa, napangiti ako.

May sinusulat siya sa notebook niya habang may binabasa sa textbook sa kabila. Mukhang nag aaral at gumagawa ng assignment.

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero parang napuno ng pag-asa yung dibdib ko. Nakakalungkot nga lang dahil mukhang gustung-gusto ng batang yun na mag-aral pero nakakaranas siya ng ganung hirap. Samantalang ilang bata ang maykaya na sinasayang lang ang pagkakataon.

Ingatan niyo 'tong batang 'to, sinabi ko sa Kanya.

Sana kayanin niya lahat ng paghihirap niya. At sana sa susunod na magkita kami, maramdaman ko uli yung naramdaman ko nung nakita ko siyang tutok na tutok sa pag-aaral.

Umuwi akong masaya at punum-puno ng pag-asa.
Thursday, May 7, 2009 2 comments

Twix muna

With all the problems I've been going through lately, a simple chocolate did the trick. :)

Wednesday, April 15, 2009 3 comments

Semana 'Not So' Santa sa Galera

Para maiba naman this year, bumalik kami sa Galera this Holy Week.

Here are some of the pictures we took during our vacation. :)




Soo looking forward to next year. :)
Thursday, April 2, 2009 2 comments

Batangas naman kami!

These are just some of the pictures we took at La Luz, San Juan, Batangas.
Next year, sana Boracay naman. :)












Sirena daw siya.
Monday, March 30, 2009 4 comments

We conquered Batangas!

Outing namin sa office sa La Luz, Batangas.
More pics soon. :)
1 comments

More beating, pls?


I am fighting a lost cause.
Monday, March 9, 2009 1 comments

Relax lang muna sa office




Walang magawa sa office. Kaya napagtripan namin uling magpicture-picture. That's me, shau and Marj.

Wednesday, February 18, 2009 3 comments

Lipad, Balloon, Lipad!

Para naman maiba ang Valentine's Day. We went to Clark, Pampanga to witness the last day of the Hot Air Balloon Fiesta. We also tried Canopy Ride sa Tree Top Adventure. May libreng trekking pa, buti na lang pinagdala ako ng damit ni M.

Madaling araw pa lang nandun na kami. At ciempre, pagkain agad ang inuna ko.


Para kunwari may pang cover shot.


Kakaiba mga tao. Konting galaw lang ng mga balloons, todo click na sila sa mga DSLRs nila. Magpapatalo ba naman kami?



Akala namin makakabalik pa kami, hindi na pala. Maganda pa naman daw ung scene sa gabi.

After ng Hot Air Balloon na saglit lang namn nakita, dito naman kami dinala.

Hindi ako handa sa 30min trekking. Buti na lang may extra shirt akong dala.


Tinuruan din kaming gumawa ng apoy.



Kami na next!


Akala ko bibigay ung cable sa bigat ko.


Kung hindi dahil sa mga pasaway na kasabay namin, makakabalik sana kami sa Hot Air Balloon para sa closing nila sa gabi. Medyo nakakapanghinayang ung event na namiss namin.

Eto sana ung maabutan namin:


Kakalbuhin ko ung mga un kapag nakita ko uli sila. Buti na lang may next year pa.
Related Posts with Thumbnails
 
;