Monday, January 18, 2010

"Saan bababa?"

"Dito na lang tayo sumakay. Wala na tayong choice eh." sabi ko sa kaibigan ko.

Pauwi na kasi kami galing sa inuman. Gabi na kaya wala ng MRT panigurado.

"Fine. Goodluck sa byahe mo." sagot niya.

"No choice. Sanayan lang."

Pagkasakay namin, medyo puno na din ung mga nasa unang kalahati ng bus kaya dun kami naupo sa may likuran. Sakto dahil sa sumunod na bus stop, madaming sumakay. Buti na lang nakaupo pa kami. Medyo maginaw lang dahil nakatutok sa amin ung aircon ng nasa tapat namin. Giniginaw din siguro.

Buti na lang nakajacket ako, naisip ko.

"Tingnan mo si Ate, oh. Ayaw niya magshopping." sabi niya sa isang babae sa left side ng bus, katapat ng kaharap namin na hindi mapakali kakaayos ng mga pinamili niya. Anim na plastic bag at 3 paper bag.

Mayaman. 

"Eh si Nanay tingnan mo, mahilig sa green." sabi ko sa kasama ko.

"Mukha ngang diring-diri siya sa green eh. Mula ulo hanggang paa nakagreen."

At sabay labas ng panyo ni Nanay. Green.

Nagkatinginan na lang kami ng kasama ko at natawa ng mahina.

"Cute nung baby. Mana sa'kin."

"Sa'yo talaga? Hindi man lang sa atin?" reklamo ko.

Cute nga. Ang saya siguro ng may anak na at nagsisimula ka na ng sarili mong pamilya.

"Saan bababa?" sabi ng konduktor na biglang pumutol sa pagmumuni-muni ko.

Saan nga ba ako papunta? naisip ko.

"Isang Monumento tsaka isang Robinsons." sagot ni kaibigan ko sa konduktor sabay abot ng pamasahe namin.

"Lutang ka? Naghang ata utak mo." biro niya habang natatawa sa akin.

"Hindi. Nagbubuffer lang." sagot ko at napangiti na lang ako.

Napansin niya ata na malalim ang iniisip ko bago dumating ang konduktor.

"Minsan ba naramdaman mo na ung lahat ng nasa paligid mo busy pero ikaw hindi."

Oo, naisip ko.

"What do you mean?" sagot ko.

"Un bang parang everybody's moving forward pero you feel stuck somewhere. Hindi mo alam kung bakit."

Kaibigan nga kita. Alam mo ang takbo ng utak ko.

"Oo naman. Lalo na sa lagay natin. Naiisip ko din yan." sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

Iniisip na kailangan kong tulungan ang sarili ko bukas kaya ginagawa ko na ang lahat para sa sarili ko ngayon.

"Wala. Nagpapakabusy na lang ako para hindi ko maisip lagi." na lang ang nasagot ko.

"Ang lungkot nun no? Lalo na walang kasiguruhan ngayon."

"Malungkot talaga. Pero kailangan lang natin gawin kung ano yung kaya natin ngayon."

Hanggang sa bumaba siya, nag-iisip pa din ako. Habang ang lahat busy sa kanilang mga gagawin pag-uwi ng bahay, ako nasa biyahe. Iniisip kung nasaan na nga ba ako ngayon at saan ako papunta.

Biglang tumunog ang office phone ko.

"Pwde mkipagtxtm8?"

At pinatay ko na lang ang phone ko.

6 comments:

cloud said...

this post made me think. nadaanan ko din yung nadaanan mo, tama nga dapat matulungan ang sarili to cope sa anumang pagbabagaong naganap para makasurvive...

emansky said...

lahat tayo nakakarating sa point where mapapaisip talaga tayo.. san nga ba tayo papunta? kung pagdating natin e un ba talaga sadya natin... pero sabi nga.. its not the destination.. its the journey... o well.. ako din.. madalas ko nga maisip yan ngayon...

JM said...

cloud: i think evryone npagdadaanan. nagkataon na lage ko lang naiiisip un lately. :)

emansky: sabagay. it's the journey tlga. kaso maiisip mo lang tlga san ka mpapadpad after everything uve done. :)

Anonymous said...

quarter-life crisis? hehe! :)

emansky said...

quarter-life crisis.. thats new lol... siguro kaya lang siguro napapaisip ng ganto kasi wala ako lovelife hahahahaha.. natawa pa ako no..

Anonymous said...

@Emansky: That's not new. Anu be? Anyway, I agree though.. Pag walang lovelife ganyan nga. Kaya nga ako nangengeelam lang sa blog ng may blog eh. LOL!

Related Posts with Thumbnails
 
;