Monday, December 21, 2009

Naimagine ko si Angelina

Nasa mall ako nung isang araw para mamili ng mga panregalo sa mga tao sa bahay. Naging tradisyon na kasi sa amin na magbigayan ng regalo kahit sa amin lang. Dumarating kasi ang mga kamag-anak namin tuwing pasko pero dahil hindi masyadong masaya ang bank account ko taun-taon, dahil na rin sa December ang birthday ko, tatay ko at nanay ko, sa mga kapatid at magulang lang ako nagreregalo.

Ilang oras na din ako nagpaikut-ikot noon kaya nagdecide akong tumambay sa isang coffee shop para magpahinga saglit. May mga nabili na rin ako at ung sa nanay ko na lang ang hahanapin ko.

Pagkakuha ko ng inumin ko, naupo na ako sa isang tabi at kumuha ng magazine para magpalipas oras.

"Mommy, akin na yung gift ko." sabi ng isang batang babae sa katabing table na kadarating lang.

"Saglit lang, Yuyi. Paupuin mo muna ako." sagot ng nanay niyang may dalang kape at shopping bags na paupo pa lang.

"Okay, po. Dali, Mommy. Gusto ko na makita."

"O, eto. 'Wag mo muna sirain sa plastic ah? Babalot pa natin yan. O gusto mo 'wag na?" tanong ng nanay niya.

"Eehh. Ibabalot pa natin 'to. Para madami akong gifts na bubuksan." sabi ng bata.

Naimagine ko si Angelina (a.k.a. Michael V.) sa hitsura ng bata. Nakapigtails na nakatirintas. Backpack na Barbie, jumper shorts na maong at pink na rubber shoes. Chubby na maputi. Tipo ng batang masarap kulitin dahil may pagkaspoiled pero mukha namang mabait.

Nakakatuwa na ang babaw ng kaligayahan ng mga bata. Simpleng laruan lang masaya na sila.

Naalala ko nung bata ako, kahit alam ko na ang ireregalo sa akin, ipinapabalot ko pa din. 
Walang tatalo sa feeling na may binubuksang regalo. Maliit man o malaki.
Sana lahat ng tao katulad ng batang yun somehow. Madaling pasayahin. Sa dami ng mga problema ng mga tao ngayon, sana sa isang munting regalo lang, madali na silang mapasaya.

3 comments:

Prince_Cloud said...

sarap maging bata ulet...
walang pinoproblema, wlanag deadlines, walang pressures, walang sakit sa ulo...

ansaya nga dati nung maliliit pa at walang kamuwang muwang sa mundo

emansky said...

sarap na puro laro lang.. ten twenty hahaha chinese garter.... ano pa ba.. langit lupa... patentero na tubig ang ginagamit na pang guhit.. hindi pa semento street namin nun... wtf.. now i miss the good old days.... thanks jm

JM said...

@prince_cloud: sinabi mo pa! hehe sana ganun pa din hanggang pagtanda.

@emansky: patinterong tubig ang gamit? Mas matanda ka pa pala saken. Hndi ko na inabutan un. hahaha :P

Related Posts with Thumbnails
 
;