Tuesday, January 20, 2009 4 comments

intrinsically what?

Pauwi na ako isang gabi galing sa gym kaya wala na akong pakialam kung anong mangyari sa paligid ko. May mga magsyotang naglalandian sa may batuhan sa gilid ng Victoria Court. May mga magkukumpareng nag iinuman at may mga batang nagpapaluan ng sanga ng puno na parang walang bukas.

Nagmadali na ako papunta sa LRT dahil sa pagod na pagod na ako at gusto ko ng umuwi. Humiling pa ako sa taas na sana makaupo ako agad at tahimik sa tren para hindi na ako ma-stress lalo.

Kahit medyo masikip sa tren, ok na din dahil hindi gaanong maingay. Atleast makakapagpahinga ako.

Akala ko lang pala un.

Pagdating ng Carriedo, may sumakay na isang matandang lalaki na may dalang malaking bag.

Pagkapasok niya, tinamaan pa ang likod ko. Pinalampas ko na lang dahil tinatamad na akong umangal.

Biglang may narinig akong ring ng cellphone at galing pala kay manong.

"Hello?!" sagot niya na parang nakalulon ng megaphone sa lakas ng boses niya.

Natahimik ang buong area namin sa tren. Yung iba napalingon pa sa kanya.

Akala ko bingi siya pero sinasadya niya pala ang lakas ng boses niya.

Tuloy niya, "HI!! DO YOU KNOW THAT MR. SALENGA SHOULD BE IN THE GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS?? WHY?? BECAUSE HE DISCOVERED 5 SCIENTIFIC FACTS THAT THE SCIENCE WORLD DID NOT WANT THE PEOPLE TO KNOW! HE SHOULD BE IN THE GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS."

Naintriga ako. Wala akong choice kundi makinig dahil katabi ko lang siya.

"ACCORDING TO SALENGA, THE EARTH IS NATURALLY COOL BECAUSE SUNLIGHT, YOU KNOW THE SINAG, IS INTRINSICALLY COOL."

Dumugo ilong ko. Intrinsically anu daw?

Kunwari may kausap pa din siya sa telepono pero halata namang wala.

"OUTER SPACE IS LIKE A VACCUUM AND THAT HEAT IS IMPOSSIBLE THAT'S WHY SUNLIGHT SHOULD NEVER REACH THE EARTH. SUNLIGHT IS INTRINSICALLY COOL. THAT'S ONE. SECOND IS THE EARTH IS FLAT. LOOK AT THE STREETS. IT'S FLAT, RIGHT? LOOK AT THE HOUSES. IF THE EARTH IS ROUND, THEN WE WOULD ROLL OVER. LOOK INFRONT OF YOU, IT'S FLAT RIGHT? THEN SALENGA IS RIGHT.

WHAT COUNTRY ARE YOU FROM? IRAN? THERE ARE BOMBS THERE, RIGHT? WHAT'S YOUR NAME? ARMAND? YES."

Talagang pina-obvious niang wala siyang kausap.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pero may mas matindi pa pala.

"ALSO, DO YOU KNOW THAT THE NORTH POLE IS ACTUALLY SOUTH? IT'S GAY, TOO! YOU KNOW, BAKLA! BADING!"

Uhmm.. sige. Iranian na makakaintindi ng tagalog. Goodluck!, naisip ko.

"TO PROVE THAT THE EARTH IS FLAT, DO YOU KNOW THAT A CIRCLE IS COMPOSED OF SMALL STRAIGHT LINES? THAT'S WHY PEOPLE ARE CONFUSED. BUT SALENGA IS'NT. BUT THE WORLD DOES NOT WANT HIS DISCOVERIES TO BE KNOWN. THEY DID A NEWS BLACKOUT. TO THE ENTIRE WORLD. PROMISE."

Promise?!, sagot ko sa kanya sa isip ko. Natawa na lang ako.

"POOR MR. SALENGA. BUT WAIT, THERE'S THE LAST ONE. DO YOU KNOW THAT THE ELECTRON THEORY IS ACTUALLY DEAD? REALLY? IT'S DEAD BECAUSE ELECTRON IS ACTUALLY POSITIVE. THAT'S WHY IT'S DEAD."

Tuloy-tuloy lang siya na parang naka-loop na kanta sa iPod hanggang sa umabot kami sa Monumento. Buti na lang last station na dahil kung medyo matagal pa, baka hinampas ko sa kanya yung bag ko.

Paglabas ng tren narinig ko yung dalawang nakasabay ko sa tren nag-uusap.

"Siraulo yun. Last month ata, nag-ganun uli siya. Kaso siya naman daw si Salenga." sabay tawa ng nagkukwento.

Napailing na lang ako sa nangyari.
Friday, January 9, 2009 3 comments

"Yung classic na line. 'Siya o ako?'"

"Hiwalay na kami." bungad ng kaibigan ko noong nagkita kami at nagdesisyon na tumambay saglit sa coffee shop.

"Ha? Paano kayo maghihiwalay kung bawal naman maging kayo?" sagot ko.

Alam ko kasi ang kwento ng buhay ni Gabbie. 3rd party siya sa relasyon ngayon ng dati niyang boyfriend.

"Basta kung anu man ang tawag mo sa paghihiwalay ng kabit at karelasyon niya. Yun na yun." sagot niya na halata kong pinipigilan niya umiyak.

"Yun na nga yun. Pero bakit?" tanong ko.

"Nahuli kasi kami magkasama." sagot niya. "Eh iba pala ang sabing pupuntahan. Nakita kami ng kaibigan tapos tinawagan siya."

Anu ba naman kasi yang pinasok mo? Gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko na lang sinabi.

"Eh anu na ang lagay nila?" tanong ko ng marealize ko ang sagot. Sana hindi ko na lang pala tinanong.

"Yung classic na line. 'Siya o ako?'" sagot niya. Nakikita ko na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"At siya ang pinili." tuloy ko. "Gab naman kasi.."

"I know.. pero anong magagawa ko? Mahal ko eh."

Mahal, mga nagagawa nga naman ng pagmamahal.. naisip ko.

"Eh kumplikado na nga ang sitwasyon niyo ni Nat tapos mas nakumplika pa dahil dito." sabi ko.

Open relationship sila ni Nat. Mag-iisang taon na mula ng maghiwalay si Gab at yung ex niya ng makilala niya si Nat. Mahal niya (daw) nung una si Nat pero napatunayan ko na din na si Jessie (Ex) pa din.

Naghiwalay sila ni Jes dahil nagsawa si Jes. Nakilala ang karelasyon niya ngayon at dahil mahal ni Gab, hinabol niya ang ex. Masyadong makati si Jes para tumanggi.

"Una pa lang dapat alam mo na pwedeng mangyari yung ganito," sabi ko sa kanya habang umiiyak na siya. "kasi may ibang tao ng kasama."

"Alam ko naman yun kasi. Kaya nahihirapan ako hanggang ngayon. Alam ko naman na nakikihati lang ako sa kanya. Kaso kasi, kahit konti ok na sa akin." sagot niya.

Natahimik na lang ako.

Kahit konti? ulit ko sa sarili ko. Mahal niya nga talaga para magpakatanga ng ganun. Kaibigan ko nga talaga 'to.

Sabagay, naranasan ko na ding magpakatanga. Kakaiba nga naman kasi kapag puso na.

"Noong una pa, sabi ko sayo, hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. May mga sinasaktan kang tao na wala namang ginagawang masama sa'yo. Ang masama pa, sinasaktan mo din yang sarili mo."

Tinigil ko na lang ang pangangaral ng makita ko ang mga mata niya.

Hinayaan ko na lang siya magsalita. Mas kailangan niya yun kaysa sa akin.

"Masakit din para sa akin na alam kong may nasasaktan akong iba. Masakit din para sa akin na may masira akong relasyon. Pero masakit din para sa akin ang makita ko ang taong mahal ko na kasama ng iba. Kaya nung nagbigay ng konting atensyon uli sa akin si Jes, pinagbigyan ko dahil dun ko lang nararamdaman na masaya ako."

Tuloy pa din ang pag-iyak niya.

"Hindi ba mas masakit yung alam mong nakakasakit ka ng tao pero maririnig mo sa ex mo na saka lang niya nakita yung hinahanap niya sa akin nung naghiwalay na kami?" tuloy niya.

Natapos ang araw na yun na walang malinaw na nangyari.

Sa tindi ng sakit, sino ang mas nakakalamang? Yung karelasyon na nahuling niloloko siya o si Gab na nakita lang ang halaga sa kanya noong naghiwalay sila at maging kabit siya knowing na may nasasaktan siya?
Tuesday, January 6, 2009 1 comments

Viva La Pop 2008

One of the coolest videos I've ever seen. It's a mashup of US Billboard Hits of 2008 by DJ Earworm.

DJ Earworm - United State of Pop 2008 (Viva La Pop)



Anybody know how I can copy this video to my iPod? :)
Sunday, January 4, 2009 2 comments

Thank you, 2008!

Sabi ko noon bago magstart ang 2008, magiging mas productive ako compared sa 2007. And I was! :)

So, instead of the usual New Year's Resolution, I'll post 5 reasons why my 2008 was a blast!

1. Feb 18, 2008. I'll be celebrating my 1st year with my current company next month. Akala ko hindi din ako magtatagal. Turns out, nag enjoy ako sa work ko and I realized na nahanap ko na ang work for me. Promotion ang goal ko this year. More responsibilities and more chances to prove what I am capable of.

2. Because of the breakup with my ex, my maturity level went up and I understood myself better. I realized my worth as a partner and as an individual. No more kids!

3. I met M. (Mawawala ba naman siya? ehehe) And until now, I am thankful that we are still together and our relationship's getting stronger despite of all the things we've been through. Madami ng napagdaanan and sana makaya pa lahat ng challenges that will face us.

4. I've met a lot of wonderful people (some my friends now). I learn a lot from them and I hope to have them for a very long time. I lost contact with some of my friends (kaya ung iba nagtatampo na) and I'm hoping that we are still friends no matter what. I miss you, guys!

5. I still look forward to coming home from work. Believe me, nothing makes me relax than seeing my family after a day's work. Sa bahay kasi, pagpasok mo ng pinto, (I feel that) tanggal lahat ng pagod at worries mo from outside. From DVD Marathons to bonding with my sis, wala na akong hahanapin pang iba.

And with that, 2009 should (!) be better. I'll make sure of that.

More unforgettable moments, more life-changing experiences and more chances to learn about life.

Btw, I won a 4GB USB Flash Drive in the Christmas Wishlist Contest by Melo Villareal.
My fourth win in the online contests I've joined. In 2008, I won 2 Starbucks GC, 1 6-months subscription to a magazine, 1 ticket to an event and 1 USB Flash Drive hehe swerte ako ng 2008. Sana sa 2009 makapanalo naman ako ng laptop. :)
Related Posts with Thumbnails
 
;