Monday, February 14, 2011

Bawal ang kulubot

"Utak mo talaga, kakaiba. Kung anu-ano naiisip mo. Hindi kaya antok yan?" tanong ko.

"Hindi kaya." sabay ngiti.

"Pero grabe yun no? PhP700 Million plus kung mag-isa ka lang mananalo sa lotto. Ano kaya magagawa ko dun sa ganung kalaking pera? Ikaw ano gagawin mo?"

"Ang laki nga. Uhm.. bibigyan ko sila Nanay ng tig-10 million. So, si Nanay, si Tatay, Si Mylene, Sinu pa ba?" sagot niya.

"Ngek. Bakit tig-10 million lang? Ang liit naman! Eh paano ako? Magkanu bibigay mo sa akin?" biro ko.

"Siyempre malaki sau. Mga 50 million." sabay ngiti niya ulit.

"Wow! So kulang-kulang mga 100 million un sa amin. Panu na ung 600 million? Ang dami pa din nun!"

"Bibili ako ng lupa. Tapos papatayuan ko ng bahay para kina Nanay. Tsaka gagawa ako ng negosyo. Papatayo siguro akong apartment tapos paparent ko."

"Wow! SM Residences ang labanan!" biro ko.

"Eh ikaw? Ano gagawin mo sa 700 million pesos?" tanong niya.



"Uhm. Bibigay tayo sa mga charity ng tig-1million. Para sa mga bata at matatanda tsaka ung mga may sakit. So mga 20 million siguro un."

"Wow. Very Miss Universe question and answer portion lang." biro pa niya.

"Naman! Pero hindi nga. Siyempre mas kailangan nila yun. Tsaka para good karma din. At least bago man ako mamatay, nakatulong tayo. Lalo na sa mga orphanage." sagot ko.

"Eh ung iba?"

"Uhmm.. Babalik ako sa school tapos magffranchise ako ng 7-Eleven o Ministop o kahit anong convenience store. Alam mo naman na gusto ko yun dati pa. Para umiikot lang ung pera. Para hindi puro gastos lage. Tapos kung pwede, sila Mama magmamanage para may ginagawa siya tsaka sayang ung utak nun. Matalino pa naman. Napupurga lang sa kaka-Sudoku at Crossword sa bahay. At least kapag nasa school si Sandy, may pinagkakaabalahan siya. Yun nga lang tuwing kinukwento ko sa kanya, ayaw daw niya. Masakit daw sa ulo." natatawa kong kwento.

"O tapos paano na yung iba?"

"Hindi pa kaya ako tapos." sabat ko sa kanya ng pabiro habang nakasandal sa balikat niya ang ulo ko.

Pareho kaming nakahiga sa kama nagkukwentuhan lang. Nakatingin sa kisame at kung anu-ano pinag uusapan.

"Siyempre katulad mo, patayo din ako ng apartments para may titiran tayo or ipapa-rent natin. Tapos kung gusto mo patayo din tayo ng internet shop kasi alam mo naman mga bagets dito sa atin. Mamatay na sila sa gutom basta may pang-DOTA lang sila."

Natawa lang siya.

"Oo. Yung kakilala ko nga, P50,000 ang gastos nila sa kuryente dahil sa internet shop nila pero bawi din daw. Kailangan lang talaga ng trusted na tao dun para magbantay."

"See? Kaya ikaw magbabantay sa shop." banat ko agad.

"At bakit ako? Eh ikaw nasaan ka ng mga panahong ito?"

Hindi ko napansin na magkahawak din pala kami ng kamay. Nasanay na siguro kasi ak na kahawak ko siya lage ng kamay. Kahit sa labas minsan hindi ko napapansin, magkahawak na din kami ng kamay. At minsan, natititigan na kami ng mga tao dahil hindi kami mukhang magkaibigan lang. Sa lapit ng mukha namin sa isa't isa tuwing nag-uusap kami, talagang hindi nga maipagkakaila.

"Siyempre nagtotour ako sa buong mundo. Joke lang. Siyempre pupunta ako sa mga major countries tapos magsa-shopping din ako parang si Jinky Pacquiao."

"Ah ganun? So, ikaw lang? Ikaw lang talaga?" pang-aasar niya sa akin.

"Asus. May nalalamang ganun pa? Siyempre kasama kita. Minsan kasama ko sila Sandy para makaikot din kami sa ibang bansa. Kaya nga plano din natin magwork sa ibang bansa diba? Para makapag-ipon. Kaso matagal pa un kasi bata pa naman tayo."

"Ako lang kaya ang bata. Ikaw gurang ka na."

Masayang umalala ng mga masasayang nangyari. Minsan kung ano pa yung maliit na bagay, yun pa ang naaalala ko. Iba kasi kapag sa simpleng bagay lang, nararamdaman mo na ok ka na. Wala ng hihingin pa.

Maliit na bagay lang katulad ng paghihintay after work para sabay lang kayo sumakay ng MRT.

Maliit na bagay lang katulad ng paggagawa ng checklist ng mga dapat dalhin at gawin kung pupunta ka sa malayong lugar. Kahit hindi naman siya kasama.

Tuwing aakbayan ka para lang maramdaman mong nasa paligid lang siya.

Tuwing bibigyan ka ng chocolate. Installment basis pa dahil alam niyang kapag binigay niya lahat ng isang bigayan, ubos agad bago pa man makauwe.

Tuwing nagkukwento ka tapos biglang magtetext hanggang sa hindi na pala siya nakikinig sa sinasabi mo. Tapos ipapaulit yung kwento mula sa simula. Effort diba?

Tuwing sasawayin mo magyosi pero dahil wala ka na din magawa, itatago mo na lang yung lighter para manglambing.

Sa dami ng mga magagandang nangyari, gusto mong sabihing, "Isa pa, please?"

Pero hindi pwede dahil mas excited ka sa kung ano ang mangyayari bukas. Dahil mas excited ka kung ano pa ang mararanasan niong magkasama bukas.

Dahil gusto mong gumawa pa ng mas madaming bagong maliliit na bagay.

Kulang ang isang taon, J. Dagdagan pa natin ng 75. Pero dapat walang tatanda. Ung ibang mapapanalunan ko sa lotto, bibilin ko ung Belo at Calayan tapos gagawa lang sila ng paraan para lagi lang tayong ganito.

Bawal ang kulubot. Mahina na nga ang memory ko, kukulubot pa balat ko? Hindi pwede!

Happy Anniversary, J. I'm so looking forward to more years with you. :')

2 comments:

emansky said...

nakakainggit naman ung magkatabi lang kayo na nakahiga tas magkawak ng kamay.. kailan kaya ako darating sa point na un ahihihihi

chichirya said...

Lovefull! :-) Kakainggit.

Related Posts with Thumbnails
 
;