Monday, December 7, 2009

"Dura pa uli. Dali!"

Minsan ako na mismo ung nahihiya para sa mga taong mukhang walang ganun. Lalo na kung may mga ginagawa sila in public na sana itinatago na lang sa bahay or kahit sa CR man lang.

Maaga masyado ako nagigising kasi mahirap na malate lalo na malayo pa ang pangagalingan ko. Iidlip saglit sa FX dahil may 30mins din ang biyahe papunta sa MRT North Ave Station.

Pagdating ko sa MRT, minadali ko na lang maglakad dahil mahaba ang pila papasok. Sa dami ng tao, kapag hindi ako nagmadali, late akong makakapasok sa office.

Buti na lang medyo maaga pa kaya mabilis akong nakaakyat para makasakay ng tren. Hindi ako nakapasok sa tren na nagpupuno ng pasahero kaya nagdesisyon na akong sa susunod na lang.

Sa dami ng tao kailangan pang makipagsisikan para makaupo sa loob ng tren.

Habang naghihintay dumating ang susunod na tren, biglang may lalaki sa harap kong dumura papunta sa riles na tren. Siguro sanay na ang mga tao sa ganung ugali kaya hindi na nila napansin.

Pero nakakadiri pa din lalo na kung sa harap ng madaming tao mo gagawin un.

Akala ko ako lang nakapansin sa ginawa ni Kuya. Pati pala si Manong Guard napansin mula sa malayo habang naghahawi siya ng mga tao para hindi mahulog sa riles na tren.

Action 'to. Go, Manong! isip ko.

Lumapit si Manong na nakatingin kay Kuya. Napaatras ng konti si Kuya dahil akala siguro dadaan lang sa linya namin. Nagtaka siya dahil huminto sa gilid niya.

"Hindi ka ba nahihiya sa mga kasabay mo dito? Parang CR mo lang ung riles ah?" bungad ni Manong Guard.

Napalingon lahat sa kanya. Namula si Kuya sa hiya. Parang gusto na niyang tumalon sa riles para di na siya tingnan ng mga tao.

"Wala ba kayong banyo at dyan kayo sa riles dumudura?" tanong pa ni Manong.

Hindi pa din nakapagsalita si Kuya. Pinagdadasal na siguro nitong mahagip ng tren si Guard kaya nananahimik na lang siya.

Swerte ni Kuya dahil paparating na ang tren kaya bumalik na sa likod si Manong Guard.

"Dura pa uli. Dali!" asar ng isa pang pasahero sa likod ko.

Napangiti na lang ako. Kasi naman si Kuya, ginagawang banyo ung riles ng tren.

5 comments:

lazy john said...

hahaha namiss ko tong mga entries mo na bitchesa lang ang dating...

MakMak said...

Haha. Yung ibang tao nakagawian na lang talaga na dumura in public. Hindi naturuan ng wastong pagkilos nung bata siguro.

wanderingcommuter said...

DURAra kadire!

emansky said...

Four thumbs up kay kuya guard!!! not your average filipino na "wala lang"... dapat mabigyan ng award ung guard! :D

Toilet Thoughts said...

Naks! Dati ko pang gustong maglakas ng loob mangutya ng mga dumudura. astig si manong guard 9at ung nasa likod mo) haha.

Isa pa, ung mga taong nagtatapon ng basura kung saan saan, lalo na galing sa kotse nila (tapos nasa highway) ang sarap itapon ulit sa loob.

Related Posts with Thumbnails
 
;