Thursday, January 7, 2010

"Tres."

Pauwi na sana ako galing office nung naisipan kong alamin magkano ang 'greenhills' price ng phone ko. Tutal ibebenta ko na rin lang, maganda na din siguro na alamin ko kung ano yung pinakamababa kong dapat tandaan.

Samsung Pixon M8800 ang phone ko. Okay na din siya dahil wifi na lang ang kulang, kumpleto na din. Saan ka ba makakahanap ng cellphone na 8Megapixel na?

Pagdating ko sa Grand Central sa may Monumento, naghanap pa ako ng tindahang wala gaanong tao dahil hindi din ako kumportable sa tindahan na may madaming tambay.

Nakakita ako ng isang stall sa may gilid ng mall malapit sa exit. May isang kostumer na babae lang at dalawang babaeng tindera sa likod ng paninda nilang mga cellphones.

"Miss," at nilabas ko ang phone ko para makita nila. "Magkano 'to kung ibebenta ko?" maayos kong tanong sa isang babae na malapit sa akin.

"Anong model nito?" sagot niya habang ineexamine ang phone ko.

"Samsung Pixon M8800." sagot ko pero bago niya pa marining ung M8800, lumingon siya sa katabi niya na kausap yung isang babaeng kostumer.

"Magkano 'to?" tanong niya sa kasama niya sabay abot ng phone ko.

At tumambling na ako sa sumunod na naganap.

Pagkakuha nung isang babae sa phone ko, tumingin siya sa akin. Mula ulo hanggang sa bewang ko dahil hanggang dun lang ang kita niya mula sa kinauupuan niya. Dalawang segundong katahimikan at saka sinulyapan yung phone ko. Ni hindi man lang inexamine.

"Tres."

Hindi ko naintindihan nung una yung sagot niya kaya nilingon pa ako nung kasama niya uli.

"Three thousand."

Ano 'to, 3210?! naisip ko.  

Tapos panigurado, ibebenta mo 'to ng 10K sa iba.

"Sige. Thank you." na lang ang nasagot ko at saka umalis. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Hindi ko alam kung compliment o lait yung nangyari sa akin.  Sa halagang tatlong libo, mas matagal niya akong inexamine kaysa sa cellphone ko.

8 comments:

Jeland said...

Hmm, baka akala nya ninakaw mo lang yun phone!!! Hehe.. ;p

emansky said...

ampucha hahaha... sinampal mo sana baka nananaginip nyahahahaha

JM said...

Jeland: haha akalain mong sa liit kong to, nakuha ko pa magnakaw? lol

emansky: haha natakot ako. kasi bagong kulot si Ate. Baka matrap ako dun at d makauwe. hehe

dabo said...

teka..hindi ka man lang lumaban ng tinginan?

try mo magbenta online..

emansky said...

hahaha oo nga mahirap na baka buhay ung mga kulot nya mawalan pa kami ng JM diba... naks...

JM said...

dabo: hehe un na din ang ginawa ko.. nabenta ko na phone ko. :)

emansky: may nalalamang gnun pa? hehe

lazy john said...

hahaha hmmm hindi kaya akala niya yung height mo yun?? peace..;p

ponch said...

mali naman kasi ata tanong mo sabay pakita pa ng cellphone, hehehe. :P

Related Posts with Thumbnails
 
;