Wednesday, April 27, 2011

Goodbye, Friendster?

Kailan mo huling nabuksan ang Friendster mo?

Apparently, sa May 31, 2011, tatanggalin na ng Friendster ang lahat ng photos, messages, comments, shoutouts, blogs at iba pang mga content na nakatambak lang sa account mo.

Sa sobrang tagal na ng Friendster account ko, hindi ko na matandaan kung first year highschool ba o first year college ko siya ginawa. Natataandaan ko pang mga highschool classmates ko pa ang nag-introduce sa akin nung website. Tapos uso pa noon ang hingian ng Testimonials from friends. Wala pang games o kahit anong klaseng pag-tatag ng friends sa pictures na pinauso lang naman ng Facebook. Pati ang Who's Viewed Me hindi pa din uso noon. Friendster kasi ang nagpasimula ng mga social networking sites tapos sinundan ng Myspace at Multiply, at least based sa mga nakukuha kong feedback from friends. Nadagdagan pa ng Hi5, Tagged, Faceparty, Bebo at kung anu-ano pang mga social networking sites hanggang sa sumulpot na nga lang ang Facebook.

Ngayon magkakaroon daw sila ng mga upgrades at tatanggalin na ang ibang components ng Friendster accounts. Mas focused daw sila sa 'entertainment and fun' dahil nagiging irrelevant na sila compared sa Facebook.

Ayon sa Friendster:
Your Friendster account will not be deleted when these new features and changes take place. You may continue to login to Friendster using your existing login details.  Your list of friends will be preserved, along with your basic profile information, wallet and games.
Sa tagal na ng account ko dun, parang malaking part ng pagkabata ko ang mabubura. Sign of aging na ata 'to dahil mahirap na pakawalan ang mga bagay na tulad nito.

Bago pa man madelete ang account nyo, I suggest idownload na ang Friendster Exporter app at ng mabackup na ang lahat ng 'memories' nyo.





  

  


Our improved site is designed to create new profiles that allow you to connect differently with people and do things differently than other networking sites. Basically, the new site will complement your existing online presence in other social networking sites.
Sana nga, mas maging ok ang bagong Friendster. Sayang naman kung nag-upgrade sila tapos hindi pa din nila masabayan ang Facebook at Twitter.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails
 
;