Friday, January 9, 2009

"Yung classic na line. 'Siya o ako?'"

"Hiwalay na kami." bungad ng kaibigan ko noong nagkita kami at nagdesisyon na tumambay saglit sa coffee shop.

"Ha? Paano kayo maghihiwalay kung bawal naman maging kayo?" sagot ko.

Alam ko kasi ang kwento ng buhay ni Gabbie. 3rd party siya sa relasyon ngayon ng dati niyang boyfriend.

"Basta kung anu man ang tawag mo sa paghihiwalay ng kabit at karelasyon niya. Yun na yun." sagot niya na halata kong pinipigilan niya umiyak.

"Yun na nga yun. Pero bakit?" tanong ko.

"Nahuli kasi kami magkasama." sagot niya. "Eh iba pala ang sabing pupuntahan. Nakita kami ng kaibigan tapos tinawagan siya."

Anu ba naman kasi yang pinasok mo? Gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko na lang sinabi.

"Eh anu na ang lagay nila?" tanong ko ng marealize ko ang sagot. Sana hindi ko na lang pala tinanong.

"Yung classic na line. 'Siya o ako?'" sagot niya. Nakikita ko na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"At siya ang pinili." tuloy ko. "Gab naman kasi.."

"I know.. pero anong magagawa ko? Mahal ko eh."

Mahal, mga nagagawa nga naman ng pagmamahal.. naisip ko.

"Eh kumplikado na nga ang sitwasyon niyo ni Nat tapos mas nakumplika pa dahil dito." sabi ko.

Open relationship sila ni Nat. Mag-iisang taon na mula ng maghiwalay si Gab at yung ex niya ng makilala niya si Nat. Mahal niya (daw) nung una si Nat pero napatunayan ko na din na si Jessie (Ex) pa din.

Naghiwalay sila ni Jes dahil nagsawa si Jes. Nakilala ang karelasyon niya ngayon at dahil mahal ni Gab, hinabol niya ang ex. Masyadong makati si Jes para tumanggi.

"Una pa lang dapat alam mo na pwedeng mangyari yung ganito," sabi ko sa kanya habang umiiyak na siya. "kasi may ibang tao ng kasama."

"Alam ko naman yun kasi. Kaya nahihirapan ako hanggang ngayon. Alam ko naman na nakikihati lang ako sa kanya. Kaso kasi, kahit konti ok na sa akin." sagot niya.

Natahimik na lang ako.

Kahit konti? ulit ko sa sarili ko. Mahal niya nga talaga para magpakatanga ng ganun. Kaibigan ko nga talaga 'to.

Sabagay, naranasan ko na ding magpakatanga. Kakaiba nga naman kasi kapag puso na.

"Noong una pa, sabi ko sayo, hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. May mga sinasaktan kang tao na wala namang ginagawang masama sa'yo. Ang masama pa, sinasaktan mo din yang sarili mo."

Tinigil ko na lang ang pangangaral ng makita ko ang mga mata niya.

Hinayaan ko na lang siya magsalita. Mas kailangan niya yun kaysa sa akin.

"Masakit din para sa akin na alam kong may nasasaktan akong iba. Masakit din para sa akin na may masira akong relasyon. Pero masakit din para sa akin ang makita ko ang taong mahal ko na kasama ng iba. Kaya nung nagbigay ng konting atensyon uli sa akin si Jes, pinagbigyan ko dahil dun ko lang nararamdaman na masaya ako."

Tuloy pa din ang pag-iyak niya.

"Hindi ba mas masakit yung alam mong nakakasakit ka ng tao pero maririnig mo sa ex mo na saka lang niya nakita yung hinahanap niya sa akin nung naghiwalay na kami?" tuloy niya.

Natapos ang araw na yun na walang malinaw na nangyari.

Sa tindi ng sakit, sino ang mas nakakalamang? Yung karelasyon na nahuling niloloko siya o si Gab na nakita lang ang halaga sa kanya noong naghiwalay sila at maging kabit siya knowing na may nasasaktan siya?

3 comments:

dabo said...

pakisabi sa friend mo... maayos din ang lahat..oo masakit talaga ang ganyan, pero kung napangiti naman sya ng ginawa nyang pakikipagrelasyon as third party kahit minsan, then it's worth it...all the fears and tears worth the single smile.

your friend will get by..


take care. and regards

The Mikologist said...

waahh,

magkaiba kami ni dabo ng ipapayo. hehehe. at least 2 option ng friend mo.

para sa akin, waiting for the guy (na maging single sya at makuha mo ng buo) is painful. forgetting him is painful. yes, from time to time, napapasaya ka sa paghihintay o sa konting atention na nililimos sau. pero napakarami ng taong potential na makakapagbigay din non, at magiging sayo ng walang kahati.

remember, for every single second that you spend to someone unworthy, is the same seconds you spend away from someone who is.

n_n

ponchi said...

hay...pagmamahal nga naman... kailangan ko nga pala ng payo mo kaso wag dito =)

Related Posts with Thumbnails
 
;