Wednesday, December 15, 2010

Gusto ko pa sana umorder kaso suko na tiyan ko

Dahil December ang buwan kung kailan ako niluwa ng lupa, siyempre madami akong ipopost na pictures lalo na halos kasabay ko lang din si Jay. So for my birthday, hinintay ako nila Jay at Billy after office dahil may practice pa kami ng officemates ko for our Christmas party.


At dahil walang magawa yung dalawa habang naghihintay sa akin, naisip nila na mag ikot-ikot muna sa Ayala Triangle at magpicture ng magpicture ng puro mga ganitong photos.

 

Kulang na lang talaga production number ng Cirque de Soleil dahil halos kumpleto na ang props dahil sa fog machine. Sayang hindi ko napanuod pero buti na lang may video na nakunan sila Jay.

Pagkatapos ng practice namin sa office, nagkita-kita na kami at nagdecide na pumunta sa The Fort dahil hindi pa kami nakakapunta dun na magkakasama. Lalo na kami ni Jay na bihira umalis ng Makati at Eastwood.

Sa Abe na kami nagdinner dahil na din sa recommendation ni Billy. Dapat siya ang taya kaso naiwan daw niya yung gold bars niya sa bahay kaya next year na lang daw.


Umorder kami ng Pork Knuckles (Hello, Crispy Pata! :) ), Sinigang na Bangus tsaka ang Binukadkad na Pla-Pla na akala ko isang buong manok sa malayo dahil sa hitsura.


Balewala kung hindi na kami kakain bukas. Sa sarap ng pagkain, busy na kami sa kwentuhan at pagkain. Kahit na sobrang ingay sa dami ng tao at tagal ng pagserve ng condiments at follow up orders, okay lang dahil sa pagkain.

Masakit lang sa tiyan dahil sa dami ng nakain namin.


"Extra rice pa?" tanong ko after ko makaubos ng isa.

"Sige, mamaya na." sagot ni Billy pero nung naubos ang kainin, biglang hirit ng, "hindi masarap kapag walang kanin!" kaya napa-order na ulit.

"Kita mo kinantahan yung isa dun. Gusto mo ikaw din?" biro ni Billy.

"Yoko. Agaw-eksena lang?" sagot ko.

"Sige na. May free dessert yan!"

At kahit ayaw ko, nasabi niya pa din sa babae na nagseserve sa amin na birthday ko nga ng araw na yun.

"Ate, birthday niya."

"'Di nga? Talaga, sir?" tanong niya.

"Hindi. 'Wag ka maniwala dyan. Pinagtritripan ka lang niyan, Ate!" sagot ko agad.

Kaso mukhang naniwala nga siya kaya habang nagkukwentuhan kami, bigla na lang may isang grupo na kumakanta sa likod ko. May dalang maliit na cake.




Pagkatapos ng dinner, nagikot-ikot lang kami sa High Street bago nagsettle muna sa isang tambayan. Siyempre konting pictures para malibang habang pinagtsitsimisan yung mga tao sa paligid namin.




At dahil maaga pa (kahit na may mga pasok pa bukas hehe), tumambay muna kami ng Seattle's Best para magkape at magpalipas ng oras bago umuwe.




At pagkatapos ng anim na araw, birthday naman ni Jay. Sayang lang dahil hindi nakapunta si Billy. Nag-iinarte. Malayo daw kasi yung Pasig sa Manila.

Malapit lang naman diba?

Kaya kami na lang ni Jay ang sumalubong sa birthday niya at kumain sa Gumbo for dinner after work.


Umorder kami ng Jumpin' Shrimps and Peel at Stuffed Pork Marsala. May libre pa kaming Buffallo Wings dahil daw umorder kami sa Main Entree nila.

Siguro gabi na kaya inuubos na nila yung food? hehe

Pero siyempre hindi naman kami tatanggi sa libre lalo na kung Buffalo Wings un. 




Hindi naman makukumpleto ang meal kung walang dessert, di ba? So, based sa magandang feedback ni Jay, pumunta kaming Diamond Hotel para masubukan ang "Best Ensaymada in Town" sabi niya.


True enough. Masarap nga siya. Hindi lang ako sure sa best in town dahil hindi pa ako nakakatikim ng madaming ensaymada. Madalas yung sa Quickmelt lang. :P
 So far, ito nga yung pinakamasarap na ensaymada na natikman ko pero according to Spot.ph's survey last July 2010, hindi kasama ang ensaymada ng Kohikan at the Diamond Hotel sa list. According sa ibang bloggers, ito nga daw ang pinaka.

Kailangan kong matikman yung iba para magkaalaman na talaga. Isang magandang layunin para kumain ng madaming ensaymada. *big grin*




Tinikman ko din yung Milk Oreo nila. Sarap. Gusto ko pa sana umorder kaso suko na tiyan ko.

 

So, you can just imagine how big my stomach is after all these. :P

4 comments:

Anonymous said...

love it! :) hehe para lang akong tanga sa pics. at natawa ko sa survey part. kulang yata ako sa credibility. :P - jgc

Anonymous said...

nakakalaway naman yung ensaymada..hmmm...

emansky said...

food critic hehehe... para akong nagbasa ng food magazine hehe.. but hey, happy birthday :D
and merry christmas na din...

i love ung ensaymada tas parang may sauce hehehe ang tanging ensaymada na nakida ko na may sauce hahahaha

JM said...

@jgc hehe try din natin next time ung ibang nasa list para masaya. :P

@anonymous hehe sinabi mo pa. masarap siya kaso masakit sa tiyan after. sarap. :)

@emansky haha nakiki-critic lang. wala akong alam sa mga ganyan kaya dinaan ko na lang sa pictures. hehe

Related Posts with Thumbnails
 
;