Thursday, April 21, 2011

"Bribing is a must"

Bida nanaman ang Pilipinas. Hindi dahil nanalo tayo sa boxing or may nakuhang bagong korona sa isang beauty pageant kundi dahil ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), especially and Terminal 1, ang 'world' worst airport,' at 'Asia's 5th worst airport,' ayon sa isang website na The Guide to Sleeping in Airports.


Hindi naman na ako nagtataka dahil sa mga kwento pa lang ng tatay ko tungkol sa mga officer natin sa airport, hindi na ako umaasang magigingmaganda pa ang reviews ng airport natin.

Malas lang dahil ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na nakakakuha ng top searches for 'resorts' at kahit sa Asia, mas mataas pa siya compared sa mga sikat na bansa like Singapore, US and Canada.

Madami nga ang gustong pumunta sa atin kaso naman kung ang sasalubong sa kanila eh mga 'money hustlers' at 'thieves' na airport officials, paano pa gaganda ang experience nila sa atin? Mas masama pa kung katatapos lang nila sa bakasyon sa isang resort sa Pilipinas tapos haharap uli sila sa airport para lang masira ang buong experience nila.

Ako pa lang noong papunta akong Singapore eh halatang pera na ang nasa utak nila nung humarap ako sa kanila, ano pa kaya yung sa mga foreigners lalo na ung sa mga dumadaan ng customs?

Ilang kwento na din ang mga nababalitaan ko sa mga kakilala kong OFWs sa Singapore, ibang klase daw talaga ang mga tao sa airport.


Sana mabasa nila yung mga reports tungkol sa kanila para naman mahiya sila ng konti.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;