Monday, December 27, 2010 1 comments

Afro sa Star City

Dahil sa birthday ni Mama, pumayag siya nung pinilit siya ni Sandy na bumalik ng Star City. Gusto sana namin ni Mark sa Enchanted Kingdom kaso effort daw. Kaya pumayag na din kaming tatlo na sa Star City na lang din. Mas malapit tsaka mas mabilis makakauwi.

Kumain muna kami ng McDo sa may Malate dahil idinaan pa namin sa unit ung gamit namin. Kinabukasan na kasi namin plano umuwe para hindi masyadong hassle.



Pagkatapos dumirecho na kami ng Pasay para makapagsimula na. Buti na lang madaling kausap yung taxi driver. Nakakaasar lang dahil halatang lumulusot. Kesyo may sira daw yung metro kaya kontrata na lang. Ayaw na namin makipagtalo kaya pumayag na kami. Tapos pagdating ng Star City, ung susunod na sasakay, iba na dahilan niya. Kesyo wala daw shock absorber yung sasakyan niya kaya hindi niya maisasakay yung 6 na gustong sumakay.  

Bakit pa pumasada kung puro na lang dahilan?

Ang daming tao pagdating namin. Kaya derecho na kami sa pila para makabili ng ticket.
Tuesday, December 21, 2010 0 comments

Tawag-tawagan na lang talaga?

Dahil may extra day off ako from work (pinayagan ako nila ser at ma'am na umalis kasama ang mga co-yaya ko hehe), dumirecho ako sa SSS Head Office para i-follow-up ang digitized ID ko na inapply ko pa last November 23, 2009. More than 1 year na kaya siguro naman may pondo na sila para iprint sa card yung details ko at ibigay sa akin. Anong petsa na, diba?

So kahit labag sa kalooban kong gumising nanaman ng maaga at mamasahe papuntang QC, wala akong nagawa dahil ID din yun. Ayoko namang Driver's License, Company ID at Passport ko lang ang valid ID ko.

Kaso pagkarating ko ng SSS Office, biglang sinabi sa Information na, "ang mga applications po starting October 27, 2009 until ngayon ay hindi pa natatapos. May mga technical problems pa po kaya tinetest pa din namin. Pakitawag-tawagan na lang po ang number na XXX-XXXX to XX kung ready na for pick up ang ID n'yo."

Tawag-tawagan na lang talaga?

Sigh.

Gobyerno nga naman, naisip ko.

Pagkatingin ko sa kabilang side, ang dami pa din ng mga taong nag-aapply for digitized ID. Pila kung pila.

So, tanggap pa din sila ng tanggap ng applications pero hindi nila magawang asikasuhin muna ang system nila. Magkano nga naman kasi ang fees sa pag-apply ng digitized ID kaya sayang naman kung hindi nila ia-accommodate, diba? Tsk.

Wednesday, December 15, 2010 4 comments

Gusto ko pa sana umorder kaso suko na tiyan ko

Dahil December ang buwan kung kailan ako niluwa ng lupa, siyempre madami akong ipopost na pictures lalo na halos kasabay ko lang din si Jay. So for my birthday, hinintay ako nila Jay at Billy after office dahil may practice pa kami ng officemates ko for our Christmas party.


At dahil walang magawa yung dalawa habang naghihintay sa akin, naisip nila na mag ikot-ikot muna sa Ayala Triangle at magpicture ng magpicture ng puro mga ganitong photos.

 

Kulang na lang talaga production number ng Cirque de Soleil dahil halos kumpleto na ang props dahil sa fog machine. Sayang hindi ko napanuod pero buti na lang may video na nakunan sila Jay.

Pagkatapos ng practice namin sa office, nagkita-kita na kami at nagdecide na pumunta sa The Fort dahil hindi pa kami nakakapunta dun na magkakasama. Lalo na kami ni Jay na bihira umalis ng Makati at Eastwood.

Sunday, December 12, 2010 1 comments

Transformers 3: Dark of Moon trailer & Megan Fox are both OUT

Naalala ko pa ang gulat ko nung napanuod ko yung Tranformers 2.

"Ang laki ng labi ni Megan Fox. Parang kinagat ng sampung bubuyog yan ah!" sabi ko pa sa mga kasama ko nanuod.

Anyway, here's the newest installment to the Transformers franchise just released last week.

Transformers 3: Dark of Moon

I sure hope this movie doesn't disappoint. Shia LaBeouf and Josh Duhamel will still be in the third Michael Bay film while this will be Victoria' Secret model Rosie Huntington-Whiteley's first time appearing after replacing Megan Fox. Expect this hitting theaters July 1, 2011.





What do you think, guys?
Friday, December 3, 2010 2 comments

Good luck sa budget

Pagkatapos ng pinuntahan kong event, dumaan muna ako saglit sa World Trade Center sa Pasay City para tingnan ang exhibits this year sa 10th World Bazaar Festival.

Sa dami ng nakita kong items, naramdaman kong nag-alala ang wallet ko nung nagbayad pa lang ako ng entrance worth P50. Mukha daw kasing hindi lang P50 ang mawawala sa kanya.

Good luck sa budget, sabi ko sa sarili ko.
Thursday, December 2, 2010 2 comments

"Ayan, paano na tayo makakauwe nito?"

"Ayan lumagpas na tayo. Kainis ka kasi ang daldal mo. Manong para ho! Para ho!"

Narinig ko na lang na sabi ng katabi ko yun habang tinatahak ng jeep na sinasakyan ko ang NLEX isang gabi nung pauwi pa lang ako.

Sa gitna ng NLEX, gusto nilang huminto ung jeep? As in tatabi na lang bigla tapos lalakarin nila ang NLEX? naisip ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ate.

Ang daldal kasi nila. Buong byahe nagtsitsismisan. Akala mo hindi sila magkapitbahay. (Namention nung isang babae na magkapitbahay nga sila.) Puro naman lalaki pinag-uusapan tsaka kung sino sa kanila ang mas magaling sa Plants vs. Zombies.

Nagpapanic na yung babaeng gustong bumaba.

"Kasalanan ko ba? Eh ang dami kong kwento sa'yo." sabi nung babaeng kasama niya.

"Ayan, paano na tayo makakauwe nito?" sagot nung isa. Hindi na maipinta ang mukha.

Sa Malinta ata sila dapat bababa kaso yung jeep na sinakyan nila, hindi dumadaan doon.

"Sa Malinta ba kayo dapat bababa?" tanong ng isang pasahero sa tapat nila.

"Oho." sagot nung nagpapanic na babae.

"Hindi kasi nagbababa sa Malinta dito. Saan ba kayo nagbayad ng pamasahe?" tanong uli nung isa.
Sunday, November 14, 2010 2 comments

Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Monday. 7pm.

"Bakit mo ginawa sa'kin yun?" tanong niya.

Bakit nga ba? naisip ko. Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Hindi pa din siya tumitigil sa kaiiyak. Ako din walang tigil ang pagpatak ng luha ko.

"Pasensya ka na. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun." ang nasagot ko na lang.

"Saan ba ako nagkulang para maghanap ka pa ng iba?" tanong uli niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Wala din akong maisasagot dyan na matino. Hindi na din siguro ako nag-iisip ng mga oras na yun."

Nahuli nga niya akong may kasamang iba. Habang sinabi kong nasa ibang lugar lang ako para hindi na siya magtanong ng magtanong. Ang masama lang noon, ganun din pala siya. Kaya nakita niya kaming magkasama. Pero para hindi na kami gumawa ng gulo sa kalsada, umiwas na lang kami sa isa't isa. Tinext na lang niya ako na mag-uusap kaming dalawa sa susunod na araw.

Mature?

Noon? Oo. Pero after ng ilang araw, hindi na lang ako sigurado.

"Kailangan siguro muna natin ng pagitan sa isa't-isa. Para makapag-isip-isip." nasabi niya.

Tuluy-tuloy pa din siyang umiiyak. Buti na lang gabi na kaya wala gaanong nakakakita sa pinagtatambayan namin sa Pasig. Busy ang lahat sa iniinom nilang mga alak.

Sigh.  

Friday na friday, ganito, naisip ko.

"Hindi ba natin pwedeng gawan ng paraan?"

Umiling na lang siya.

"Inaamin ko naman na nagkamali ako. Mahal kita. Pero alam mo naman ang mga problema natin lately. Hindi ko sinasabing dahilan iyon pero sa dami, minsan ayoko na lang isipin. Kaya ko siguro nagawa yun. Para tumakas sa mga problema natin na hindi natin pinag-uusapan."

Tahimik lang siya kaya lalo akong nalungkot.
Sunday, October 17, 2010 8 comments

Ang mahiwagang mensahe!


Naghahanap ako ng pictures ni Doraemon para sa isang trabahong ginagawa ko nung makita ko ang ilan sa Tagalog Doraemon quotes.

Pinaka paborito ko ung dalawang ito dahil para sa isang mababaw na anime, malalim ang ibig sabihin lalo na kung matatanda ang makakarinig:

 1
Wag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema. Para kang nang-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.
 2
Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka? 
Doraemon: Meron. 
Nobita: Ah pahiram ako! 
Doraemon: Ayoko nga! 
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon:
Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.
Kailangan natin ng maraming Doraemon lalo na para sa ilan na gusto na lang palaging shortcut ang buhay.
Wednesday, October 6, 2010 2 comments

Vote for Puerto Princesa Underground River in the New 7 Wonders of Nature Competition

Help me get this to everyone, guys! :)


To get information about the SMS voting service, text N7W to 2861.

SMS Votes

Text in the keywords below and receive an infotext trivia for every PPUR keyword sent or a wallpaper for every PPUR7and/or PPUR15 keyword sent.

 
Keywords for Globe Subscribers

PPUR - 1 vote (PHP 2.50)
PPUR7 - 10 votes (PHP 15.00)
PPUR15 - 15 votes (PHP 30.00)

to send your vote, text (keyword) to 2861
Example: PPUR7 to 2861

 
Keywords for Sun Subscribers

PPUR - 1 vote (PHP 2.00)
PPUR7 - 7 votes (PHP15.00)
PPUR15 - 15 votes (PHP 30.00)
to send your vote, text (keyword) to 2861
Example: PPUR15 to 2861

 
Keywords for Smart Subscribers

PPUR - 1 vote (PHP 2.50)
PPUR7 - 7 votes (PHP 15.00)
PPUR15 - 15 votes (PHP 30.00)

to send your vote, text (keyword) to 2861
Example: PPUR to 2861

SMS Voting Partial SMS Polling Results

If you wish to know how many votes have been sent by subscribers, you will have to text N7W POLL to 2861 .

Tariff per SMS

Globe/Smart - PHP 2.50
Sun - PHP 2.00 

Voting Period: 10/01/2010 - 09/25/2011
Per DTI NCR Permit Number 5151 Series of 2010


Sunday, August 29, 2010 5 comments

From emo to Farah Fawcett

Paalis na ako ng bahay noon para kunin ang authenticated documents ko sa school ko nung college. Buti na lang at naalala ko ang claim stub dahil kung hindi, baka nasayang lang ang araw ko.

Nagpahatid na ako kay Mama sa may toll gate dahil wala gaanong tricycle na dumadaan. Pupunta din siyang Mercury Drugkaya pumayag siya. Medyo buhol-buhol na rin ang traffic sa daan kaya nagmadali na akong bumaba ng sasakyan at pumunta sa terminal ng jeep. Hindi kasi pwede magFX dahil hindi naman dadaan sa may school un.

Pagkabigay ng bayad, kinuha ko na ang stub at sumakay ng jeep. Doon ako umupo sa may likod ng jeepney driver tutal malayo pa naman ang bababaan ko. Inabot ang ticket sa barker at chineck ang bag ko para siguruhing wala akong naiwang gamit.

Napansin ko agad ang isang lalaki sa harap na nakaupo (nasa 18-23 years old siguro) kasi naman panay ang ayos niya sa buhok niya sa ilalim ng hiphop cap niya. Siya yung tipong naka maluwag na jersey, baggy shorts at nakasuot ng malaking cap na puti. Fubu friends ang tawag ng barkada namin sa mga ganitong tao.Mga mahilig sa fubu at mayaman sa tela kung magsuot. Weird lang kasi emo-style ang buhok niya. Nakabagsak ang bangs sa noo papuntang kaliwang pisngi. At halatang kalalagay niya lang ng 3 bote ng gel dahil basang-basa pa ang buhok niya.

Inilabas pa niya ang suklay niya para perfect ang pagkakabagsak ng bangs niya sa pisngi niya. Natatawa na lang ang katabi niya sa harapan dahil maya't-maya kung tumingin sa salamin. Iche-check bawat anggulo kung maganda ang hitsura niya.

Dumaan din naman ako sa ganitong stage sa buhay ko na 'magulo na ang buhay ko, wag lang ang buhok ko' pero ibang level si Kuya.

Sakto pagkaupo ng huling pasahero nung nagsimula ng umandar ang jeep palabas ng NLEX.

Napangiti na lang ako dahil mukhang masaya ang mangyayari.

Nakalimutan kasi yata ni Kuya na expressway ang dadaanan namin at daig pa ng 5 industrial fan ang tindi ng hangin na mararanasan namin papuntang Monumento.

Todo takip si Kuya sa buhok niya. Ginamit na ang lahat ng pwedeng ipangtakip para lang hindi magulo ang buhok niya. Pati ang bag ng kasama niya pinantakip pa sa mukha niya para lang hindi mahanginan ang ulo niya.

Pigil na ang tawa ko dahil sa nangyayari kay Kuya.

Sa harap ka pa talaga naupo, naisip ko.

Tinanggal niya pa ang cap niya at ipinasok ang full bangs niya sa loob. Kaso napasama pa kasi pagkatanggal niya, pati ung buhok niya na natatakpan ng cap kanina lang ay nasama sa gulo ng bangs niya.

After 30 minutes sa byahe, nakarating din kami sa Monumento. Napatawa na lang ng malakas yung kasama niya. Nagmukhang buhok ni Farrah Fawcett yung buhok ni Kuya.
 

 Lesson Learned: Huwag na uupo sa harap lalo na kung 3 bote ng gel ang nilagay mo sa buhok mo at isa kang Fubu friend.
Thursday, July 1, 2010 3 comments

"Gusto ko na umuwi."

"Pauwe ka na?" tanong ng officemate ko habang nagliligpit na siya ng gamit.

"Yeah. Paalis na din in a while." sabi ko.

"Sige. Mauna na ako. Libre mo ako bukas, ah?" biro niya bago siya umalis ng tuluyan.

"Oo ba. Text mo na lang ako bukas kung saan. Hindi ako pupunta." naisagot ko na lang.

Ilang taon na din ako sa office kaya kahit paano naging close ko na ang mga kasama ko sa trabaho.

Pagkaligpit ko ng iPod ko at ng mga gamit ko sa locker, inayos ko na ang bag ko at naglakad na palabas. Medyo makulimlim na din. Kinailangan magtagal saglit sa work para bukas kaunti na lang ang gagawin.

Friday pa man din, naisip ko.

Habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala, nakaramdam ako ng gutom. Hindi na kasi ako sanay na hindi kumakain (a.k.a. lumalamon) bago umuwi kaya naisipan kong magdinner na lang muna bago magMRT tutal matutunaw din naman agad ang kakainin ko sa init at dami ng tao sa Ayala station.

Bigla kong namiss ang grilled bangus kaya sa Reyes BBQ sa Greenbelt 1 na lang ako kumain.

Kaunti ang tao dun for sure at maeenjoy ko ang hapunan ko ng tahimik, sabi ko pa sa sarili ko.

Enjoy maglakad sa Ayala kasi madami kang mawiwitness na kwento. May nag aaway, may nagtatawanan at mayroong mga nakapilang mga pasahero na halatang iritable na sa haba at tagal ng ipinila nila.

Buti na lang nakarating ako ng Greenbelt ng hindi gaanong pawis. Dumerecho na sa Reyes at naghanap ng pwedeng mapag-iwanan ng gamit.

Dahil iilan lang ang upuan sa ibaba, sa taas na lang ako pumunta pagkaorder ko. Tamang-tama nga dahil 3 tables lang ang may tao. Kahit maingay sa ibaba, walang masyadong ganap sa 2nd floor.

Habang naghihintay ako ng order ko, napansin ko ang nasa kabila ng table ko.

Isang babae at lalaki na magkatapat ng upuan na hindi ko alam kung magkarelasyon o magkaibigan lang.

Busy kasi ung lalaki sa laptop niya. Yung babae, kumakain lang ng tahimik sa pwesto niya.

Nakikialam nanaman ako ng buhay ng may buhay, pabiro kong sabi sa sarili ko.

Pagkarating ng order ko, nagsimula na akong kumain pero hindi pa din nawala ang atensyon ko sa tahimik na soap opera na napapanuod ko.

Natatawa pa din ung lalaki paminsan-minsan habang ung babae tuloy lang sa pagkain. Magtatanong ng kaunti sa babae pero babalik pa din sa pagkalikot ng laptop niya.

Narinig ko pang tanong ng lalaki sa kasama niya, "Gutom ka pa, baby?"

Karelasyon niya nga. Pero bakit wala siyang pakialam sa kasama niya?

Umiling lang ang babae at saka ngumiti.

"Okay. Saglit lang ha?" ngiti ng lalaki at bumalik sa laptop niya.

Hindi ko nakita kung ano ang dahilan para maignore niya ang kasama niya ng ganoon na lang kasi nasa may side ako ng babae. Nakikita ko lang kung gaano ilang na ilang at walang magawa yung babae sa pwesto niya. Ni hindi man lang tabihan ng lalaki at ishare ang ginagawa niya sa laptop niya.

Halos matapos na ako sa pagkain ko, pero ganun pa din ang eksena. Medyo may pagkairita na ang babae dahil ilang minuto na siyang nakatunganga lang at patingin-tingin sa relo niya.

Kulang na lang magSnakes siya sa phone niya sa sobrang boredom niya.

Pero ang lalaki parang walang nangyayari. Tuloy pa din sa pagkabusy niya. Kahit na tumayo ang babae at nagpaalam na magCR, tumango lang ang lalaki ng hindi man lang tinitingnan ang kasama niya.

Gusto ko pa sana alamin ang ending ng story nila kaso kailangan ko ng umuwe.

Bumaba na ako mula sa 2nd floor at saktong naabutan ko sa tapat ng cashier yung babae na galing ng CR.

"Gusto ko na umuwi." narinig ko mula sa babae habang palakad ako palagpas sa kanya.

"Sige na."

Hindi ko alam kung bakit pero naawa ako sa tono ng boses niya.

Sa aming dalawa, parang mas naramdaman niya na mag-isa lang siya kaysa sa akin.

Ilan kaya ang katulad niya na napapaligiran ng mga tao pero parang mag-isa pa din?
Wednesday, June 9, 2010 4 comments

"Kahit kelan ka."

"Kahit kelan ang kulit mo! Haha." biro niya.

"Asus! Ako pa ba, pagkakatanda ko, ikaw yung naghabol saken?" sagot ko.

Pero grabe ang tama ko nung araw na yun, naalala ko.

"Haha ang kapal! Saan tayo kakain?" tanong niya.

"Sige, sa favorite mong KFC!" sabi ko.

"Nax! Libre ba 'to?"

"Utut mo. Wala akong pera ngayon. Ikaw na lang!"

"Kelan ka pa nawalan ng pera?" tanong niya.

"Ayaw lang kita ilibre dahil sa kapal ng mukha mo." sabay tawa ko.

Pagpasok namin sa KFC, nag alok na siyang umorder para sa amin. Tutal kabisado naman niya ang gusto ko. Sa tagal ba naman namin.

Tinext ko: Tagal u umorder powh. jejeje

Nawala ata sa ulirat sa biro ko dahil ang tagal magreply.

Nung tumunog ang phone ko, ang reply: @#$%^! Nawalan ako ng gana kumain. Kunin mo sa basurahan ung order mo, jejemon ka!

Natawa na lang ako at hinintay siya dumating.

Nabati pa ako ng isang crew dahil madalas kami dito kumain.

Dala ang order namin, napangiti ako dahil naglalakad na siya papalapit sakin.

Nainlab nga ako dito, sabi ko sa sarili ko. Tatlong taon na.

Ngumiti din siya pero iba ata ang nasa utak dahil nagkwento habang nilalapag ang order namin sa mesa.

"Nakakatawa yung nasa unahan ko. Biniro niya ung nasa counter, sabi ba naman, 'Ate, tumatanggap kayo ng Rural Bank of Malanday Credit Card?'" napangiti na lang ako dahil as usual, buhay na buhay ang pagkwento niya.

Kinuha niya yung spoon and fork ko at pinunasan katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing kakain kami. Tapos maglalabas ng hand sanitizer at maglilinis bago kumain.

"Ikaw na ang pinakamalinis na customer ng KFC. Iyo na daw ung award." biro ko.

"Ungas." sagot niya.

"Kahit kelan ka." sabi ko.

Kahit kelan ka, naisip ko. Walang pagbabago.

Napangiti na lang ako.

Magsisimula na sana akong kumain ng bigla siyang nagsign of the cross kaya napatigil ako.

"Let's eat!" sabay ngiti niya.

"Kamusta work?" tanong ko.

"Ayos lang. Si Fredie nakabuntis. Malay ko dun kung ano plano sa buhay. Tapos si Tina kinasal na."

"Talaga? Sabi niya nung last natin siya makita, never daw siya ikakasal kay Sonny dahil hinayupak daw ung mga magulang. Ngayon napapayag?"

"Haha oo. Nung nagpropose daw si Sonny, walang choice kundi um-oo si Tina dahil alam mo naman ang gaga, romantic."

Naalala ko nga yun. Isurprise lang sa labas ng bahay, napapaiyak na.

"Eh naalala mo yung away natin dun sa kabilang table." tanong ko nung maisip kong ilang beses na pala kaming nag away sa KFC dahil on the way pauwi.

"Haha. Alin dun? Yung hindi mo ko hinintay lumabas ng office o nung akala mo lumalandi ako?"

"Pareho! May nalalaman ka pang iyak iyak. Haha"

"Hoy! totoo yun dahil kapag nag aaway tayo dito, tinitiis kong umiyak kasi nakakahiya daming tao."

"Asus! Inarte! Haha" biro ko habang kumakain ng fries.

May itatanong sana ako kaso ayaw kong masira ang magandang mood.

"Eh sa office niyo? Kamusta sila Ret tsaka si Pog?" tanong niya.

"Nagresign na si Pog. Kinuha uli ng call center sa tapat kasi malaki sweldo. Alam mo naman gaano kagastos un. Si Ret andun pa din. Kakapromote lang kaya ang saya saya."

"Ah. Ikaw? Kelan mo susubmit resignation mo?" tanong niya.

"Malapit na. Inaayos ko na lang yung mga pending ko para madali." sagot ko.

Inabot din kami ng halos 1 oras bago natapos sa dami ng pinagkwentuhan namin. Lagi naman.

"Gabi na. May pasok pa tayo bukas." sabi ko.

"Oo nga. Lagot nanaman ako kay Mama." pag-aalala niya.

Pagkatapos mag-ayos ng gamit, tumayo na kaming pareho at naglakad na papunta sa pintuan.

Napangiti na lang ako nung maghihiwalay na kami ng daan dahil MRT ako, siya bus.

Sa labas ng KFC kami laging naghihiwalay.

"Busog nanaman. Sa susunod libre mo naman ako ulit!" pabiro ko.

"Kahit kelan ka." sabi niya tapos napangiti.

"Sige, ingat." sabi ko at nagsimula ng maglakad papuntang MRT.

"Ingat din. Hi mo ako kina Tita." sabi niya habang palakad na din siya palayo.

Tumango na lang ako at lumingon papuntang MRT. Gusto ko pa sana magtanong, pero pinigilan ko na lang.

Tama na siguro yun. Mukhang pareho na kaming okay.

Ilang buwan na din kasi mula ng naghiwalay kami. Kahit paano, ok na din sa akin na nagkita at nagkasama uli kami ngayon.

Kahit aksidente lang.
Monday, April 26, 2010 3 comments

Dahil for girls lang daw

Isusubmit ko na sana ang entry ko sa isang online contest nung nakita ko sa mechanics na para sa mga babae lang ang promo. At dahil ineffort ko ang paggawa nun dahil hindi ako marunong magcollage prior to this, dito ko na lang ipopost yung picture.


At siyempre, dahil nag-effort na lang din ako at magpakapasaway na lang din, sinubmit ko na din. :P

Sinong tatanggi sa Trip for 2 to New York plus an HP Mini 210 laptop? May bonus pang movie tickets to SATC2. So for girls out there, click here and you may be the lucky girl to have 'em all!
0 comments

Clash gave me a shirt

Since I'm big fan of online promos (thanks to Boy-Kuripot's blog), I make it a point to join a few contests and promos whenever I have time. So far, the Samsung Promo has been the biggest for me. (They gave me a free Samsung Pixon just because I registered to their site. Neat, huh?)

Since then, I have won tickets to events, GC's and just last month, I got a P1k worth of Sodexho GC from the HP Ink promo.

And today, I won ClickTheCity.com's Clash of the Titans Promo. Free shirt and caps from them. Woohoo!


The last time I won in one of their promos was last year. And I got a free movie DVD from them. :)
Sunday, April 18, 2010 1 comments

Lola for Converse.

J and I were in Baguio last weekend. We wanted to get out of the scorching cities of Metro Manila and experience Baguio's cool breeze again.

We went to Mines View Park on our second day. What made me smile wasn't the breathtaking view nor the cute souvenir items that were being sold -- almost identical as those in the next store. It was this:


Lola for Converse.
Because Converse transcends culture.

*Disclaimer: Of course, it's fake. :P
Tuesday, March 16, 2010 2 comments

Namiss tuloy kita kagad.

Pauwi na kami ni J isang araw galing sa dinner. Walang choice dahil MRT talaga kami sumasakay kasabay ng buong ng Makati.

"Wala nanamang binebentang Stored Value. Bibili nanaman ako ng Single Journey Ticket." sabi ko.

"Talaga? Sige, ako na bibili ng ticket. Magwithdraw ka na lang muna dahil wala ka ng barya, diba?" sabi ni J.

"Oo nga pala. Sige, salamat!"

At saka ako naglakad papunta sa ATM machine ng PSBank sa may kabilang side ng entrance. Sa dami ng tao dahil rush hour, kailangan ko pang ikutin ang buong pila makaabot lang sa kabilang side.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humarang na maskuladong lalaki sa harap ko. Nakatingin sa nasa likod ko.

"Sa'n ka galing? Sa'n ka nagpunta?" narinig ko mula sa babaeng bigla na lang sumulpot sa likod ko. May halong pagkairita at matinding pag alala sa boses niya.

Hindi na nakapagsalita ang lalaki kaya't tinuro na lang niya kung saan siya galing: sa pila.

Biglang hirit si Ate, "Akala ko saan ka nagpunta. Namiss tuloy kita kagad. Bakit ka ba kasi humiwalay sa akin pumila lang ako?" ng buong paglalambing at sabay kapit sa lalaki na parang walang bukas.

Muntik ng lumagpas ng dingding ang kilay ko sa narinig ko. Muntik ko ng mai-quote ang sikat na DJ. "Meh ganon?!"

Tinawanan na lang namin ni J ang nangyari nung naikwento ko sa kanya. Hindi ko na masyadong inisip dahil narealize kong ganun din kami sa isa't isa kapag nagbobolahan kami.
Saturday, February 27, 2010 2 comments

Lokohin mong lelang mo

May mga taong walang magawa at sinasamantala ang mga kahinaan ng iba. Pero kapag sila na ang naagrabyado, nangunguna pa sila sa pagrereklamo at pananakot na magsusumbong sa kung kaninong kinauukulan.

Dalawang beses akong nakareceive ng text na galing sa mga taong wala ng ginawa kundi mang uto ng tao.

1. Winning Number

From: 0915XXXXXXX
"CONGRATULATIONS! Via our raffle, ur num won prizes worth P1 M! To claim ur prize, pls call Mr. XXXX XXXXX at XXXXXX. DTI527 Sries of 2009."

Siyempre dahil wala din akong magawa, pinatulan ko. Para mas masaya, kunwari naniwala ako na nanalo ako kaya nagtext ako at nagpasalamat dahil nanalo ako at kung ano ang dapat kong dalin para makuha ko ang pera.

Hiniram ko yung phone ng officemate ko at nagtext din dun sa nagtext sa akin na nanalo ako.

Me:
"This is Mr. XXX XXXXX from the DTI - NCR Division. I have received your text regarding me winning prizes amounting to P1 Million pesos. May I know what the promo name is and who approved your application? Approved promos have 4 digit DTI Permit number, not 3 like what you use."

Tinawanan lang namin ng officemate ko yung ginagawa ko hanggang sa may nareceive akong text dun sa 'winning number' ko.


From: 0915XXXXXXX
"You can claim your prize anytime. Pls call Mr. XXX XXXXX at XXX XXXX. DTI527 Series of 2009."

Habang yung number ng officemate ko, walang text kahit 'Hi, Hello, Sorry po nang uuto lang kami.' man lang.

So reply pa din ako sa text.

Me:
"Salamat po talaga. Tatawag na po ako ngayon."

After a few minutes, nakareceive uli ng text ang 'winning number' ko. No problem raw. Congrats pa din.

Saka ko nireply na, "This is the same person who texted you using another number. I am from the DTI - NCR Division. Pls respond to my question. What is the promo name and who approved it? I can have your number tracked and I could have you imprisoned for this."

Wala ng reply. Kaya niresend ko ng niresend ang text ko hanggang sa nawalan na ako ng gana.

2. New roaming number

From: 0916XXXXXXX
"Kumusta n kayo dyan eto bago roaming ko, nblock dte ko sim, mlpit n ako mgpdala nextwk, paloadan nuo muna my sasabhn ko business, ingat kayo dyan plage."

Lokohin mong lelang mo, naisip ko agad.

Dahil alam kong hindi na siya magrereply kung tatanungin ko pa kung sino siya, hindi na ako nagpaliguyligoy pa at ginantihan ang panloloko niya.

Me:
"Roaming m mukha mo. Globe specialist ako, kitang kita ko san galing txt mo. Ibblock ko tong number m. Umayos ka! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga taong katulad mo."

Send.

Sana magreply, kaso feeling ko yun na ang last time na makakareceive ako ng text mula sa kanya.

Kung may taong maniniwala na pwedeng malaman kung saan galing ang text gamit lang ang phone, siya na yun. :)
Friday, February 26, 2010 1 comments

Sana inabutan ko man lang ng kahit P20 si Ate.

Pauwi pa lang ako dahil nagpatulong ako kay B kung paano mag-interview ng applicants. Nagresign kasi yung isang officemate ko at kailangan ng kapalit. Hindi ko naman kayang kunin lahat ng iniwan niyang trabaho kaya buti na lang, pumayag yung may-ari ng kumpanya na maghanap ng kapalit.

Pagkababa ko ng bus sa may Monumento, naglakad na ako derecho sa may overpass para makapunta sa kabilang side at makasakay ng jeep pauwi. Alas dose na din ng madaling araw kaya wala na ang karaniwang mga tao sa paligid.

Pagdating ko sa taas ng overpass, may napansin akong babae na nakaupo lang sa gitna ng tulay. Weird kasi mukhang mag-isa lang siya at nakaupo, nakatitig sa kung saan dumaan yung nauna sa akin. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya, saka ko lang napansin na may kalong siyang natutulog na sanggol at namamalimos.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil madalas ang ganoong eksena tuwing umuuwi ako. Nagkataon lang na kaming dalawa na lang ang nasa overpass kaya may bigat na naramdaman ako habang papalapit ako sa lugar nila. Hindi ko alam kung mag-aabot ba ako ng pera o maglalakad ng derecho na parang walang nakita.

Sa kakaisip ko siguro, nanaig ang pagmamatigas ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nilagpasan sina Ate at ang kanyang anak.

Habang iniisip kung bakit ko ginawa ang ginawa ko, may aninong mabilis na lumapit sa likuran ko pagkalagpas ko kina Ate. Inisip kong baka may masama siyang balak at habulin ako kaya takot na takot akong lumingon agad para makita kung sino yung nasa likuran ko.

Isang babaeng nursing student lang pala na mukhang nagmamadaling maglakad pauwi.

Nakunsensya ako sa nangyari. Hindi na ako tumulong, pinag isipan ko pa ng masama si Ate na hawak ang anak niyang natutulog ng mahimbing.

At parang may kumalabit sa akin at napahinto ako saglit sa pagbaba ng overpass.

Buong buhay ko, naging mabait sa akin ang Diyos. Ibinigay ang lahat ng kailangan ko ng walang hinihinging kapalit. Ako na nag-eenjoy sa mga biyaya Niya habang may mga taong madaming problema sa buhay. Ako na kakasweldo lang habang may mga taong hindi alam kung may makakain ba kinabukasan.

Nakakahiya na nakakalungkot.

Sana inabutan ko man lang ng kahit P20 si Ate. Kahit barya man lang, nag-abot ako. Baka sakaling makatulong ako para magbago ang buhay niya, at baka sakaling makatulong din siya para magbago ang buhay ko.
Wednesday, February 10, 2010 5 comments

"Gusto mo makita yung buto mo?"

Things you DON'T want to hear from your dentist during a tooth extraction/surgery:

1. "Gusto mo makita yung buto mo? Yung sa panga? Sobrang puti oh. Dali bago natin isara yung gums mo."

2. While stitching my open gum, the other dentist said, "Naputol. Tingnan mo.Tatahiin mo uli yan. Higpitan mo ng konti para hindi masira."

3. While drilling my 3rd molar on the left (wisdom tooth), she kept on saying, "Hindi ko makita. Tama ba 'tong tinatamaan ko nito?"

4. When using a forcep (a smaller version of the picture here) to pull the tooth out, "Hala. Nabasag yung crown (head part of the tooth). Iisa-isahin natin yung root nito." It had two.

5. The damn impacted tooth was on my left side. And my dental surgeon (or whatever you call them, apparently there are cases when surgery is required instead of a normal tooth extraction) said to the other dentist, "Ang hirap naman. Hindi ako kaliwete. Dyan kaya ako?" After a few seconds, "Dyan na lang sa kanan. Mahirap pa din dito."

6. "After nito mamamaga yung panga mo. Parang sinuntok ka kasi lolobo ng ilang araw. Kaya magleave ka na."

After all of that, I survived the 5-hour surgery; traumatized and took brushing my teeth to a whole new level.
Monday, January 18, 2010 6 comments

"Saan bababa?"

"Dito na lang tayo sumakay. Wala na tayong choice eh." sabi ko sa kaibigan ko.

Pauwi na kasi kami galing sa inuman. Gabi na kaya wala ng MRT panigurado.

"Fine. Goodluck sa byahe mo." sagot niya.

"No choice. Sanayan lang."

Pagkasakay namin, medyo puno na din ung mga nasa unang kalahati ng bus kaya dun kami naupo sa may likuran. Sakto dahil sa sumunod na bus stop, madaming sumakay. Buti na lang nakaupo pa kami. Medyo maginaw lang dahil nakatutok sa amin ung aircon ng nasa tapat namin. Giniginaw din siguro.

Buti na lang nakajacket ako, naisip ko.

"Tingnan mo si Ate, oh. Ayaw niya magshopping." sabi niya sa isang babae sa left side ng bus, katapat ng kaharap namin na hindi mapakali kakaayos ng mga pinamili niya. Anim na plastic bag at 3 paper bag.

Mayaman. 

"Eh si Nanay tingnan mo, mahilig sa green." sabi ko sa kasama ko.

"Mukha ngang diring-diri siya sa green eh. Mula ulo hanggang paa nakagreen."

At sabay labas ng panyo ni Nanay. Green.

Nagkatinginan na lang kami ng kasama ko at natawa ng mahina.

"Cute nung baby. Mana sa'kin."

"Sa'yo talaga? Hindi man lang sa atin?" reklamo ko.

Cute nga. Ang saya siguro ng may anak na at nagsisimula ka na ng sarili mong pamilya.

"Saan bababa?" sabi ng konduktor na biglang pumutol sa pagmumuni-muni ko.

Saan nga ba ako papunta? naisip ko.

"Isang Monumento tsaka isang Robinsons." sagot ni kaibigan ko sa konduktor sabay abot ng pamasahe namin.

"Lutang ka? Naghang ata utak mo." biro niya habang natatawa sa akin.

"Hindi. Nagbubuffer lang." sagot ko at napangiti na lang ako.

Napansin niya ata na malalim ang iniisip ko bago dumating ang konduktor.

"Minsan ba naramdaman mo na ung lahat ng nasa paligid mo busy pero ikaw hindi."

Oo, naisip ko.

"What do you mean?" sagot ko.

"Un bang parang everybody's moving forward pero you feel stuck somewhere. Hindi mo alam kung bakit."

Kaibigan nga kita. Alam mo ang takbo ng utak ko.

"Oo naman. Lalo na sa lagay natin. Naiisip ko din yan." sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

Iniisip na kailangan kong tulungan ang sarili ko bukas kaya ginagawa ko na ang lahat para sa sarili ko ngayon.

"Wala. Nagpapakabusy na lang ako para hindi ko maisip lagi." na lang ang nasagot ko.

"Ang lungkot nun no? Lalo na walang kasiguruhan ngayon."

"Malungkot talaga. Pero kailangan lang natin gawin kung ano yung kaya natin ngayon."

Hanggang sa bumaba siya, nag-iisip pa din ako. Habang ang lahat busy sa kanilang mga gagawin pag-uwi ng bahay, ako nasa biyahe. Iniisip kung nasaan na nga ba ako ngayon at saan ako papunta.

Biglang tumunog ang office phone ko.

"Pwde mkipagtxtm8?"

At pinatay ko na lang ang phone ko.
Thursday, January 7, 2010 8 comments

"Tres."

Pauwi na sana ako galing office nung naisipan kong alamin magkano ang 'greenhills' price ng phone ko. Tutal ibebenta ko na rin lang, maganda na din siguro na alamin ko kung ano yung pinakamababa kong dapat tandaan.

Samsung Pixon M8800 ang phone ko. Okay na din siya dahil wifi na lang ang kulang, kumpleto na din. Saan ka ba makakahanap ng cellphone na 8Megapixel na?

Pagdating ko sa Grand Central sa may Monumento, naghanap pa ako ng tindahang wala gaanong tao dahil hindi din ako kumportable sa tindahan na may madaming tambay.

Nakakita ako ng isang stall sa may gilid ng mall malapit sa exit. May isang kostumer na babae lang at dalawang babaeng tindera sa likod ng paninda nilang mga cellphones.

"Miss," at nilabas ko ang phone ko para makita nila. "Magkano 'to kung ibebenta ko?" maayos kong tanong sa isang babae na malapit sa akin.

"Anong model nito?" sagot niya habang ineexamine ang phone ko.

"Samsung Pixon M8800." sagot ko pero bago niya pa marining ung M8800, lumingon siya sa katabi niya na kausap yung isang babaeng kostumer.

"Magkano 'to?" tanong niya sa kasama niya sabay abot ng phone ko.

At tumambling na ako sa sumunod na naganap.

Pagkakuha nung isang babae sa phone ko, tumingin siya sa akin. Mula ulo hanggang sa bewang ko dahil hanggang dun lang ang kita niya mula sa kinauupuan niya. Dalawang segundong katahimikan at saka sinulyapan yung phone ko. Ni hindi man lang inexamine.

"Tres."

Hindi ko naintindihan nung una yung sagot niya kaya nilingon pa ako nung kasama niya uli.

"Three thousand."

Ano 'to, 3210?! naisip ko.  

Tapos panigurado, ibebenta mo 'to ng 10K sa iba.

"Sige. Thank you." na lang ang nasagot ko at saka umalis. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Hindi ko alam kung compliment o lait yung nangyari sa akin.  Sa halagang tatlong libo, mas matagal niya akong inexamine kaysa sa cellphone ko.
Monday, January 4, 2010 3 comments

"Oo, eh. Favorite niya kasi."

Pauwe pa lang ako galing sa isa nanamang pagroronda sa mga malls ng Makati. Sinamahan kasi namin ang kaibigan ko mag-ikot ikot ng ipangreregalo niya sa partner niya dahil unang monthsary nila bukas. Naghanap na rin ako ng planner dahil nakalimutan kong bagong taon na nga pala.

Sa MRT, pagkababa ng kasama ko, nakaupo ako agad pagdating ng Ortigas station. Sakto lang dahil sobrang pagod na rin ako kaiiikot sa Glorietta at SM. Unan at banig na lang ang kulang, siguradong makakatulog na ako.

"Para sa kanya?" narinig ko mula sa katabi kong babae.

Kausap niya ang isa sa dalawang lalaking kaharap niya. Halatang pagod din dahil pare-pareho kami ng hitsura ng mukha. Yung tinanong, may dalang takeout galing sa Chowking. Dalawang set ng Chao Fan at softdrinks.

"Oo, eh. Favorite niya kasi." sabay ngiti nung lalaki sa kausap niya.

"Nakuu, nag-away siguro kayo, no? Bihira kang magdala ng pasalubong eh."

Natawa ang lalaki.

"Oo, baka upakan ako nun kapag wala akong dala. Joke lang. Matagal na kasi akong walang dala para sa kanya." sabi ng lalaki.

Natuwa ako para sa lalaki at dun sa pagpapasalubungan niya.

Simpleng kaligayahan.

Maliit na bagay pero alam mong pareho nilang gustong-gusto ang isa't isa sa tono ng boses ng lalaki. Na kahit sa maliit na bagay, gusto nilang makitang masaya ang isa't-isa.
3 comments

That's business for you

Pagkatapos ng buong hapong pag-iikot sa mall, naisipan namin ng kapatid kong babae na bumili ng DVDs sa suking pirata namin. Nahihilig kasi kami lately sa mga anime, lalu pa't bakasyon, marami kaming extra time manood.

Kaso 8pm na kaya hindi na namin inabutang bukas ang tindahan. Dahil wala ng ibang paraan, doon na lang kami bumili sa mga nasa gilid ng kalsada ng Grand Central, Northmall area. Yung sa may tapat ng LRT North Station.

Sa dami ng tao, dahil katatapos lang ng pasko (Dec. 26), mahirap humagilap ng magandang DVD habang binabantayan ang kapatid ko. Kaya pinabayaan ko na lang na siya na lang muna ang maghanap dahil mapapanuod ko din naman ang pipiliin niya.

Pagkatapos makabili sa isang tindahan, hindi pa kami nakuntento at lumipat kami sa isa pang stall at naghanap ng mabibili.

Nakakita ako ng True Blood Season 2 at may isa pang nakuha ang kapatid ko. Nag alala ako dahil isang libo na lang ang pera ko at sana may panukli ang tindera.

"Miss, magkano dito sa dalawa?" tanong ko.

"P60 isa." sagot niya sa akin.

Magulo ka kausap ah, naisip ko.

"Okay. May panukli ba kayo sa 1 thousand?" tanong ko uli.

Tiningnan niya ako na parang minura ko siya.

"May barya ka naman yata dyan eh." sabat niya na parang niloloko ko siya.

Biglang kumulo ang dugo ko. At sa tono ng boses niya, siya pa ang galit.

"Wala nga." sabay pakita ko sa kanya ang laman ng wallet ko. "Eto, oh."

Sabay silip siya.

Tinanong ko ang kapatid ko kung may extra pa siya, pero wala na din siya.

"Sige, pabarya muna kami." sabay lipat sa katabing tindahan niya.

Buti na lang mas matinong kausap yung tindera at siya mismo naghanap ng uutusan magpabarya sa pera namin. Nakabili pa kami ng 6 na DVDs.

Pagkaabot ng sukli sa akin, tiningnan na lang kami nung tinderang pinanggalingan namin. Ipinakita ko sa kanya ang dami ng DVD na nabili namin, ngumiti at saka umalis.

That's business for you, gusto ko sana sabihin pero pinigilan ko na lang dahil una, hindi ako nakikipag-away at pangalawa, hindi naman niya maiintindihan.
Related Posts with Thumbnails
 
;