Sunday, November 14, 2010 2 comments

Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Monday. 7pm.

"Bakit mo ginawa sa'kin yun?" tanong niya.

Bakit nga ba? naisip ko. Hindi ko din alam bakit sa dami ng magagawa ko, naisip ko pa yun.

Hindi pa din siya tumitigil sa kaiiyak. Ako din walang tigil ang pagpatak ng luha ko.

"Pasensya ka na. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun." ang nasagot ko na lang.

"Saan ba ako nagkulang para maghanap ka pa ng iba?" tanong uli niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Wala din akong maisasagot dyan na matino. Hindi na din siguro ako nag-iisip ng mga oras na yun."

Nahuli nga niya akong may kasamang iba. Habang sinabi kong nasa ibang lugar lang ako para hindi na siya magtanong ng magtanong. Ang masama lang noon, ganun din pala siya. Kaya nakita niya kaming magkasama. Pero para hindi na kami gumawa ng gulo sa kalsada, umiwas na lang kami sa isa't isa. Tinext na lang niya ako na mag-uusap kaming dalawa sa susunod na araw.

Mature?

Noon? Oo. Pero after ng ilang araw, hindi na lang ako sigurado.

"Kailangan siguro muna natin ng pagitan sa isa't-isa. Para makapag-isip-isip." nasabi niya.

Tuluy-tuloy pa din siyang umiiyak. Buti na lang gabi na kaya wala gaanong nakakakita sa pinagtatambayan namin sa Pasig. Busy ang lahat sa iniinom nilang mga alak.

Sigh.  

Friday na friday, ganito, naisip ko.

"Hindi ba natin pwedeng gawan ng paraan?"

Umiling na lang siya.

"Inaamin ko naman na nagkamali ako. Mahal kita. Pero alam mo naman ang mga problema natin lately. Hindi ko sinasabing dahilan iyon pero sa dami, minsan ayoko na lang isipin. Kaya ko siguro nagawa yun. Para tumakas sa mga problema natin na hindi natin pinag-uusapan."

Tahimik lang siya kaya lalo akong nalungkot.
Related Posts with Thumbnails
 
;