Tuesday, December 21, 2010

Tawag-tawagan na lang talaga?

Dahil may extra day off ako from work (pinayagan ako nila ser at ma'am na umalis kasama ang mga co-yaya ko hehe), dumirecho ako sa SSS Head Office para i-follow-up ang digitized ID ko na inapply ko pa last November 23, 2009. More than 1 year na kaya siguro naman may pondo na sila para iprint sa card yung details ko at ibigay sa akin. Anong petsa na, diba?

So kahit labag sa kalooban kong gumising nanaman ng maaga at mamasahe papuntang QC, wala akong nagawa dahil ID din yun. Ayoko namang Driver's License, Company ID at Passport ko lang ang valid ID ko.

Kaso pagkarating ko ng SSS Office, biglang sinabi sa Information na, "ang mga applications po starting October 27, 2009 until ngayon ay hindi pa natatapos. May mga technical problems pa po kaya tinetest pa din namin. Pakitawag-tawagan na lang po ang number na XXX-XXXX to XX kung ready na for pick up ang ID n'yo."

Tawag-tawagan na lang talaga?

Sigh.

Gobyerno nga naman, naisip ko.

Pagkatingin ko sa kabilang side, ang dami pa din ng mga taong nag-aapply for digitized ID. Pila kung pila.

So, tanggap pa din sila ng tanggap ng applications pero hindi nila magawang asikasuhin muna ang system nila. Magkano nga naman kasi ang fees sa pag-apply ng digitized ID kaya sayang naman kung hindi nila ia-accommodate, diba? Tsk.

Kaya no choice. Umuwe na lang ako after maglunch saglit.

Sumakay ng bus at sinubukang matulog sa byahe. At least napangiti naman ako ni Kuyang Kundoktor from Bave's Transport Service Association, Inc.



 

Hmm.. Transport Service Ass, Inc... parang may hindi tama. :P

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;