Monday, January 4, 2010

"Oo, eh. Favorite niya kasi."

Pauwe pa lang ako galing sa isa nanamang pagroronda sa mga malls ng Makati. Sinamahan kasi namin ang kaibigan ko mag-ikot ikot ng ipangreregalo niya sa partner niya dahil unang monthsary nila bukas. Naghanap na rin ako ng planner dahil nakalimutan kong bagong taon na nga pala.

Sa MRT, pagkababa ng kasama ko, nakaupo ako agad pagdating ng Ortigas station. Sakto lang dahil sobrang pagod na rin ako kaiiikot sa Glorietta at SM. Unan at banig na lang ang kulang, siguradong makakatulog na ako.

"Para sa kanya?" narinig ko mula sa katabi kong babae.

Kausap niya ang isa sa dalawang lalaking kaharap niya. Halatang pagod din dahil pare-pareho kami ng hitsura ng mukha. Yung tinanong, may dalang takeout galing sa Chowking. Dalawang set ng Chao Fan at softdrinks.

"Oo, eh. Favorite niya kasi." sabay ngiti nung lalaki sa kausap niya.

"Nakuu, nag-away siguro kayo, no? Bihira kang magdala ng pasalubong eh."

Natawa ang lalaki.

"Oo, baka upakan ako nun kapag wala akong dala. Joke lang. Matagal na kasi akong walang dala para sa kanya." sabi ng lalaki.

Natuwa ako para sa lalaki at dun sa pagpapasalubungan niya.

Simpleng kaligayahan.

Maliit na bagay pero alam mong pareho nilang gustong-gusto ang isa't isa sa tono ng boses ng lalaki. Na kahit sa maliit na bagay, gusto nilang makitang masaya ang isa't-isa.

3 comments:

lazy john said...

angsweeeeeeeeetttt akala ko para sa io kasi mukha ka ng gutom hahaha

JM said...

leche ka. haha dinamay mo pako! kelan ka daw mgpapakita sabi nila jeland?

magtwitter ka nga. para alam namin mga nagaganap sa buhay mo. haha daig ka pa ng mga multo.

lazy john said...

hahaha nagkita na kami nung december, kaw kaya hindi nagpapakita... hahaha ayoko nga alam mo namang taong bundok ako eh hahaha

Related Posts with Thumbnails
 
;