Thursday, December 2, 2010

"Ayan, paano na tayo makakauwe nito?"

"Ayan lumagpas na tayo. Kainis ka kasi ang daldal mo. Manong para ho! Para ho!"

Narinig ko na lang na sabi ng katabi ko yun habang tinatahak ng jeep na sinasakyan ko ang NLEX isang gabi nung pauwi pa lang ako.

Sa gitna ng NLEX, gusto nilang huminto ung jeep? As in tatabi na lang bigla tapos lalakarin nila ang NLEX? naisip ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ate.

Ang daldal kasi nila. Buong byahe nagtsitsismisan. Akala mo hindi sila magkapitbahay. (Namention nung isang babae na magkapitbahay nga sila.) Puro naman lalaki pinag-uusapan tsaka kung sino sa kanila ang mas magaling sa Plants vs. Zombies.

Nagpapanic na yung babaeng gustong bumaba.

"Kasalanan ko ba? Eh ang dami kong kwento sa'yo." sabi nung babaeng kasama niya.

"Ayan, paano na tayo makakauwe nito?" sagot nung isa. Hindi na maipinta ang mukha.

Sa Malinta ata sila dapat bababa kaso yung jeep na sinakyan nila, hindi dumadaan doon.

"Sa Malinta ba kayo dapat bababa?" tanong ng isang pasahero sa tapat nila.

"Oho." sagot nung nagpapanic na babae.

"Hindi kasi nagbababa sa Malinta dito. Saan ba kayo nagbayad ng pamasahe?" tanong uli nung isa.


Inexplain nila na dun sila bumili ng ticket dahil may nakapagsabi daw sa kanila na dun ang sakayan papuntang Malinta.

"Kainis ka. Lagpas na talaga tayo." sabi nung nagpapanic na babae habang yung isa kalma lang.

Obvious ba? Pangsampung beses mo nang sinasabi yan. Kahit isang daang beses pa, hindi babalik ang oras para sabihin sa inyo na mali ang sinakyan niyong jeep, naisip ko pa.

Kaso sumabat uli ung usiserang babae na nagtanong kanina. Muntik na akong matawa sa sinabi niya.

"So, first time nyong sumakay dito pero hindi nyo naisip na magtanong kung tama ang sasakyan nio? Basta nagbayad kayo tapos sakay lang. Paano pala kung sa Malolos kayo napasakay?"

Tahimik lang yung dalawa.

2 comments:

emansky said...

two thumbs up ale nag comment sa huli.. i love ung mga moments na ganyan.. sabay duh hahahahaha

JM said...

hehe sana nga tlga everyday ako makaexperience nian.

Related Posts with Thumbnails
 
;