Monday, December 27, 2010

Afro sa Star City

Dahil sa birthday ni Mama, pumayag siya nung pinilit siya ni Sandy na bumalik ng Star City. Gusto sana namin ni Mark sa Enchanted Kingdom kaso effort daw. Kaya pumayag na din kaming tatlo na sa Star City na lang din. Mas malapit tsaka mas mabilis makakauwi.

Kumain muna kami ng McDo sa may Malate dahil idinaan pa namin sa unit ung gamit namin. Kinabukasan na kasi namin plano umuwe para hindi masyadong hassle.



Pagkatapos dumirecho na kami ng Pasay para makapagsimula na. Buti na lang madaling kausap yung taxi driver. Nakakaasar lang dahil halatang lumulusot. Kesyo may sira daw yung metro kaya kontrata na lang. Ayaw na namin makipagtalo kaya pumayag na kami. Tapos pagdating ng Star City, ung susunod na sasakay, iba na dahilan niya. Kesyo wala daw shock absorber yung sasakyan niya kaya hindi niya maisasakay yung 6 na gustong sumakay.  

Bakit pa pumasada kung puro na lang dahilan?

Ang daming tao pagdating namin. Kaya derecho na kami sa pila para makabili ng ticket.



Kaso pagdating namin sa loob, naharang kami sa dami ng mga nagbebenta ng kung anu-ano. Parang tiangge pero puro pangbata. Nakakatuwa lang dahil mas dumami siya this time kesa nung nagpunta kami last April. Napabili tuloy kami ng wigs at bracelet ng wala sa oras.






Saglit na lang kami nakapag-ikot sa venue dahil sa dami ng tao. Sayang nga lang dahil Ride-All-You-Can yung binili ni Mama para dun sa dalawa. Hindi naman nakasakay masyado dahil bawat ride eh sobrang haba ng pila. Malaki ang kita nila dun sa mga taong nagbayad ng Ride-All-You-Can tapos sa 2 o 3 lang makakasakay dahil sa dami ng tao.

Nalugi pa kami dahil almost 2.5 hours kaming naghintay sa iisang event pa lang. Yung 4D Super MaxRider. Parang Rialto sya ng Enchanted Kingdom pero may kasamang hangin. Malabo na ung graphics na nakakaduling, tapos dalawang set lang ng anim yung pwedeng makasakay. Kaya talagang pila kung pila dahil minsan may maaarte pang gusto sila lang or gusto na magkakasama sila kahit na lagpas ng anim pa sila.

Kumain na lang kami at nag ikot-ikot. Nag-Lazer Blaster pa yung dalawa after kaya naghintay na lang kami ni Mama sa labas. Minsan lang ako pwedeng maging afro kaya sinulit ko na habang naghihintay. Sigurado namang tatanggalin ko na din yun pagkalabas ng area.




Nag-enjoy naman ako lalo na nung nagpipicture-an kami tsaka nung pauwi na kami. Nagtakeout pa kami sa Chowking dahil sa gutom ng paglalakad at paghihintay.

Next year, sa Enchanted Kingdom na talaga. :P

1 comments:

engel said...

i think the 4d ride in MOA is better than the one in star city. but they're essentially the same. :)

Related Posts with Thumbnails
 
;