Tuesday, February 3, 2009

"Bakit huminto?!"

Nagtalo kami ni M noon. Nakalimutan ko na kung bakit at paano. Maliit na bagay lang naman kaya hindi ko na din pinansin. Pero dahil dun, wala ako sa mood at mainit ang ulo ko.

Nasa MRT na ako at pauwi galing sa office.

Walang pakialam sa mga tao sa paligid ko kaya nung nagkaroon ng chance na makaupo ako, sinunggaban ko agad ung upuan dahil mula Makati pa ako.

Pagdating ng Quezon Avenue, napansin kong nagbabagal na ang takbo ng tren. Siguro may tren pa sa North Ave kaya pinapatagal.

Nasa gitna na kami ng Quezon Ave at North Ave ng biglang huminto ang tren.

Hindi na ako nagtaka dahil sanay na ako sa MRT. Malamang nga may tren pa sa unahan namin.

Tahimik kong pinapalipas ang galit ko ng biglang may kumalabit sa akin. Natapyasan ata ako ng balat sa lakas ng kalabit.

Galing pala sa isang medyo may edad ng lalaki sa tabi ko.

Hindi pa ako nakakarecover sa lakas ng kalabit niya ng bigla niya akong tinanong.

"Bakit huminto?!" pasungit niyang tanong.

Nainis ako sa tono ng boses niya.

"Saglit lang. Bababa ako tatanong ko sa driver," sagot ko."Obvious ba? Andito tayo pareho. Paano ko malalaman?"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako.

Nakunsensya na lang ako sa inasal ko nung nakaalis na ako ng train station. Tama ba kasing sungitan ako sa oras na wala ako sa mood? Sa kanya ko tuloy nailabas ung sama ng loob ko. hehe

4 comments:

my-so-called-Quest said...

ay ang sungit! haha
oks lang yun kasi yung tanung naman nya e nakakaasar talaga! hehe

whitelight25 said...

sungit na nga, ehehe, at least nawala din agad :) yun nga lng sa iba mo naibunton, hehe

dabo said...

wahahaha..astig! pero regardless, nakakainis naman talaga itanong pa ang obvious diba?

Cloud Strife said...

nakakatuwa encounters mo sa MRT...

ive read several entries... nakakabadtrip nga siguro pag ganun mga tao lalo na kung bad day pa

nakupo!

:)

Related Posts with Thumbnails
 
;