Tuesday, January 20, 2009

intrinsically what?

Pauwi na ako isang gabi galing sa gym kaya wala na akong pakialam kung anong mangyari sa paligid ko. May mga magsyotang naglalandian sa may batuhan sa gilid ng Victoria Court. May mga magkukumpareng nag iinuman at may mga batang nagpapaluan ng sanga ng puno na parang walang bukas.

Nagmadali na ako papunta sa LRT dahil sa pagod na pagod na ako at gusto ko ng umuwi. Humiling pa ako sa taas na sana makaupo ako agad at tahimik sa tren para hindi na ako ma-stress lalo.

Kahit medyo masikip sa tren, ok na din dahil hindi gaanong maingay. Atleast makakapagpahinga ako.

Akala ko lang pala un.

Pagdating ng Carriedo, may sumakay na isang matandang lalaki na may dalang malaking bag.

Pagkapasok niya, tinamaan pa ang likod ko. Pinalampas ko na lang dahil tinatamad na akong umangal.

Biglang may narinig akong ring ng cellphone at galing pala kay manong.

"Hello?!" sagot niya na parang nakalulon ng megaphone sa lakas ng boses niya.

Natahimik ang buong area namin sa tren. Yung iba napalingon pa sa kanya.

Akala ko bingi siya pero sinasadya niya pala ang lakas ng boses niya.

Tuloy niya, "HI!! DO YOU KNOW THAT MR. SALENGA SHOULD BE IN THE GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS?? WHY?? BECAUSE HE DISCOVERED 5 SCIENTIFIC FACTS THAT THE SCIENCE WORLD DID NOT WANT THE PEOPLE TO KNOW! HE SHOULD BE IN THE GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS."

Naintriga ako. Wala akong choice kundi makinig dahil katabi ko lang siya.

"ACCORDING TO SALENGA, THE EARTH IS NATURALLY COOL BECAUSE SUNLIGHT, YOU KNOW THE SINAG, IS INTRINSICALLY COOL."

Dumugo ilong ko. Intrinsically anu daw?

Kunwari may kausap pa din siya sa telepono pero halata namang wala.

"OUTER SPACE IS LIKE A VACCUUM AND THAT HEAT IS IMPOSSIBLE THAT'S WHY SUNLIGHT SHOULD NEVER REACH THE EARTH. SUNLIGHT IS INTRINSICALLY COOL. THAT'S ONE. SECOND IS THE EARTH IS FLAT. LOOK AT THE STREETS. IT'S FLAT, RIGHT? LOOK AT THE HOUSES. IF THE EARTH IS ROUND, THEN WE WOULD ROLL OVER. LOOK INFRONT OF YOU, IT'S FLAT RIGHT? THEN SALENGA IS RIGHT.

WHAT COUNTRY ARE YOU FROM? IRAN? THERE ARE BOMBS THERE, RIGHT? WHAT'S YOUR NAME? ARMAND? YES."

Talagang pina-obvious niang wala siyang kausap.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pero may mas matindi pa pala.

"ALSO, DO YOU KNOW THAT THE NORTH POLE IS ACTUALLY SOUTH? IT'S GAY, TOO! YOU KNOW, BAKLA! BADING!"

Uhmm.. sige. Iranian na makakaintindi ng tagalog. Goodluck!, naisip ko.

"TO PROVE THAT THE EARTH IS FLAT, DO YOU KNOW THAT A CIRCLE IS COMPOSED OF SMALL STRAIGHT LINES? THAT'S WHY PEOPLE ARE CONFUSED. BUT SALENGA IS'NT. BUT THE WORLD DOES NOT WANT HIS DISCOVERIES TO BE KNOWN. THEY DID A NEWS BLACKOUT. TO THE ENTIRE WORLD. PROMISE."

Promise?!, sagot ko sa kanya sa isip ko. Natawa na lang ako.

"POOR MR. SALENGA. BUT WAIT, THERE'S THE LAST ONE. DO YOU KNOW THAT THE ELECTRON THEORY IS ACTUALLY DEAD? REALLY? IT'S DEAD BECAUSE ELECTRON IS ACTUALLY POSITIVE. THAT'S WHY IT'S DEAD."

Tuloy-tuloy lang siya na parang naka-loop na kanta sa iPod hanggang sa umabot kami sa Monumento. Buti na lang last station na dahil kung medyo matagal pa, baka hinampas ko sa kanya yung bag ko.

Paglabas ng tren narinig ko yung dalawang nakasabay ko sa tren nag-uusap.

"Siraulo yun. Last month ata, nag-ganun uli siya. Kaso siya naman daw si Salenga." sabay tawa ng nagkukwento.

Napailing na lang ako sa nangyari.

4 comments:

Lowell said...

hahaha!
*ehem* sorry, natawa lang ako sa mga pinagsasabi nung matanda.

mula carriedo hanggang monumento nuh? matagal din yun ah...

my-so-called-Quest said...

dyan ako kinakabahan,pag malapitan ng mga ganun tapos usisain ka. hehehe.

pero nakakaawa sila no? di sila mailagay sa isang facility para matulungan.

ponchi said...

hahaha...labo naman nun!

zenny_menorca said...

na-meet din namin siya kahapon lang. weird siya. as in naglalakad kami ng group mates ko sa may Munoz Market tapos bigla siyang lumingon at nagtanong kung Computer Sci students ba kami. Then sinabi niyang may discovery daw siya. Grabe.. Katakot O_O

Related Posts with Thumbnails
 
;