Sunday, November 14, 2010

Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Monday. 7pm.

"Bakit mo ginawa sa'kin yun?" tanong niya.

Bakit nga ba? naisip ko. Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Hindi pa din siya tumitigil sa kaiiyak. Ako din walang tigil ang pagpatak ng luha ko.

"Pasensya ka na. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun." ang nasagot ko na lang.

"Saan ba ako nagkulang para maghanap ka pa ng iba?" tanong uli niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Wala din akong maisasagot dyan na matino. Hindi na din siguro ako nag-iisip ng mga oras na yun."

Nahuli nga niya akong may kasamang iba. Habang sinabi kong nasa ibang lugar lang ako para hindi na siya magtanong ng magtanong. Ang masama lang noon, ganun din pala siya. Kaya nakita niya kaming magkasama. Pero para hindi na kami gumawa ng gulo sa kalsada, umiwas na lang kami sa isa't isa. Tinext na lang niya ako na mag-uusap kaming dalawa sa susunod na araw.

Mature?

Noon? Oo. Pero after ng ilang araw, hindi na lang ako sigurado.

"Kailangan siguro muna natin ng pagitan sa isa't-isa. Para makapag-isip-isip." nasabi niya.

Tuluy-tuloy pa din siyang umiiyak. Buti na lang gabi na kaya wala gaanong nakakakita sa pinagtatambayan namin sa Pasig. Busy ang lahat sa iniinom nilang mga alak.

Sigh.  

Friday na friday, ganito, naisip ko.

"Hindi ba natin pwedeng gawan ng paraan?"

Umiling na lang siya.

"Inaamin ko naman na nagkamali ako. Mahal kita. Pero alam mo naman ang mga problema natin lately. Hindi ko sinasabing dahilan iyon pero sa dami, minsan ayoko na lang isipin. Kaya ko siguro nagawa yun. Para tumakas sa mga problema natin na hindi natin pinag-uusapan."

Tahimik lang siya kaya lalo akong nalungkot.

"Sorry na. Mahal kita pero ngayong ako ang nagkamali, hindi kita pipigilan. Gusto ko sana ayusin natin 'to tsaka ang mga iba pa nating problema. Pero ipagpaliban na muna natin. Sabihan mo ako kung gusto mo makipag-usap, handa ako anytime." tuloy ko.

Bakit ko nga ba yun nagawa in the first place? Wala akong maisip na matinong dahilan kundi ang aminin sa sarili ko at sa iba na natukso nga ako. Siguro sa limang taon naming magkasama, hinahanap-hanap ko na din ang excitement at thrill ng first date. Ang thrill ng unang pagkikita. Ang kilig na matagal ng nawala sa amin.

Umuwi akong malungkot. Nalilito pero alam kong may dahilan kung bakit kami nagkaganito. At aalamin ko iyon.

-=o0o=-

Ngayon. Thursday. 5pm.

"Nasaan ka?" tanong ng kaibigan ko.

"Dito pa din sa office. Ikaw?" sagot ko sa telepono.

"Kailangan nating mag-usap. Parang tama nga yung sinabi mo nung Wednesday last week."

Tsk. Sabi ko na.

"Sige, kita tayo sa usual after work."

Sigh.

-=o0o=-

Monday. 11pm.

Hindi pala umuwi agad ang ngayong ex ko na. Sinundo pa siya at nagpunta pa sa isang restaurant malapit sa kanila.

Kaibigan ang una kong inisip na kasama, pero hindi.

Si M. Ang third party. 

Halos dalawang oras sila sa restaurant.

"Salamat sa tulong. Mas okay na siguro yung ganito." sagot ng ex ko.

"Sus. Yun lang. Kilala ko yung mga ganung tipo. Madaling paikutin." sagot ng M.

Napataas lang ang kilay ko noong nalaman ko 'to.

"Ngayon, pwede na ba kita i-date?" tuloy pa ng M.

"Ilang araw pa lang tayo nagkakilala, tapos kakahiwalay lang namin, niyayaya mo na ako agad?"

"Eh diba, kaya nga ako pumayag sa setup nyo? Para maayos tayong lumabas. Tatlong linggo na din tayo magkakilala at nagkikita."

"Next week na."

"Sige, sabi mo yan ah? Ano na plano mo sa kanya?"

"Hindi ko alam. May problema nga kami pero hindi ko kaya ang gusto niya mangyari." sagot ni ex.

"Ano yun?"

"Basta sa amin na lang yon."

At nawala na siya sa buhay ko mula noon.

-=o0o=-

Thursday. 7pm.

"So ganun nga ang nangyari." kwento ng kaibigan ko.

Bakit nga kaya ganun ang nangyari sa amin? naisip ko sa sarili ko. Maayos naman noong una.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko din alam. Kaibigan ko kayo pareho pero ngayon, magulo na lahat." sagot niya.

"Bakit mo naman naisip na ikwento sa akin 'tong mga to? Dahil sa kanya, nakilala kita. So by default, wala kang obligasyon na sabihin sa akin ang mga yun.."  tanong ko uli.

"Kaibigan ko naman kayo pareho. I thought you should know dahil sa mga sinabi mo sa akin last week. Inisip ko pa kung sasabihin ko sa'yo. Pero ngayong sinabi ko na, bahala ka na sa next move mo."

"Hindi na lang siguro. Hayaan ko na lang."

"Pero paano mo nga nalaman na ganun ang mangyayari? Buti naunahan mo."

"Hindi naman siguro ako ganun ka-manhid para hindi malaman." sagot ko. "Biglang susulpot yung isa habang kasama ko yung isa. Kunwari patay-malisya. Kunwari seryoso. Buti na lang, naramdaman ko agad na parang may mali nung isang buwan pa lang. Kaya naman pinansin ko ang lahat ng nangyayari pero dapat parang wala lang sa akin."

Nakakalungkot na noong naghihiwalay pa lang kami nung Lunes, tahimik lang siya at ayaw niyang ayusin namin.


Sino nga ba ang nagkamali?

Ako na naki-ride sa acting-an o sila na nagsetup ng dula-dulaan?

Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pang sumali sa soap opera nila imbes na kausapin ko na lang agad siya nung nakutuban ko ang mga nangyayari.

Hindi nga ako nagpatalo sa laban pero in the end, parang ako pa din ang talo.

2 comments:

emansky said...

your story? o fiction?

but you know what.. sometimes kahit alam na natin at nasasaktan tayo tinutuloy natin kasi we want to know why.. kung ano pa pwede mangyari.. and we want to prove that we're right.. we love the drama.. un lang.. been there too.. wala ng isasakit pa na malaman mong totoo lahat ng alam mo (which you figured out on your own)... and worse thing is.. tayo ang talo.. tayo ang naiwan.. tayo ang masasaktan.. putik hahaha yoko ng gantong kuwento.. naiyak ako hehehe

ʎonqʎʇıɔ said...

ang hirap niyan. minsan, marerealize mo na parang drama na ang buhay, it pays to step out muna para magpahangin. sana maayos lahat. :p

Related Posts with Thumbnails
 
;