Saturday, February 27, 2010

Lokohin mong lelang mo

May mga taong walang magawa at sinasamantala ang mga kahinaan ng iba. Pero kapag sila na ang naagrabyado, nangunguna pa sila sa pagrereklamo at pananakot na magsusumbong sa kung kaninong kinauukulan.

Dalawang beses akong nakareceive ng text na galing sa mga taong wala ng ginawa kundi mang uto ng tao.

1. Winning Number

From: 0915XXXXXXX
"CONGRATULATIONS! Via our raffle, ur num won prizes worth P1 M! To claim ur prize, pls call Mr. XXXX XXXXX at XXXXXX. DTI527 Sries of 2009."

Siyempre dahil wala din akong magawa, pinatulan ko. Para mas masaya, kunwari naniwala ako na nanalo ako kaya nagtext ako at nagpasalamat dahil nanalo ako at kung ano ang dapat kong dalin para makuha ko ang pera.

Hiniram ko yung phone ng officemate ko at nagtext din dun sa nagtext sa akin na nanalo ako.

Me:
"This is Mr. XXX XXXXX from the DTI - NCR Division. I have received your text regarding me winning prizes amounting to P1 Million pesos. May I know what the promo name is and who approved your application? Approved promos have 4 digit DTI Permit number, not 3 like what you use."

Tinawanan lang namin ng officemate ko yung ginagawa ko hanggang sa may nareceive akong text dun sa 'winning number' ko.


From: 0915XXXXXXX
"You can claim your prize anytime. Pls call Mr. XXX XXXXX at XXX XXXX. DTI527 Series of 2009."

Habang yung number ng officemate ko, walang text kahit 'Hi, Hello, Sorry po nang uuto lang kami.' man lang.

So reply pa din ako sa text.

Me:
"Salamat po talaga. Tatawag na po ako ngayon."

After a few minutes, nakareceive uli ng text ang 'winning number' ko. No problem raw. Congrats pa din.

Saka ko nireply na, "This is the same person who texted you using another number. I am from the DTI - NCR Division. Pls respond to my question. What is the promo name and who approved it? I can have your number tracked and I could have you imprisoned for this."

Wala ng reply. Kaya niresend ko ng niresend ang text ko hanggang sa nawalan na ako ng gana.

2. New roaming number

From: 0916XXXXXXX
"Kumusta n kayo dyan eto bago roaming ko, nblock dte ko sim, mlpit n ako mgpdala nextwk, paloadan nuo muna my sasabhn ko business, ingat kayo dyan plage."

Lokohin mong lelang mo, naisip ko agad.

Dahil alam kong hindi na siya magrereply kung tatanungin ko pa kung sino siya, hindi na ako nagpaliguyligoy pa at ginantihan ang panloloko niya.

Me:
"Roaming m mukha mo. Globe specialist ako, kitang kita ko san galing txt mo. Ibblock ko tong number m. Umayos ka! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga taong katulad mo."

Send.

Sana magreply, kaso feeling ko yun na ang last time na makakareceive ako ng text mula sa kanya.

Kung may taong maniniwala na pwedeng malaman kung saan galing ang text gamit lang ang phone, siya na yun. :)

2 comments:

karen anne said...

may narereceive din akong ganyan dati. maraming beses na at maraming beses ko ring hinarass sa text(ang sama ko!)kasi naman, obvious ang panloloko.

didinskee said...

F-f-f-found! Guess everyone's jumping the sinking multiply ship, haha!

On topic, onga... naloko an din ako nitong mapagpanggap na kamag-anak. And racket nila, mas mura daw ang load pag-binili sa Pilipinas kaya magpapabili sila sayo at papadala sa kanila. Supposedly, yung kita papadala sayo. Yeah right!

Related Posts with Thumbnails
 
;