Friday, December 3, 2010

Good luck sa budget

Pagkatapos ng pinuntahan kong event, dumaan muna ako saglit sa World Trade Center sa Pasay City para tingnan ang exhibits this year sa 10th World Bazaar Festival.

Sa dami ng nakita kong items, naramdaman kong nag-alala ang wallet ko nung nagbayad pa lang ako ng entrance worth P50. Mukha daw kasing hindi lang P50 ang mawawala sa kanya.

Good luck sa budget, sabi ko sa sarili ko.


Nakakaaliw ang mga pakulo nila this year. Mukhang mas madami at mas pinalaki yung exhibits this year. Mas maraming kasali at mas matao ang first day nila ngayon.


Sa labas pa lang, may isang hilera na ng exhibitors unlike noong last na punta ko na nasa loob lang silang lahat.

At ang daming tao. Kaliwa't kana ang tao. Kung hindi ka makakarinig ng 'Excuse Me' dahil may dadaraang tao, bigla ka na lang itutulak kasi dadaan sila. So much for manners, diba?


Lahat na ata ng klase ng mga damit nandun. Pati sa pagkain, ang daming pwedeng pagpilian. Of course, walang fastfood-type na pagkain like Jollibee or McDonald's pero okay na din lalo na sa merienda.

Pati accessories meron din sila. Nakakatuwa pa yung mga accessories nila for iPods at cellphones.

Sobrang daming pagkakagastusan. Meron pa nga silang nerdy glasses na uso ngayon kaso kasing laki ng ulo ko yung isang mata. Sayang hindi ko nakuhanan. Patago kasi akong nagtatake ng pictures dahil cellphone ko lang ang gamit ko.

Sayang lang kasi ung isang dahilan kung bakit ako pumunta eh wala sila. Gadgets. Wala man lang booths from phone companies, computers or kahit cameras. Dun pa naman ako excited.

Last year ba meron sila? Hindi ako nakapunta eh.

At least nakahinga ng maluwag ang wallet ko. Hindi lumampas ng P50 ang nawala sa kanya. Nakita ko pa sila Donita Rose at Rica Peralejo nagbebenta. May booth pa nga sila Anne Curtis, Jodi Sta Maria, Kris Aquino tsaka Angel Locsin. Kaso wala pa sila at the time.

Hinanap talaga? haha

Baka bumalik kami next week kasama family. Para makaluwas naman sila ng probinsya. Hehe.

2 comments:

Anonymous said...

galing din ako jan crush. sana pala naabutan kita :P

JM said...

same day nandun ka? :)

Related Posts with Thumbnails
 
;